RWC 55: The Fruit Will Set Her Free

15 0 0
                                    

Cedric's POV

May nasaktan ba sa inyo? Tanong ko sa kanila pagkalapag namin sa lupa.

Ayos lang kami Cedric. Sagot nilang dalawa. Talagang lovin in tandem na itong dalawang ito. Lakas maka relationship goals.

Nasaan na ang Etetnitree? Bilisan na natin at malapit nang dumilim kailangan na nating makakuha ng bunga mula roon. Turan ni Anne na tila nagmamadali.

Maglakad na lamang tayo ng diretso upang makarating roon at isa pa hindi natin kailangang magmadali dahil malapit na tayo roon. Nalagpasan naman na natin ang Slow river kaya wala nang panganib sa paligid. Paniniguro ko sa kanila.

Kung gayon ay tayo na. Sabi ni Mark sabay akbay kay Anne at nagsimula silang maglakad. Ako na yata ang third wheel ng taon. Tignan mo naman kung makaakbay si Mark kay Anne ay parang wala ng bukas. Si Anne naman ay kilig na kilig.

Well di ko naman masisi kung ganyan sila sa isa't isa. Sobra lang siguro nila namiss ang bawat isa. Naiisip ko kung hindi pinlano ng aming mga kaklase ang pagpapahirap sa kanya at kung hindi rin sa pagsasamantala ni Shadow sa panahong puno ng dalamhati at galit si Anne ay baka siguro hindi na umabot sa puntong ito. At baka rin matagal na silang nagmamahalan sina Mark at Anne.

Kung maibabalik ko lang ang panahon. Sana ay may nagawa kami para pigilan ang mga nangyari pero wala na, nangyari na eh. Mahina kami at hanggang ngayon ay nagsisisi pa rin ako sa nagawa naming lahat sa kanya.

Pero sinisigurado ko na sa makakabawi din kami sa kanya. At hindi ko nahahayaan na may mangyari ulit na masama kay Anne at sa mga kaibigan ko.

Cedric! Nandito na tayo! Biglang pagtawag sa akin ni Mark na nagpagising sa akin sa realidad. Tinignan ko ang paligid at nakita ko ang kumikinang na puno.

Ang Eternitree! Sa wakas narito na din tayo! Malakas kong bulalas. Tuwang tuwa lang talaga ako dahil natagpuan na namin ito.

Puntahan na natin ang puno at kumuha ng bunga. Banggit ni Anne sabay lipad patungo roon. Sumunod naman din kaming lumipad nina Mark.

Kay ganda ng puno! Kay puti at walang bahid ng kahit anong kulay! Papuri ni Anne nang makarating na kami sa puno. Totoo naman, kay puti nitong mula sa ugat hanggang sa bunga nito. Para syang nababalutan ng snow sa sobrang puti nito.

Ano pa ba ang hinihintay natin? Pumitas na tayo ng bunga. Aakma nang pipitas ng bunga si Mark nang pigilan ko sya.

Bakit? May problema ba? Tanong nya sa akin.

May pakiramdam ako ako na minamatyagan tayo ng isang nilalang. Malapit lang sya rito. Sabi ko sa kanya. Naramdaman ko sya nung pagkarating namin dito mismo sa Eternitree. Parang may nanonood kasi sa amin.

Kung sino ka man, magpakita ka na. Mahinahong sabi ni Anne. Biglang may lumitaw na isang pigura malapit sa aming tatlo.

Isa syang matandang lalakeng nilalang na patulis ang pagkakaayos ng buhok na para bang sibuyas. Nakasuot naman ito ng itim na manipis na long sleeves at pantalon. May mga bahid na tila uling ang kanyang mga pisngi pero may bahid naman ng puti ang kanyang noo. Mayroon din syang tungkod na patulis na gaya ng spear pero hindi ito matulis at hindi bakal kundi kahoy lamang ito.

Sino kayo? At ano ang kailangan nyo sa aking puno? Tanong nito sa amin na nakatingin ng diretso sa amin.

Ako nga pala si Cedric. Sila naman sina Mark at Anne. Mga mortal kami at galing kami sa mundo ng mga tao. Narito kami upang makakuha ng bunga ng punong ito. Pagpapakilala ko.

Nararamdaman ko ang mga kuwintas at mukhang nasa inyo na ang mga kapangyarihan ng mga ito base na rin sa inyong mga histura. Tugon nito sa amin. Napahawak ako sa aking kuwintas. Napapansin ko lang, bakit parang big deal sa kanila ang mga kuwintas na suot namin?

Bakit bigla nyong sinasabi sa amin ang tungkol sa mga kuwintas na suot namin? Tanong ni Anne.

Dahil ang mga kuwintas na iyan ay mayroong may ari bago ibinigay yan sa inyo ng naglikha ng mundong ito. Tugon nya. Maaring si Riddle ang tinutukoy nya.

Sya nga ang tinutukoy ko Cedric. At mukhang si Master Riddle ang dahilan kung bakit kayo narito. Biglang sabi niya. Nagulat ako dahil mayroon din syang kakayahan na magbasa ng isip. Ibang klase talaga ang mga nilalang dito.

Iyon nga ang pakay namin. Kailangan namin ng iyong bunga upang magamot si Master Riddle mula sa lason na ipinataw ni Shadow sa kanya. Sabi naman ni Mark.

Kung gayon ay pumitas na kayo ng bunga upang agad nyo na itong madala kay Master Riddle. Pagbibigay pahintulot nito. Natuwa naman kami at pumitas na si Mark ng isa.

Maraming salamat sa bungang ito. Cedric tayo na upang maipadala na natin agad ito at gumaling na si Riddle. Sabi ni Mark.

Sandali lang Mark, may nais lamang akong tanungin kay..

Adva. Adva ang aking pangalan. Alam ko na gusto mong malaman ang tungkol sa mga may ari ng mga kuwintas hindi ba? Sabi ni Adva. Hindi naman na ako nakatanggi dahil nabasa naman na nya ang isip ko. Sana magkaroon din ako ng ganyang kakayahan.

Ang mga may ari talaga ng mga kuwintas na iyan ay mga diwata o mas kilala sila sa pangalan ng kanilang grupo bilang Sprities. Sila ay ang mga malalakas at makapangyarihang mga mandirigma na nagmula pa sa Fantasy World. So ibig sabihin ay hindi pala sila galing Riddle World.

Dyan nagmumula ang mga kapangyarihan nila sa mga kuwintas na suot ninyo ngayon na ngayon ay ipanagtataka ko kung bakit nasa inyo na. Tila naguguluhan na wika ni Adva.

Pero si Riddle ang nagbigay sa amin nito at wala syang nabanggit hinggil sa mga tunay na may ari nito. Tugon ni Mark kay Adva.

Sandali paano nyo sila kilala? Tanong ko kay Adva.

Sapagkat pumupunta sila sa tuwing may nangangailangan ng tulong dito sa Riddle World. Sa katunayan, ang dalawa sa kanila ay napalapit sa dalawang nilalang rito. Kaya naman labis ang kanilang kalungkutan ng bigla nalang hindi nagpakita ang mga Sprities dito. Napabuntung hininga na lamang na sabi ni Adva. Mukhang may palaisipan na naman na kailangang lutasin ng aking isip.

Ang pakiwari ko ay may hindi kaaya ayang nagaganap sa Fantasy World o di kaya sa Mortal World kaya wala sila rito. Pero nakapagtataka lamang na kahit may mga nangangailangan ng tulong dito ay hindi na sila pumupunta. Dagdag pa niya.

Mayroon ngang nagaganap na hindi kaaya aya. Sapagkat gustong kunin ng isang sorsera ng kadiliman na si Shadow na syang dahilan kung bakit nalason si Riddle ang libro ng Bugtong Bugtong at ang apat na codex upang mabuksan ang Gate Of Oblivion. Kaya nga kami naririto upang kunin ang dalawang codex na narito. Pero hindi naman namin nakita ang mga sinasabi nyong mga diwata. Paliwanag ko sa kanya.

Kung gayon ay may iba pang dahilan kung bakit bigla na lamang silang nawala. At ang dahilan ay hindi ko alam. Isang palaisipan na naman ang binigay ni Adva sa akin. Daming mysteries!

Humayo na kayo. Sapagkat madilim na ang paligid. Ibigay niyo na ang bungang iyan kay Master Riddle at kunin nyo ang mga codex. Huling sabi sabay naglaho ito. Hindi ko namalayan na gabi na pala.

Kailangan na nating tumungo kay Clue at ibigay ang bungang ito sa kanya. Turan ni Anne.

Gamitin na natin ang mga glowsticks para matunton ang tirahang bundok ni Clue. Inilabas naming tatlo ang mga glowsticks namin sabay nawala na lamang kami bigla.
















Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon