Dianne's POV
Inaasahan ko na kukunin ako ng mga kamay ngunit ilang saglit ay wala akong naramdaman. Pagmulat ko ng aking mata ay may nakita kong mga rosas na laso na nakapulupot sa mga kamay. Saan kaya galing ang mga ito?
Sinundan ko ang direksyon ng mga laso at nakita ko ang isang babae na tila nakasuot ng kimono at may belt din na kulay pink. Para syang koreana at may tila chposticks din sa buhok pero may mga lasong nakakabit sa dulo nito. Sa pulso nya may tilang nakasuot na bracelet na color pink din at doon nanggaling ang mga laso.
Salamat po at niligtas nyo ako. Pasasalamat ko sa babae. Pero tinitigan nya lang ako ng matuwid.
Huwag ka munang magpasalamat, hindi ko pa sila natatalo. Matabang na sabi nito at pagkuwa'y hinila nya ang laso at biglang nahati ang mga kamay. Wowww na amaze ako doon ah! Lakas makahiwa ng laso nya.
Kung ako sayo mortal ay iiwas muna ako at mamaya mo na ako mamangha. Kaya tumabi ka na para matapos na ito. Paasik na sabi nito. Bigla namang lumukot ang mukha ko dahil ang sungit nya kahit maganda sya pero umalis na lang din ako at tumabi kay Bryce.
Bigla bigla ay sinugod ng mga kamay pero tumalon lang sya ng mataas at naglabas ulit ng pink na laso at hiniwa ang mga kamay. Ang astig talaga ng ribbons nya! Para syang latigo!
Pagkatapos ay tumalon sya sa mga kamay at pumaikot ikot sya mga ito. Nalito ang mga kamay kung saan nila madadakip ang babae dahil mabilis gumalaw ito. Habang tumatalon ay naglabas na sya ng laso mula sa bracelet at pinaikot ikot nya ito sa mga kamay at napulupot silang lahat.
Wowww ang galing naman nya. Kay husay nya sa paggamit ng sandata nya. Manghang sabi ni Bryce. Maski rin naman ako ay walang masabi.
Pinuntahan naman nya ang mga kamay na dumakip kina Mark at iba pa. Naglabas muli sya ng laso mula sa kanyang bracelet at itinutok nya sa lupa. Ano kaya ang balak nyang gawin?
Maya maya pa ay gumalaw ang laso patungo sa ilalim ng lupa. Ang galing ng laso nya! Akalain mo na kayang gawin yun ng laso na gumalaw sa ilalim ng lupa!
Ilang saglit pa ay bumulwak ang mga laso mula sa ilalim ng lupa at tila may sariling buhay ito dahil hinihiwa nya ang mga kamay. Sa wakas ay nakawala na rin sina Mark, Cedric at Xiara. Pinuntahan agad ni Mark si Anne at ginising ito.
Lace Force! Pinahaba nya ang laso sa kanyang kamay at hinampas ito ng todo sa lupa at naramdaman namin ang wave energy nito at biglang naglaho ang lahat ng mga kamay. Inaasahan ko na may lilitaw muli pero wala na talaga. Isang salita lang talaga masasbi ko. WOW!
Wow! Ang galing nyo po talaga! Salamat po ulit sa pagligtas sa akin. Masidhing pasasalamat ko.
Walang anuman mortal, sa susunod kasi ay gamitin nyo ang kapangyarihan nyo ng maayos. Nagkaroon kayo nyan hindi para lamang isabit sa inyong leeg kundi gamitin kung kinakailangan. Pangaral nya sa amin. Aray! Na hurt ako doon ah.
Sandali saan ka po ba galing at amo ang pangalan mo? Tanong ni Bryce. Pero ngumiti lang ito bahagya sa amin.
Sabihin na lang natin na gusto ko kayong tulungan dahil mukhang mahina pa kayo kaya ang mabuti pa ay tumungo na kayo sa Emerald Cave para kunin ang codex. Sambit nya.
Sandali paano mo po nalaman na pupunta kami doon at kukunin namin ang codex? May kakayahan din po kayong magbasa ng isip? Tanong ko sa kanya pero biglang may lumabas na laso sa kanya at hinampas sa lupa. Lumagatik ito ng malakas at halos mabingi kami. Naku po mukhang ginalit namin sya.
Wala nang maraming tanong! Humayo na kayo ngayon din! Galit nyang sabi.
Pero po.. Hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may mga laso na umikot sa kanya at naglaho na lang sya bigla. Nahihiwagahan na talaga ako sa kanya.
Sino kaya ang babaeng iyon? Tanong ko.
Kung sino man sya ay utang na loob natin sa kanya ang ating kaligtasan, kung di dahil sa kanya ay maaring namatay na tayo. Sabi ni Mark. Malaking punto Mark.
Pagkatapos nyang sabihin iyon ay may may negative energy na umalis sa akin at nabuo ang number 12 at biglang itong nagkalat at nawala.
Sandali, mukhang alam ko na kung ano ang negatibong enerhiya na iyan. Nasa atin pa rin ang Bugtong Na Sumpa, natatandaan nyo pa ba na naisulat natin lahat ang ating mga pangalan sa libro at kikitlin ang buhay mo kahit saang lugar ka. Pero ang pagkakaalam ko na tanging ang puntirya nito ang syang makakatalo rito. Pagtanto ni Anne. Oo nga, kaya din siguro na may umatake ding mga aso kay Cedric dahil sya ang puntirya nito dahil 11 ang nakuha nyang number. Pero sya lang din ang nakatalo sa mga ito pero bakit sa akin natalo ng ibang nilalang? Ang dami pa ring gumgulo sa isipan ko ngayon.
Kung gayon ay nadagdagan ang ating misyon, ang kalabanin ang Bugtong Na Sumpa upang hindi makuha ang ating mga buhay. Sabi ni Bryce.
Kung gayon ay tumuloy na tayo, kailangan na nating puntahan ang Emerald Cave. Suhestiyon ni Xiara na sinangayunan ng lahat. Nagsimula na ulit kaming maglakbay patungo sa kuwebang naglalaman ng codex.
Pero ang dami ko pang gustong itanong sa babaeng iyon. Bakit kaya ganun ang mga tao kung madalas, masyadong pa mysterious. At bakit kaya iniligtas nya ako pati ng iba pa ni hindi nga nya kami kilala at hindi rin namin sya kilala.
Clue's POV
Alam kong nariyan ka pa kaya lumitaw ka na.
At ilang saglit pa ay may mga umikot na laso at lumitaw muli sya.
At ano ang kailangan mo sa akin Clue? Tanong niya sa akin habang nakatingin ng malagkit. Kahit kailan talaga ay masungit talaga ito kaya hindi ko masisisi kung bakit sinabi yun ni Dianne.
Alam kong tinulungan mo sya, hindi totoo na gusto mo lang silang tulungan. Kilala kita, hindi ka natulong ng basta basta. Sabi ko sa kanya. Nagulat sya pero saglit lang iyon.
At alam kong tinulungan mo sya dahil tinawag ka NYA. Lalong kumunot ang noo nito sa marinig. Halatang gulat talaga sya. Ganyan sya kung magulat, lalong sumusungit.
Pero ang ipinagtataka ko kung paano mo natalo ang mga kamay na iyon. Ang pagkakaalam ko sa Sumpa na iyon ay tanging ang iginawad o ang puntirya nito ang syang makakatalo lamang sa kamatayan nya. Nagtataka kong sabi sa kanya dahil alam kong tanging sya lang ang makakatalo nun pero sya ay nagawa nitong talunin.
Hmppp sabihin na nating totoo ang sinabi mo pero nagtataka ako kung bakit suot nya ang kuwintas ng aking kaibigan? At sa isang mortal pa talaga! Angil nyang tanong. Diba sabi ko sa inyo hindi lang ako ang nagtataka eh.
Hindi ako ang nag gawad kundi si Master Riddle at si Master Mind. Sila ang pumili sa kanila dahil daw sa kanilang malaking potensyal at katapangang taglay. Ganyan din ang reaksyon ko pero huwag muna natin silang husgahan, hindi naman sila pipiliin kung hindi talaga karapat dapat. Sambit ko sa kanya. Kahit na mukhang tutol sya ay wala syang reaksyon.
Hayy sana lamang ay hindi SYA magsisi sa pagbibigay ng kapangyarihan nya. Sige na Clue, babalik na ako sa aking tahanan. Pagkasabi nya nun ay pinaikutan ulit sya ng mga laso at umalis.
Hayy. Yan na lang ang tangi kong nasambit. Nagsimula akong maglakad palayo nang may pumukaw sa aking mata. Lumapit ako at may nakita akong maliit na patak na likido. Para mas lalo ko itong masiyasat ay nag anyong langgam ako at nakita ko ito ng mas malapitan.
Hinawakan ko ito at sobrang lagkit nito na parang dugo pero kulay puti ito. Pero sandali, katas ito. Katas ito ng isang prutas pero hindi ko alam kung ano.
Isa lang ang nasa isip ko, may kinalaman ang dagtang ito para matalo ang sumpa.

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...