Anne's POV
Pero ano ba talaga ang Riddle World? At ano ang gagawin namin doon? Tanong ni Cedric kay Riddle.
Ang Riddle World ay isang mundo na kung saan ay napapaloob ng mga bagay na kung saan na may kalakip na mga Bugtong. Ibig sabihin lahat ng mga bagay roon ay galing sa mga bugtong na mula sa libro. Ngunit bilang tagapangalaga nito ay doon ko rin nilagay ang 2 sa apat na mga Codex na kung saan may kakayahang buksan ang Gate Of Oblivion na syang balak ni Shadow. Mahabang paliwanag nya.
Kung ganoon ay kailangan nya ng mga Codex para mabuksan ang Gate of Oblivion? Tanong ni Xiara. Tumango naman si Mind.
Ngunit sabi mo dalawa sa apat lamang ang naroon, kung ganoon ay nasaan ang dalawa? Tanong naman ni Dianne.
Ang dalawang Codex ay ibinigay ko sa kaibigan naming sorsero at sorsera, sina Mound at Gravity. Sila ay aking inutusan upang pangalagaan ang dalawang codex at sila ay umalis sa mundo namin upang hindi ito makuha ni Shadow samantalang ang dalawa naman ay inilagay ko sa libro.
Kung ganoon ay nasaan ang dalawang sorsero at sorsera? Tanong ni Mark.
Si Mound ay aking pinapunta rito sa Mortal World upang magtago kaya maaring nagbabalat kayo syang tao rito upang iwas atensyon samantalang si Gravity ay aking pinapunta ko rin dito sa mundong ito. Kaya habang hinahanap namin sina Gravity at Mound ay papasok kayo sa mundo ng Bugtong at kunin ninyo ang mga codex upang hindi ito mapunta kay Shadow. Patuloy nito.
Ngunit paano namin malalaman kung saan ang mga codex? Tanong ni Bryce. May punto sya roon ah.
Ako ang bahala Bryce. Bibigyan ko kayo ng Mapa upang marating ninyo ang lugar na kinaroroonan ng mga Codex.
Maya maya pa ay binuklat nya ang libro ng Bugtong Bugtong at nag usal ng isang engkantasyon.
Mapaia Lokation Bugtong Bugtong
Mapaia Lokation Codexes
May biglang lumitaw na bilog na liwanag na lumabas galing sa libro at pumunta ito sa harapan ni Bryce. Isang pitik lang ni Riddle ay lumitaw ang isang kumikinang na map scroll. Ang ganda ng papel! Ibang iba sa papel dito sa mundo natin. Mas makintab at mas manipis kaysa sa ordinaryong papel. Namangha rin si Bryce sa nasaksihan.
Yan ang magiging mapa ninyo kaya ingatan mo iyan dahil ikaw ang hihirangin ko bilang pinuno ng inyong grupo at taga pangalaga ng mapa. Sambit ni Riddle. Natuwa naman si Bryce sa opportunity na binigay sa kanya.
Salamat Riddle! Asahan mong di mo ito pagsisihan. Pasasalamat ni Bryce.
At dahil pupunta kayo sa mahiwagang mundo, dapat din ay mayroon din kayong mahihiwgang kapangyarihan upang makatulong sa inyong misyon. Sabi ni Mind sa aming lahat. Wow! Bawat isa ay naeexcite na sa mga ibibigay na kapangyarihan na kanilang matatamo. Maski ako rin ay di na makapag hintay.
Biglang tumayo si Riddle at nagpalitaw sya ng mga 6 na kuwintas na pakpak. Iba't iba ang kulay nito. May orange,violet,green,yellow,blue at grey. Unang lumapit si Riddle kay Bryce.
Bryce, bilang kanilang pinuno ay ibibigay ko sayo ang kahel na kuwintas.
Gamit ang mahika ay sinuot nya ito kay Bryce. Nakita ko na nagliwanag ang kuwintas pati na ang mata niya.
Palatandaan yan na natanggap na niya ang kapangyarihan niya. Sagot ni Mind sa isip ko. Nagulat ako kaya napalingon ako sa kanya ng may pagkagulat. Ngumiti na lamang ito sa akin. Si Mind talaga ang hilig mangalkal ng impormasyon sa isip.
Mako may problema ba? Bakit bigla kang napalingon kay Mind? Alalang tanong ni Mark habang nakaakbay sya sa akin.
Wala naman po Mako, nagulat lang ako kasi sinagot ni Mind yung dapat itatanong ko pa lang sa isip ko. Tugon ko na ikinangiti na lang nya. Cute mo talaga Mako!
Nakita ko naman na sinunod nyang lapitan si Dianne.
Dianne, sayo ko naman igagawad ang lilang kuwintas na ito.
Pinasuot din ito sa kanya at nagliwanag din ang kuwintas at ang mga mata niya. Tuwang tuwa naman si Dianne at nagpasalamat kay Riddle.
Napunta naman kay Xiara ang Berdeng Kiwintas, kay Cedric naman napunta ang abuhing kuwintas, sa akin naman napunta ang dilaw na kuwintas at kay Mark naman ang asul na kuwintas. OMG! Ano kayang mga powers namin?!
Ang mga kuwintas na iyan ay nagtataglay ng iba't ibang kapangyarihan na makakatulong sa inyo bilang depensa sa inyong mga sarili. Ngunit kailangan nyo munang magtransform para makamit ang kapangyarihang nais ninyo. Sabihin nyo lang ang katagang MAGIC WING ARISE! Instruksyon ni Riddle. Ang ganda naman ng transformation method namin! Lakas maka Super Inday at Darna, may pasigaw effect.
At isa pa, gamitin nyong maigi ang inyong kapangyarihan at huwag ninyong hahayaan na ito ay mawala sa inyong mga leeg dahil malaking suliranin ito kaya pakaingatan ninyo ang mga ito. Paalala ni Mind na syang sinang ayunan namin.
At bago ko makalimutan, sambitin nyo ang mga katagang BLINK para makapag palit kayo ng kasuotan. Sambit ni Riddle at sumunod naman kami.
BLINK!
Biglang nagliwanag ng iba't ibang kulay ang mga sarili namin batay sa suot naming kuwintas. Biglang umikot ang bawat kulay sa amin at sa isang iglap ay nagbago na ang mga histura namin.
Nakita ko na ang damit ko ay purong dilaw at kumikinang pa ito. Mayroon din akong kapa sa likod na kulay dilaw din na makintab. Ganun din ang nangyari sa mga kasamahan ko.
Ang ganda mo naman Mako. Nakakainlove lalo! Bulalas ni Mark sa akin na ikinapula ko naman. Ang sweet talaga nito magsalita.
Sus! Binola pa ako, ikaw din naman guwapong guwapo ka sa paningin ko. Sambit ko na ikinalapad nya ng ngiti at hinalikan pa ako sa pisngi. Lalo tuloy namula pisngi ko.
Ngayon na kayo ay handa na, oras para tumungo sa Riddle World.
Maya maya ay bigla nyang itinaas ang kamay nya at bago kami nakapaglaho ay hinawakan nya ang kamay ko at sinabing.
Hawak ka sa akin Mako, huwag ka pong bibitiw.
Tumango nalang ako bilang sagot at kasabay noon ang sya naming paglaho

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...