Bryce's POV
Ako ang unang pumasok sa loob ng portal at sumunod naman ang iba. Maliwanag noong pumasok ako sa portal ngunit nakapagtataka na hindi ako nasisilaw kahit na palapit ito ng palapit.
Pagkaraan ng ilang sandali, ay nawala na ang liwanag at tumambad na sa amin ang panibagong mundo.Tumambad na sa amin ang mundo na kung saan ay parang katulad din ng mundo ng mga tao. May araw, ulap, mga hayop at halaman. Pero bakit walang mga bahay rito? Wala bang nakatira rito?
Hindi na rin pala masama ang Riddle World. Parang mundo rin natin. Pagbasag sa katahimikan ni Xiara.
Iba sya sa expectation ko dito. Akala ko maraming tao pero ni isang salita o anino ng tao wala rito. Wala ring mga bahay. Pahayag ni Dianne.
Uyyyy sino sila?
Bakit may mga tao dito? Hindi sila pwede rito diba?
Paano sila nakapasok?
Napatigil kaming lahat dahil may narinig kaming mga nagsasalita. Pinagkaiba nga lamang ay parang matinis ang mga boses nila. Nilibot ko ang aking mata sa paligid pero wala naman akong nakita.
Ang mabuti pa sabihan na natin si Fairy Clue. Halika na umalis na tayo. Biglang sabi ulit ng isa. At maya maya may narinig akong mga pakpak na kumampay paitaas at lumipad na palayo.
Sandali mga ibon! Wag nyo kaming iwan! Pagsigaw ko ngunit mas lalo lang nilang binilisan ang paglipad nila.
Bryce bakit mo kinakuasap yung mga ibon? Tanong ni Anne na tila nagtaka sa ginawa ko.
Sila! Ang mga ibon ang mga nagsasalita! At di nyo ba narinig na may sasabihan silang Fairy so ibig sabihin may naninirahan dito. Paliwanag ko sa kanila.
Okay ka lang ba Bryce? Maaring may mga nagsalita pero baka naman hindi ibon ang mga iyon. Wala pang nakakapag salita na hayop. Sagot ni Cedric
Pero totoo ang narinig ko! Alam kong galing sa mga ibon ang mga iyon. Sabi ko sa kanila.
Ang mabuti pa ay hanapin na lang natin ang mga codex kaya Bryce tingnan mo na lamang ang mapa. Suhestiyon nya na ikinapayag ko kahit na gusto ko pa na magpaliwanag tungkol sa mga nagsasalitang ibon.
Kinuha ko ang makinang na mapa upang buklatin ito at hanapin ang mga codex pero bakit ganoon? Blangko ang papel at walang nakasulat. Paano namin mahahanap ang mapa?
Paano natin mahahanap ang mga Codex kung blangko ang mga papel? Tanong ni Mark
Baka may kailangan pa tayong gawin para makita natin ang nilalaman ng mapa. Sabi ni Cedric.
Pero ano? Ni wala nga isang Clue para malaman natin kung ano ang gagawin. Himutok ni Xiara.
Mga mortal!
Nagulat kami sa alingawngaw ng isang tinig sa paligid. Natakot ako bigla, sino naman kaya ito?!
Anne's POV
Naku po! Nakakatakot naman ang boses nya. Nanginginig na sabi ko. Nag alala tuloy si Mark saakin kaya ayun binigyan na naman ako ng yakap. Nakakagaan talaga ng pakiramdam.
Sino ka?! Magpakita ka saamin! Malakas na bulalas ni Mark.
Maya maya pa ay may lumitaw na isang pigura ng babae sa harapan namin. Hindi ko sya maaninag dahil nababalot sya ng liwanag.
Sino kayo? Paano kayo nakapasok sa pribadong lugar na ito? Tanong ng babae.
Ahh kasi nandito kami dahil pinadala kami rito ni Riddle upang kunin ang dalawang codex na nakatago rito. Sambit ni Bryce. Bigla bigla ay nagbago ang ekspresyon ng babae.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasíaNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...