Janice was hurt by her past love. Dahil doon ay ibinuhos na lamang niya ang buong atensiyon niya sa pagtugtog ng piano at pagtuturo sa music school nilang magkakaibigan. Pero alam ng mga tao sa paligid niya na hindi pa siya nakaka-recover sa kabiguan. Walong taon ang itinagal ng relasyon nila ng dating nobyo niya na si Daniel kaya hirap siyang kalimutan iyon.
Biglang umingay ang tahimik na mundo niya nang makilala niya si Lloyd, ang rakistang kaibigan ng pinsan niyang si Jeff. Unang nagkita sila noong tumugtog ito sa kaarawan ng pinsan niya. Mula noon ay palagi na itong sumusulpot sa harap niya kahit anong iwas niya. Hanggang sa aminin niya sa sariling nahulog na ang loob niya rito. Bumenta ang mga pagpapa-cute nito sa kanya.
Just when she already closed her heart to her past love ay saka niya nalaman na ang lahat pala ng ipinapakita ni Lloyd sa kanya ay palabas lamang. Sana lang ay may pag-asa pang magtagpo ang awit ng kanilang mga puso.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...