RWC 67: Solving

6 0 0
                                    

Dianne's POV

Pagkatapos naming sagutin ang isa ay agad na kaming nag isip para sa mga susunod na kanta na aming isasagot sa apat pang singers.

Isipin naman natin yung kay Sarah Geronimo. Pagkakaalam ko mayroon syang kanta na sinayaw mo na dati. Turan ko kay Xiara na ngayon ay matamang nag iisip. Tandang tanda ko yun dahil palagi nya akong kasama kapag nag rereherse sya kasama ng dance group nya.

Sandali, parang alam ko yung kantang tinutukoy mo. Ikot Ikot yung title. Tama! Ikot ikot nga! Malakas na sabi ni Xiara sa akin sabay pakawala ng isang ngiti.

Wala na akong inaksayang oras kaya pinatugtog ko na ang Violin at binuo ang salitang Ikot Ikot. Agad namang nagkaroon ng slash ang singer na si Sarah Geronimo.

Yes nakadalawa na tayo! Ang galing nyong dalawa! Papuri sa amin ni Bryce. Ngumiti na lamang ako bilang tugon.

Huwag kayong paka siguro sa inyong tagumpay mga mortal, may tatlong mang aawit pang natitira. Sabi ng Head master na nakatingin ng walang emosyon sa amin. Grabe talaga sya, walang bahid ng emosyon ang makikita sa kanyang mga mata at pagsasalita. Kahit na mabait sya kung makitungo ay para lang syang nagbabasa ng libro pero walang feelings.

Pagkaraan ng ilang sandali ay nasagutan namin si Angeline Quinto at Mariah Carey. Si Bryce ang nagsagot ng Butterfly kay Mariah Carey dahil paborito daw ito kantahin ng kanyang ina samantalang ako naman ang sumagot ng Patuloy ang pangarap by Angeline Quinto dahil minsan ko nang ito kinanta noong Buwan ng Wika sa school namin.

Pinatugtog ko kaagad ang Violin at binuo ang mga sagot namin at tuwang tuwa kami dahil nagkaroon ng slash ang mga singers na si Mariah Carey at Angeline Quinto.

Mahusay kayong tatlo, masasabi kong maalam nga kayo sa mga kanta at mang aawit. Isa na lamang at makakalabas na kayo dito sa aking tirahan. Komento nya sa aming kasiyahan. Kaya naman ay mas lalong lumakas ang aking loob upang tapusin ang pagsubok ni Head master.

Ngayon si Christina Aguilera na lang ang dapat nating sagutan. At pag nagawa natin ito, makakalabas na tayo ng Fluditorium. Sabi ni Bryce sa aming dalawa.

Kaya mag isip na tayo ng kanta ni Christina Aguilera. Turan ni Xiara kaya nagsimula na akong mag isip ng malalim.

Sa aking pagkakakilala ay siya ang isa sa mga singers na maraming kulot at grabe yung fierce sa pang aawit. Solid ang boses at kahit yung mga growl nya ay talagang amazing.

Dianne, sya ba ang kumanta ng A thousand years? Tanong sa akin ni Bryce.

Hindi sya yun Bryce, si Christina Perri yun haha. Tawang tugon ni Xiara. Maski si Bryce ay natawa sa kanyang pag aakala.

Ayy sorry, iba yung naisip kong singer hahaha. Tugon nya sa amin na humahagikgik din.

Alam na alam ko yun kasi fan ako ng Twilight at yung kantang yan ang official soundtrack nun. Pagpapaliwanag nito. Namangha rin ako kay Xiara dahil mayroon din syang kaalaman sa music. Sabagay, dancer at mahilig syang manood ng movies.

Kailangan makaisip na ako agad ng sagot.. Buti na nga lang walang timer ito kaya malaya kaming makakapag isip.

Nang biglang may pumasok sa aking isipan!

Aha! May sagot na ako head master! Bulalas ko sa kanya at kita ko naman sa aking mga kasama ang excitement at tuwa.

Sige Dianne, tignan natin kung masasagot mo ng tama ang huling palaisipan. Hamon nito sa akin.

Wala na akong sinayang na segundo at pinatugtog ko ang Violin at bumuo ng aking sagot sa isipan. Nasiyahan ako dahil namalas ko ang aking song title kanilang lahat.

Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon