RWC 60: Feeling Good

14 0 0
                                    

Dianne's POV

Bryce, Xiara, gising na kayong dalawa! Sambit ko sa kanilang dalawa habang niyuyugyog ko sila.

Oh bakit Dianne? Anong problema? Tanong ni Xiara na naalimupungatan pa mula sa pagkatulog.

Wala namang problema. Andito na kasi ang whole note na alagad ng head master upang sunduin tayo kaya gumising na kayong dalawa. Sige naa! Pagpilit ko pa rin sila. Uminat naman ang dalawa na tila bitin pa sa pagtulog nila. Tama kayo ng iniisip, tabi silang dalawang matulog pero wala namang malisya sa kanila yun. Natutuwa pa nga siguro si Bryce eh.

Paumanhin kung nagamabala ko ang inyong pamamahinga. Pinapatawag na kasi kayo ng aming master. Tugon nito sa aming tatlo.

Ayos lamang iyon. Mabuti na nga lang at nagising ako kaagad at nagising ko rin sila kaagad. Pasasalamat kong tugon sa kanya. Si Bryce at Xiara naman ay nag iinat na at nagsimulang tumayo.

Oh handa na ang lahat. Pumunta na tayo sa kanilang head master. Muli kong sabi sa whole note. Tumalima naman agad ito at sinabihan kami na sumunod muli kami sa kanya.

Masyado ka namang excited Dianne. Bakit ba sobrang nasasabik ka sa ating gagawin? Tanong ni Xiara na tila naguguluhan sa aking ikinikilos.

Ehh nasasabik lang akong makita yung head master ahh este makita yung pagsubok natin. Nadulas kong sambit sa kanya. Napatawa si Xiara ngunit mahina lamang.

Ikaw ah! Mukhang may gusto ka dun sa head master ah! Infairness gwapo sya at may appeal. Pang aasar sa akin nito na may matching palo sa balikat ko.

Hay nako Xiara, baka agawin mo lang yun sa akin. Ipaubaya mo na lang sa akin yun tutal may iba naman dyan na gusto ka. Sabi ko na may kahulugan. Napatingin sa akin si Bryce samantalang si Xiara ay nagtaka sa tinuran ko.

Anong ibig mong sabihin? Tanong nito sa akin.

Wala nevermind.. Sambit ko naman sa kanya at hindi na rin naman na sya muling nagtanong pa. Si Bryce naman ay nahuhuli ko na sumusulyap sulyap kay Xiara. Hay Xiara, kung alam mo lang na may pwede pang magmahal sa iyo.

Mga mortal, narito na tayo sa lugar kung saan kayo ay bibigyan ng pagsubok ng aming head master. Wika ng whole note. Hindi ko agad namalayan na narito na pala kami. Nasa harap kami ngayon ng isang dingding? Ang tanging naririto lang sa dingding ay hugis bilog na music staff.

Ahh eto ba talaga yung lugar? Parang hindi naman ito eh. Takang tanong ni Xiara. Napatawa naman ang whole note sa sinabi ni Xiara.

Hindi nga ba? Sabay lakad papunta sa dingding.

Sandali baka mabangga.. Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang bigla syang tumagos sa pader. Wow! So ibig sabihin may lugar pa pala sa loob at parang isang illusion lang ang pader. So amazing!

Ano pang hinihintay natin? Pumasok na tayo! Excited kong sabi at nauna na akong tumagos sa kanila.

Muli ako ay namangha sa panibagong lugar dito sa Fluditorium. Ang sahig ay may design ng music staffs na naka vertical at horizontal na patterns. Ang mga dingding naman ay hindi na nota ang mga design kundi mga nakasabit na totoong mga instrumento. Kumikinang din ito na tila ba bagong linis.

Maligayang pagdating dito sa Fluditorium Museum! Dito nakalagay ang mga kakaiba at di pangkaraniwan ng mga instrumento na syang pinangangalagaan din namin. Pagbati ng whole note sa amin habang kasalakuyan pa kaming di makapaniwala sa mga nasasaksihan.

Paano naman sila naging kakaiba? May taglay ba itong mga mahika? Paunang tanong ni Bryce.

Tama ang iyong sinabi. Lahat ng mga ito ay may kakaibang mahika o tunog na dito lamang maririnig at masasaksihan. Sagot nito. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tuwang tuwa kasi ako sa mga instrumentong ito!

Kung hindi ninyo naitatanong ay mahilig po akong tumugtog at kumanta. Mahilig akong kumanta ng mga iba't ibang gnere ng kanta at marunong din akong tumugtog ng gitara, violin, piano, flute at harmonica.

Namana ko ang hilig ko sa aking mga magulang ko. Ang nanay ko ay magaling kumanta at ang tatay ko naman ay isang magaling na musician. Kaya siguro dun ko na inherit ang pagiging singer at pagtutugtog.

Hayss...

Miss ko na ang mga magulang ko. Sana okay lang sila. Sana hindi sila mag alala sa akin kahit na wala ako sa kanila.

Pwede ba naming subukang tugtugin ang ito? Pakiusap ni Xiara sa whole note.

Paumanhin ngunit hindi nyo maaring galawin ang nga iyan. Ipinagbabawal ng head master ang paghawak o pagtugtog sa mga iyan. Kahit nga kami ay bawal ding gumamit nyan kaya hanggang masid lang kayo. Malungkot na turan ng whole note. Sayang naman, gusto ko pa naman sana tugtugin ang mga instruments kahit ilan lang.

Nasaan na nga pala ang head master? Tanong muli ni Bryce.

Parating na ang head master. May inasikaso lang sya saglit. Oh heto na pala ang head master! Biglang bulalas nito kaya napatingin kami sa direksyon ng tingin nya.

Tumagos mula sa pader na pinagtagusan namin kanina ang head master. Ngayon ay mayroon syang suot na long sleeves na black and white stripes tapos pantalon na may itim at tila maliit na boots na kulay black na may note patterns. Sa leeg ay nakasabit pa rin sa kanya ang plawta.

Mukhang narito na ang lahat. Aking alagad, nais kong isara mo ang lagusan. Hindi ko nais na may umabala sa amin. Utos nito sa whole note. Tumalima naman agad ito sabay labas nito pero di na sya bumalik. Paano nya kaya sinara yun?

Batid ko na kayo ay may mabuting hangarin pero nais ko pa ring subukan ang inyong kakayahan at talino lalo pa't ipinagkatiwala sa inyo ang mga kuwintas na iyan. Kaya kayo ay binibigyan ko ng isang pagsubok. Panimulang sabi nito.

Ano bang pagsubok ito? Tanong ko sa kanya. Bigla naman itong lumapit s akin at tinitigan nito. Hala bakit naman ganyan sya makatingin? Parang matutunaw ako eh.

Ang iyong pagsubok ay tatawagin nating Music Master. Ito ay isang pagsubok na kung saan ay nahahati sa tatlong parte..

Music Master? Parang first time kong marinig yun ah. Ano naman kaya ang pagsubok na ito?

Ang unang parte ay ang PILING THE BLANKS. Dito ay magpapakita ako ng mga iba't ibang taludtod ng mga kanta na kung saan ay may mga walang salita na syang inyong huhulaan. Hanggang sa sampung taludtod ng mga kanta ang aking maibibigay kaya naman kailangan ay magkaroon kayo ng limang tamang sagot upang malagpasan ito. Pagbibigay instructions ng head master.

Sa lahat ng mga pagsubok dito sa Riddle World, eto na yata siguro ang pinakamadali. Para bang isa itong game show na kung saan kami ang mga contestants at ang head master ang syang host.

Handa na ba kayo? Biglang sabi nito. Oh diba lakas maka Rated K.

Oo handang handa na. Tugon naman naming lahat.

Mukhang magiging masaya ito!















Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon