Our Song - Part 20

3K 119 1
                                    

PARANG naglaho ang lahat ng mga alalahanin at pagod ni Cham habang naglilibot sila ni Rick sa buong resort. Hindi nito binitawan ang kamay niya at hindi rin niya tinangkang bumitaw. Pakiramdam niya ay iyon ang pinakanatural na gawin sa kabila ng katotohanang matagal na rin silang hindi nagkikita. They comfortably talked about what they've been doing the past weeks as if they have been doing it for years.

Nang mapagod sa paglilibot ay nagtungo sila sa isang kainan doon na malapit sa malaking pool at kumain ng meryenda habang patuloy na nag-usap at nagtawanan. Pakiramdam niya tuloy silang dalawa lang talaga ang nagpunta roon para magrelax. "Hindi ko alam na sobrang nakakapagod pala maging professional musician. Tapos ang bilis-blis ng mga pangyayari at hindi na namin magawang magreact. We end up going with the flow and showing everything we got," sabi niya kay Rick

Ngumiti ito habang nakatitig sa kaniya. "Actually, bands nowadays are not as busy as your band. Masyado lang talaga kayong popular. Espesyal ang banda ninyo at hindi ko iyan sinasabi dahil lang ako ang producer niyo o dahil malapit tayo sa isa't isa," anito.

Gumanti siya ng ngiti at nangalumbaba. "Pero sa tingin mo bakit kami popular? Talaga bang maganda ang music namin o baka tulad ng sinasabi ng mga kritiko na itsura lang ang mayroon kami at koneksyon?" hindi niya naiwasang itanong.

"Hindi iyan totoo. It's because of your music and your voice. You have a voice of an angel Cham," seryosong sagot nito na ikinainit ng mukha niya.

Nahihiya siyang tumawa. "Rick hindi mo na ako kailangang bolahin," aniya rito.

Natigilan siya nang gagapin nito ang isang kamay niya na nakapatong sa lamesa. "It's true Cham," seryoso pa ring sabi nito. Napatitig rin siya dito. "Your voice has a special power especially to me. It saved me once remember? At kahit ngayon may ibang epekto sa akin ang boses mo."

Bumilis ang pintig ng puso niya sa sinabi nito. Nakaramdam siya ng pag-iinit ng mga mata niya sa sinabi nito. "Rick," tawag niya rito sa garalgal na tinig. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.

Bahagya itong ngumiti at umangat ang isang kamay sa gilid ng mga mata niya. Napahinga siya ng malalim upang bahagyang pawiin ang bahagyang pagsisikip ng dibdib niya nang madama niya ang banayad na paghaplos ng daliri nito sa mukha niya. "Bakit ba tuwing nagiging honest ako sa iyo lagi ka na lang umiiyak?" malumanay na tanong nito.

Lumunok siya at bahagyang ngumiti. "It's because your honesty makes me so happy. Rick, ang suwerte suwerte ko na nakilala kita ng personal at naging ganito kalapit sa iyo," taos sa pusong aniya rito.

Ngumiti ito. Walang salitang marahang dumausdos ang daliri nito sa pisngi niya. Nagdudulot ng masarap at nakakakiliting sensasyon ang banayad na pagdaan ng daliri nito. Nanatili itong nakatitig sa kaniya at siya man ay hindi inalis ang tingin dito.

Natauhan lang siya nang makarinig siya ng kakaibang tunog na tila nagclick. Kumurap siya at awtomatikong lumingon sa bahagi ng restaurant na may malaking indoor plants. "Narinig mo iyon?" tanong niya kay Rick.

"Ang alin?" tanong ni Rick na lumingon din sa tinitingnan niya.

Wala namang kakaiba doon. Marahil ay guni-guni lamang niya iyon. Ngumiti na lang siya at dumeretso ng upo. "Wala pala."

Tumingin ito sa kaniya at pagkatapos ay malawak na ngumiti. "Hey, we're supposed to have fun today right? Samantalahin na natin na nandito tayo. Let's go swimming," magaan na aya nito.

Nakaramdam siya ng excitement at kaunting hiya. "Actually hindi ako marunong lumangoy," pag-amin niya.

Saglit lamang na bumakas ang pagkagulat sa mukha nito bago malawak na ngumiti at tumayo. "That's easy. Tuturuan kita."

Bago pa siya makapagreact ay muli na nitong hinawakan ang kamay niya at hinatak palabas doon.

"RICK, huwag mo akong bibitawan parang awa mo na," paulit-ulit na usal ni Cham habang mahigpit ang pagkakakapit niya sa balikat nito. Nasa gitna sila ng pool na ten feet ang lalim. Akala pa naman niya ay isang daang porsiyento ang kabaitan nito pero hayon at para pa itong sadistang dinala siya sa malalim na pool at pinilit akayin patungo sa pinakagitna. Kapag binitawan siya nito ay tiyak niyang lulubog siya!

Ang magaling na lalaki ay tumawa pa na tila aliw na aliw. "Cham, kung hindi kita bibitawan paano ka matututong lumangoy?" tanong nito at biglang inalis ang mga kamay sa baywang niya at tangkang lalayo sa kaniya.

Ang mga kamay niyang nakakapit sa mga balikat nito ay mabilis niyang ipinulupot sa leeg nito at dumikit ng husto rito sa takot na bitawan talaga siya nito. "No! I swear I'm really hopeless! Ilang beses ko ng sinubukang mag-aral lumangoy mula pa noong bata pa ako pero hindi ako natuto. Sabi ko naman sa iyo hindi mo na ako kailangan turuan masasayang lang ang effort mo," mabilis na sabi niya habang nakasubsob ang mukha niya sa may bandang leeg nito.

Naramdaman niyang tila natigilan ito. Nagtatakang bahagya niyang inilayo ang sarili dito at tiningnan ito. There was a weird expression on his face. Ang mga mata nito ay kumikislap sa sari-saring emosyon na tila ba may pinaglalabanan ito. Napansin din niya na ang mga kamay nito ay nakataas at tila nafreeze sa ere.

"Rick?" untag niya rito.

Kumurap ito at tumikhim. Bahagya pa itong nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Hindi pwedeng sukuan ang paglangoy. Paano kung kailanganin mong tumawid ng dagat at may mangyaring kakailanganin mong lumangoy at wala kang life vest?"

Bahagya siyang napalabi. Matagal naman na niyang pinag-isipan ang tungkol doon. "Kaya nga wala akong balak magpunta sa malapit sa may tubig na malalim na walang kasama. I don't even plan to swim today actually."

Muli na itong tumingin sa kaniya. Pagkatapos ay ngumiti. "Pwede ka pa rin namang maglunoy sa tubig kahit hindi ka marunong lumangoy."

Nagtatanong na tiningnan niya ito. Himbis na sumagot ay naramdaman niya ang pagdausdos ng mga braso nito sa baywang niya. Napasinghap siya sa kiliting epekto ng mga kamay niya sa basang katawan niya. Bigla ay naging aware siya sa sitwasyon nilang dalawa. Ang suot niya nang sumuong sila sa tubig ay ang tshirt niyang may kanipisan at maong shorts. Ito naman ay walang tshirt at swimming shorts. Damang dama niya ang init na nagmumula sa katawan nito sa kabila ng malamig na tubig sa pool.

Napaigtad siya nang humigpit ang pagkakahapit nito sa katawan niya. Bago pa siya makahuma ay binigyan siya nito ng malawak na ngiti at biglang inilubog ang sarili kasama siya. Dahil nabigla siya ay bahagya siyang napaubo sa tubig. Bago pa siya tuluyang makapagpanic ay umangat na silang muli sa tubig. Marahas siyang humigit ng hangin at hinawi ang buhok niyang tumabing sa mukha niya. "Anong ginagawa mo?!" singhal niya rito.

Tumawa ito. "Swimming," nakangisi pa ring sabi nito at muling pumormang lulubog sa tubig. Sa pagkakataong iyon ay nahanda na niya ang sarili niya at napigilan ang paghinga. Nang muli silang umangat ay natawa na rin siya. It was the first time she saw Rick act like a kid. It was refreshing. At himbis na maturn off ay lalo lamang siyang naaliw dito. Natutuwa siya sa mga nadidiskubre niya tungkol dito.

Hay Rick pagdating talaga sa iyo, I'm hopeless.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon