Riddle's POV
Mind nasaan ka? Sambit ko sa aking isip. Saan naman kaya nagpunta iyon?
Maya maya ay bumukas ang pinto at nakahinga naman ako ng maluwag.
Pasesnsya na kung pinag alala kita Riddle, may pinuntahan lang ako saglit. Dyan lang sa katabing pinto. Paghingi nya ng paumanhin.
Bakit hindi mo ako ginising para sana ay nasamahan kita. Hindi mo lubos na kilala ang mundong ito at hindi natin sila katulad kaya maaring mapahamak ka. Sabi ko sa kanya. Nag aalala lang naman ako dahil baka maligaw sya rito at baka kung ano ang mangyari sa kanya. Umupo ito sa tabi ko hinawakan ang kamay ko.
Ayoko naman na maabala ang pagpahinga mo Riddle at isa pa wala namang nangyaring masama sa akin kaya kumalma ka lang. Pagtugon nya. Sasabihin ko na sana sa kanya ang tungkol sa libro nang magsalita ito kaagad.
Kumilos na naman ba ang Bugtong Na Sumpa? Tanong ni Mind. Nabasa nya naman ang sinasabi ng utak ko. Hayyy sya ba naman ang makapangyarihan pagdating sa isip.
Oo Mind, at sa tingin ko na puntirya nito ang isa sa mga mortal. Nag aalala ako sa kanila baka may masawi na naman. Pag aalala ko.
Wag kang matakot Riddle, panigurado naman na hindi sila agad susuko sa mga ganitong bagay at isa pa, may taglay na silang kapangyarihan ngayon kaya wala dapat tayong alalahanin sa kanila. Ang mas pagtuunan natin ng pansin ay ang kakaibang nilalang sa katabing kuwarto. Pang aalo nito. Tama naman sya, may sarili rin kaming misyon at hindi patas kung hindi namin mahahanap sina Mound at Gravity.
Ang tinutukoy mo ba ay ang lalake kanina? Tanong ko.
Oo Riddle, nabasa ko sa isip nya na Mandy ang pangalan nya at may kakaiba rin nung nagtama ang aming mga mata. May kung anong enerhiya ang nagtugma at hindi ito pangkaraniwan. Kaya naman ay agad ko syang pinuntahan para kausapin ngunit hindi nagtagal ang aming pag uusap dahil sinarado nya agad ang pinto. Sambit nya. May punto ang lahat ng sinasabi nya dahil ganoon rin ang aking nadama nung nagtagpo ang aming mga mata. Doon pala sya galing kanina kaya bigla syang nawala.
Ngunit kung sya nga ay isang sorsero, dapat na nating magpakilala sa kanya at baka sakaling makilala nya tayo. Suhestiyon ko. Sumang ayon naman si Mind at nag desisyon kami na tumungo sa kuwarto kung saan si Mandy daw naka check in.
Kakalabas lamang namin ng may biglang umalingawngaw na mga sigaw. Nakita ko na nagkukumaripas tumakbo ang mga lalake at babae. Nagkakagulo ngunit hindi ko alam ang dahilan.
Riddle, si Shadow nandito. Sabi ni Mind sa isipan ko.
Paano mo nalaman? Tanong ko.
Nabasa ko sa isipan ng mga tao, may nakita silang babae na nanlilisik ang mga mata at walang iba yun kundi si Shadow lamang. Katunayan ay nararamdaman ko na malapit na sya rito. Sabi nito sa aking isipan. Ngunit paano naman nya kami nahanap rito?
Maya maya ay may nadapa na babae at lalake na tila magkasintahan at nasa likod nila si Shadow. Tatamaan sana nya ito ng Dark Ray pero agad akong gumawa ng Light Barrier para protektahan sila. Kinausap naman sila ni Mind na tumakas na at nagpasalamat muna bago umalis ng mabilis.
Aba aba Riddle at Mind, sinong mag aakala na madali ko kayong mahahanap. Salamat sa libro mo dahil naramdaman ko ang enerhiya ng aking sumpa na hanggang ngayon ay may bisa pa rin. Sabi nya habang nakangisi ito sa amin.
Hindi kami natatakot sayo Shadow, at lalong hindi ko ibibigay ang libro! Sigaw ko sa kanya. Nanlisik ang lila nitong mata.
Mukhang magkakalabanan na naman hindi ka ba nagsasawa Riddle? Pero kung iyan ang nais mo, pagbibigyan kita. Shadow Ball!
Psyblock! Harang ni Mind sa mga shadow balls na itinama nya. Ako naman ay agad na naglaho at pumunta sa likuran nya.
Dark Spiral! Biglang humarap si Shadow sa akin at tinamaan ako na syang ikinatama ko sa pader.
Riddle! Rinig kong sigaw ni Mind. Tatakbo sana ito palapit sa akin pero hinarangan naman siya ni Shadow.
Illuminara Hypnosium Blasto!
May tila hypnotic waves na iniharap sa kanya at sa isang iglap ay nagkulay lila ang kanyang mga mata. Hindi! Na hypnotize na nya si Mind!
Ngayon Riddle, hayaan mong si Mind ang humarap sayo. Tingnan natin kung kaya mo syang saktan. Hahahahaha. Halakhak ni Shadow.
Mind Blow! Naglabas ng energy waves sa utak si Mind at ang tanging nagawa ko na lang ay gumawa ng Light Barrier upang harangan ang kanyang kapangyarihan. Patuloy ko pa ring sinasangga ang kapangyarihan nya hanggang sa biglang sumabog ito at napahiga ako sa sahig. Naalala ko na yun ang epekto ng Mind Blow.
Mind, wag mong gawin ito. Hindi ikaw yan! Tatayo sana ako pero biglang kinontrol ni Mind ang katawan ko ng Psychic powers nya. Hindi ko na tuloy makontrol ang katawan ko.
Magaling magaling Mind, ngayon gamitin mo ang kapangyarihan mo upang utusan si Riddle na ibigay ang libro sa akin. Utos ni Shadow sa kanya. Please Mind, wag mong gawin ito!
Inuutusan kita na ibigay mo kay Shadow ang Librong Bugtong Bugtong. Biglang nagkulay pula ang mata nito at tuluyan akong nakontrol ni Mind at wala sa sariling inilabas ko ang libro at iniabot kay Shadow. Kinuha nya naman ito at tuwang tuwa sya.
Sa Wakas, nasa akin ka na!! Ngayon ang mga codex na lang ang kailangan ko para mabuksan kung saan ikinulong ang aking mga kasama. Ngayon ay mapapakawalan ko na sila! Tuwang tuwa nyang sambit.
Maya maya ay biglang yumanig ang lupa at may mga sumasabog na kulay kayumanggi ang enerhiya. Natamaan si Shadow kaya nabitawan niya ang libro. Natamaan din kami at nawala na ako sa kontrol ni Mind at nawala na rin sya sa kontrol ni Shadow.
Ang Libro!! Kailangang makuha ko ito agad! Agad nyang ginamit ang kapangyarihan pero nilamon ito ng lupa. Galit na galit si Shadow dahil nawala na naman sa kamay nya ang libro. Maya maya pa ay may lumitaw na isang lalakeng nakahood at may kapang kayumanggi. Sandali! Sya ba talaga ito!?
At sino ka naman?! Ikaw ba ang dahilan ng pagsabog ng lupa at ikaw din ba ang dahilan kung bakit nalamon ng lupa ang libro?! Galit na galit nyang tanong.
Hanggang sa susunod nating pagkikita Shadow. At itinaas nya ang kamay at nilukuban kami ng buhangin at nawala na kami

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...