WALA sa sariling bumalik si Llyod sa bahay ni Jeff. Naabutan niya ang mga kaibigan niyang masaya pang nagtatawanan. Nang mapabaling ang mga ito sa kanya ay siya naman ang pinagdiskitahan ng mga ito.
"O napuntahan mo ba si Janice?" pabirong tanong ni Jeff.
Nang marinig ang pangalan nito ay unti-unting bumalik sa kanya ang mga narinig at nakita niya. Naikuyom niya ang mga kamay. Kung hindi siya nakapagpigil ay malamang na nabugbog na niya ang lalaking iyon.
"Hoy, Lloyd." pukaw ni Carlo.
Pabagsak siyang umupo sa tabi ng mga ito.
"I know you love me Daniel. And I forgive you. Wala na kong nararamdamang kahit na kaunting galit para sa iyo "
Napasigaw siya sa galit at sa frustration. Manghang tumingin ang mga ito sa kanya.
"Hoy, anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Vergel.
"Sinaktan na siya ng todo ng tarantadong iyon tinanggap niya pa ulit. Ang labo ng pinsan mo Jeff. Sobrang labo!" hindi niya napigilang sabihin.
"What? Are you talking about Janice?" naguguluhang tanong ni Jeff.
Napatiim bagang siya. Nanggigigil talaga siya! "Sino pa ba? Kasama niya ang gagong iyon na ang lakas ng loob makipagbalikan pagkatapos niyang ipagpalit si Janice. At ang pinsan mo naman hindi yata nadala, tinanggap pa. Damn!"
"Easy ka lang pare. Paano mo naman nalamang tinanggap?"
"I heard her. And I saw her hugging him, smiling for him..." he suddenly felt weak. Naisabunot niya ang mga kamay sa buhok. "Tang ina pare ang sakit ng dibdib ko." daing niya sa mga ito.
Saglit na walang nagsalita sa mga ito. Naramdaman niyang kumilos si Jeff palayo. Pagkabalik nito ay inabutan siya nito ng isang baso ng tubig. "O, iinom mo ng tubig yan."
"Epektibo ba yan?" tanong niya kahit hindi niya alam kung niloloko ba siya nito o seroso ito.
"Hindi mo pa ba nasusubukan?"
"Ngayon pa lang ako nasaktan ng ganito." mahinang usal niya sabay abot ng tubig. Inisang lagok niya lang iyon.
"Pare baka naman hindi sila magkayakap. Baka... you know medyo nagkamali ka lang ng tingin." ani Carlo.
Biglang gumitaw sa isip niya ang eksenang iyon. "Malinaw ang nakita ko." Bigla niyang naramdaman ang pag-iinit ng gilid ng kanyang mga mata. "Hindi pa nga niya ko niyayakap ng ganoon." Shit. Kalalaki niya pa namang tao! Marahas niyang pinunasan ang luhang nakawala sa mga mata niya. "Shit, lumalabas sa mata ko ang ininom ko."
Tinapik siya sa balikat ng mga kaibigan niya.
"Tama na Lloyd hindi ko alam ang sasabihin ko sa iyo e." naiilang na saway ni Carlo na sinang-ayunan ni Vergel.
"Shit! Shit! Babae lang iyon. Hindi ko dapat iniiyakan." Napahagulgol siya. Badtrip talaga!
"Hoy pare hindi basta babae yun. Pinsan ko yon!" singit ni Jeff. Binatukan ito ng mga kaibigan nila.
"Yun na nga e. hindi basta babae yon. Si Janice iyon."
Nakikisimpatyang muli siyang tinapik ng mga ito.
"Hoy Jeff kasalanan mo ito" biglang sabi ni Vergel.
"Hindi ko kasalanan yan ah." kaila nito.
"Kung hindi mo ginawa gawa yang pustahan na yan hindi to mangyayari." sang ayon ni Carlo.
"And you won. I was totally defeated." He bitterly said.
"C'mon, it's not as if we're serious about that bet. At kaya ko lang naman ginawa yong pustahan na iyon kasi alam kong nagkagusto si Lloyd sa pinsan ko."
Nagtatakang tumingin silang lahat dito.
"Nakita ko kung paano ka tumingin sa kanya noong kumakanta ka. Aminin mo.Tapos noong umalis siya bigla mong pinakanta si Chase. Nagdahilan ka pang nauuhaw ka."
Hindi siya nakasagot dahil guilty siya sa parteng iyon.
"Kahit na. Alam mong hindi magugustuhan ni Janice si Lloyd."
"Dahan-dahan ka naman sa sinasabi mo Vergel." nasasaktang saway niya rito.
"Sorry pare."
"Of course not. I mean, first time kong makita si Janice na mairita so ibig sabihin napukaw mo ang atensyon niya. Akala ko talaga... pero dapat kausapin mo siya. Papiliin mo kung kinakailangan." payo nito.
"No way. May pride naman ako kahit papaano. Besides, sinabi ko na sa kanya na lahat ng ginawa at sinabi ko sa kanya ay dahil lang sa pustahan."
"What?! Bakit mo naman ginawa yon?" sabay sabay na tanong ng mga ito.
"You can't blame me. I saw her hugging that bastard who left her for another woman. Masakit sa ego ko yon." depensa niya sa sarili.
"Hindi ego yan pare." singit ni Chase.
"Then what?" tanong niya.
"Bakit kasi hindi mo na lang aminin na kaya ka nasasaktan ng ganyan ay dahil mahal mo siya? Dinadamay mo pa ang ego mong wala namang kinalaman sa problema mo?" patuloy ni Chase.
Natigilan siya. Alam niyang espesyal sa kanya si Janice pero hindi niya masyadong pinag-iisipan kung ano ba talagang nararamdaman niya rito. All he knew is that, from the first time their eyes met, he knew she's different. Kaya nga kahit naasar siya sa kalokohan ni Jeff ay nakisakay na lang siya. Dahil sa totoo lang, gusto niya ring makita si Janice. Tama si Chase. He loves her.
"Makinig ka kay Chase. Love guru yan." natatawang susog ni Carlo. Ito naman ang binatukan ni Jeff.
Nailing naman si Chase. "Basta makinig ka sa akin. Huwag mong pansinin yang mga yan. Wala namang alam yang mga yan kung hindi makipaglaro sa kung sinu-sinong babae. Pare, pinagdaanan ko na yan. Pero ang kaibahan natin, ikaw malaya mong maipaglalaban ang nararamdaman mo kung gugustuhin mo." payo ni Chase.
"At gustung-gusto siya ng mga magulang mo hindi ba? Mahirap iplease ang parents mo kaya hindi mo na dapat pakawalan si Janice."
"Ang dali lang sabihin niyan." aniya.
"Akong bahala." sabi ni Jeff.
"Baka kalokohan na naman yan ah." Hindi kumbinsidong komento ni Vergel.
"Hell no! Oo na. Aminado na ako na may kasalanan ako. Nakielam ako sa inyo. Kaya lulubuslubusin ko na ang pangingielam ko." Ngumisi ito.
"Anong plano mo?" hindi niya napigilang itanong. Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya.
"Ganito pare."
Lumapit sina Chase, Carlo at Vergel sa kanila para making kay Jeff. At siyang desperado ay walang pagpipilian kung hindi ang makinig dito.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...