At Last A Love To Last - Part 14

4.7K 182 16
                                    

MABILIS ang pagkilos na bumaba si Carlo sa sasakyan niya. Napatingala siya sa bahay na kinalakihan niya. It has been years mula ng huli siyang mapadpad doon. Sa totoo lang ay wala naman na siyang balak bumalik doon. Pero ngayon ay kailangan. Panahon na para kausapin niya ang mga magulang niya. Panahon na para ayusin naman niya ang buhay niya. Walang pag-aalinlangang lumakad siya papasok.

Tulad ng inaasahan niya ay nasa hapag ang mga magulang niya. Napalingon ang mga ito sa kanya ng pumasok siya roon.

"Hijo! Wow, it has been so long," bati ng kanyang ina na tumayo pa at lumapit sa kanya. Walang pag-aalinlangang niyakap siya nito. Napansin niya na nag-mukha na itong matanda. Medyo pumayat na rin ito. "Salamat naman sa Diyos at naisipan mo kaming dalawin Carlo."

Marahan niyang kinalas ang yakap nito. "I came here to talk mama," aniya sa pilit na pinakaswal na tinig. "Papa," bati niya sa kayang ama na tipid na ngumiti. Itinuro nito ang silyang palagi niyang pwesto noong nakatira pa siya roon.

Sumunod siya. Ang kanyang mama naman ay bumalik na sa pwesto nito. Nakangiti pa rin ito at nakatingin sa kanya. "O, wait, I bet you're hungry. Lettie!" tawag nito sa nanay ni Gemma na mabilis namang sumulpot at binigyan siya ng pinggan at kubyertos. Napatingin siya rito. Bigla na naman niyang naisip kung ano ang mga pinagdaanan ni Gemma sa siyam na taon na mag-isa ito. Ngayon ay sigurado na siyang wala talagang alam ang mga magulang nito kung nasaan ito. pero sana man lang, sinabi ng mga ito ang katotohanan para nagawan niya ng paraan. Pero pinagmukha siyang tanga ng mga taong pinagkatiwalaan niya.

"Thank you nanay Lettie," aniya rito sa pilit ding pinakaswal na tinig. Tumingin ito sa kanya at tipid na ngumiti bago tumalikod. Mas mukha itong tumanda kaysa sa mama niya. Dumami na rin ang puting buhok nito at mas kumulubot na ang balat.

"What is it that you want to talk about son?" tanong sa kanya ng papa niya.

Tumingin siya rito at sa mama niya. Pagkuwa'y sinulyapan niya si nanay Lettie na abala sa pagliligpit sa lababo. "I met Gemma again," seryosong sabi niya. Narinig niya ang pagkahulog ng kubyertos na sigurado siyang hawak ni nanay Lettie.

Nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng mama niya. Nakaramdam siya ng pagrerebelde habang nakatingin dito. Parang gusto niyang sumbatan ito sa ginawa nito kay Gemma, sa paglilihim nito sa tunay na dahilan kung bakit biglang nawala si Gemma sa buhay niya. Pero mas pinili niyang tingnan lamang ito.

"Gemma?" mahinang bigkas nito.

Pagak siyang ngumiti. "What? Don't tell me you don't remember her? Imposible naman iyan mama."

Namutla ito. Napasulyap siya kay nanay Lettie ng lumapit ito ng ilang hakbang sa kanila. May pagkamangha sa mukha nito, at guilt. Muli niyang itinuon ang atensyon sa mama niya. Wala ng ekspresyon sa mukha nito.

Naging defiant ang mukha ng mama niya. "So, what about her?"

Sinalubong niya ang tingin nito. "We have a child."

"That's impossible!" manghang sagot nito.

Biglang sumulak ang galit na namamahay sa dibdib niya. "Do you really think it's not possible? May nangyari sa amin. Kaya mo nga siya pinalayas dahil nalaman mo iyon hindi ba?" aniya sa bahagyang mataas na tinig.

"Pinalayas mo si Gemma Amparo? Ang sabi mo ay naglayas siya?" kunot noong tanong ng papa niya.

Hindi nito pinansin ang papa niya. "Dahil hindi niya alam kung paano lumugar! At kung may nangyari man sa inyo, that doesn't mean na anak mo nga ang kung sino mang sinasabi niyang anak mo. That child could have been someone else," galit na sabi nito.

Napatayo na siya. "Don't talk about her like that! Bakit ba ganyan kayo mag-isip mama? She has been here ever since she was born! Pero ganyan pa rin ang tingin niyo sa kanya!" sigaw niya.

"Don't shout at me! I am your mother!" ganting sigaw nito na napatayo na rin.

May pait niyang tiningnan ito. "Being my mother doesn't mean you can do whatever you like with my life. Hindi rin ibig sabihin pangungunahan niyo ako sa gusto kong gawin. You, among all the people in here lied to me!" tiningnan niya si nanay lettie na sapo ng palad ang bibig, maging ang ilang kasambahay doon na nakasilip sa kanila.

Tumayo ang kanyang ama. "Huwag kayong magsigawan, Amparo, Carlo," saway sa kanila ng kanyang papa na kahit kalamado ay bakas ang pagkagulat sa mukha.

Iginala niya ang paningin sa mga taong naroon hanggang sa kanyang ina. "Tinanong ko kayo noon. Lahat kayo tinanong ko ng paulit-ulit kung nasaan si Gemma, kung bakit bigla siyang nawala. Pero walang nagsabi sa akin kahit na sino. Don't you all know what she's been through?! She was all alone! Ni wala siyang kaibigang natakbuhan sa panahong walang-wala siya. She... she was alone when she's pregnant, she was alone when she gave birth." Naramdaman niya ang pananakit ng lalamunan niya.

Naiisip niya pa lang ang mga bagay na napagdaanan nito ng wala siya sa tabi nito ay parang gusto niyang magwala, at gusto niyang saktan ang sarili niya na hindi siya mas naging maparaan pa para mahanap ito. "At nag-iisa niyang pinalaki ang anak namin," tapos niya. Marahas niyang kinuskos ng braso ang mga mata niyang nananakit na rin.

Narinig niya ang pagsinghap ni nanay Lettie. Tumalikod ito. Ang kanyang papa naman ay hindi nakaimik. Saglit lamang na tila may guilt na bumakas sa mukha ng mama niya. Ngunit bago pa niya masiguro iyon ay tumaas na ang noo nito. "Lahat ng ginawa ko ay para sa kabutihan mo Carlo. You have a bright future ahead of you. At kahit na nalaman kong buntis siya noon ay mas lalo ko siyang ilalayo sa iyo. Hindi kayo bagay," matatag na sagot nito.

"You are impossible! Then here me out, lahat ng ginawa niyo hindi nakabuti sa akin! I have been living a hell of a life since you throw her out of my life. Hindi na ako papayag na pakielaman niyo pa ako," gigil na sagot niya.

"I will not allow you to do that Carlo," galit na sabi nito.

Tiningnan niya ito. It pained him to realize how much a stranger his mother is to him. Noon pa man ay ibang-iba ito sa ibang mga nanay. "I came here to tell you mama that this time, don't interfere with our lives," kalmado ng sabi niya.

"No," anito sa mahinang tinig.

Mapait niya itong nginitian. "I just came here out of politeness. I'll still do what I want. I'm sorry about this papa," baling niya sa kanyang ama at tumalikod na.

"And one more thing," aniya at muling humarap. "If you want to know how our son looks like, just skim at my childhood photos." Iyon lang at dere-deretso na siyang lumabas ng mansiyon hanggang sa sasakyan niya.

"Sir Carlo." Lumingon siya nang marinig ang pagtawag sa kanya ni tatay Eddie. Kasama nito si nanay Lettie na maputla ang mukha. Mas lalo itong tumandang tingnan. Hindi siya nagsalita.

"K-kamusta ho si Gemma?" tanong ni tatay Eddie.

"Ayos lang ho siya. Maayos na ho ang kalagayan niya," kalmanteng sagot niya. Tinitigan niya ang mga ito. "Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin ang mga nangyari? Hindi sana nangyari ang mga ito." Hindi niya naiwasang sabihin.

Bumakas ang guilt sa mukha ni tatay Eddie. "Pinagbawalan ho kami ni Madam Sir. At..." sumulyap ito sa asawa. Hindi nito maituloy ang sasabihin.

"At dahil kahit kayo ay nagalit kay Gemma at pinalayas siya. Tama ba nanay Lettie?" tanong niya rito.

Himbis na magsalita ay napahagulgol ito. "Sabihin mo, sabihin mo sa kanyang – patawad," sabi nito sa pagitan ng mga hikbi.

Tiningnan niya ito. Hindi niya naiwasang makaramdam ng simpatya dito. Binuksan niya ang kotse niya at kumuha ng papel doon. Bumuntong hininga siya. "Kayo na ho ang magsabi niyan sa kanya," aniya at isinulat ang address ni Gemma sa papel. Inabot niya iyon kay tatay Eddie.

Umiling-iling si nanay Lettie. "Wala na akong mukhang maihaharap kay Gemma. Nagalit din ako sa kanya, itinaboy ko rin siya. Natakot akong mapalayas ni Madam. Dito na rin naman kasi ako tumanda. Nang, makapag-isip-isip ako hindi na namin alam kung nasaan siya. Sir Carlo, kayo na muna ang bahala sa kanya. At sa... apo namin," pakiusap nito.

Napabuntong hininga siya. Hindi niya masisi ang mga ito kung takot ang mga ito sa mama niya. Pero sa tingin niya ay dapat na ipinagtanggol ng mga ito si Gemma. Sa huli ay tumango na lamang siya.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon