Cedric's POV
Bakit hindi kami makapasok sa Owl Wing Forest? Hinaharangan kami ng black barrier na pumipigil sa amin upang makapasok sa loob.
Papasukin ninyo kami! Nais namin na tumawid sa gubat na ito. Pakiusap kaming inyong patawarin. Pagsusumamo ni Bryce na umalingawngaw pa sa loob ng gubat. Maya maya ay may nagsalita mula sa gubat.
Hindi kayo makakadaan sa gubat na ito. Tanging sa pagkagat ng dilim nyo lamang ito malalagpasan ngunit ipinapayo ko sa inyo na huwag na kayong tumuloy. Alingawngaw ng isang tinig na galing sa Owl Wing Forest.
Ngunit bakit may harang ang gubat at hindi ba kami makakadaan kahit umaga? Tanong ni Xiara ng malakas rin.
Dahil ang gubat ay may sarili ring mahika. Ang gubat na ito ay protektado at nawawala lang ang pananggalang tuwing gabi dahil doon lamang aktibo ang mga nakatira rito. Tugon nito sa amin.
Kung ganoon ay sino ka? Isa ka ring kuwago? Tanong pa ni Anne pero biglang lumakas ang ihip ng hangin at ramdam ko ang inis nya.
Wala nang maraming tanong at huwag muna kayong maggambala ngayon! Air Way!!
Biglang may lumabas mula sa gubat nang isang malaking kumpol ng hangin at pumunta ito sa direksyon namin.
Ahhhhh! Sigaw naming lahat at kami ay napalipad palayo mula sa Owl Wing Forest. Bumangga naman ako sa isang puno na nagpatigil sa aking motion at hindi agad ako nakatayo dahil sa lakas ng hangin.
Nakita ko naman si Xiara ay nakahiga sa damuhan at si Dianne naman ay sa sumabit sa isang puno. Si Mark at Anne naman ay napasabit sa isang baging sa itaas samantalang si Bryce ay nabangga rin sa puno.
Xiara tulong! Mahuhulog na kami ng mahal ko! Sigaw ni Mark at nakita ko nga na hindi sila kinakaya ng baging at anumang oras ay bibigay na ito at mahuhulog silang dalawa.
Xiara gamitin mo ang nature powers mo para hindi sila mahulog. Sambit ni Bryce sa kanya at tumango lang ito ay pinagana nya ang mahika upang kunin sina Mark at Anne ng magical vines at pumulupot sa kanila ito at ibinaba nya ito ng marahan. Akmang tutulungan nya rin si Dianne pero pinigilan ko sya.
Wag na Xiara, ako na ang bahala sa kanya. At hindi na ito tumutol.
Digital Room!
Nabalutan si Dianne ng parallelogram na hugis at dahan dahan ay kinuha ko sya upang ibaba sa lupa.
Salamat Cedric sa pagliligtas, ang husay mo talaga sa iyong kapangyarihan. Pasasalamat nya at lumitaw sa kanya ang magandang ngiti nya. Ang ganda pala ni Dianne pag nakangiti. Ang gaan sa loob.
Walang Anuman Dianne, ang mahalaga ay nailigtas kita. Pagtugon ko sabay hawak sa balikat nya.
Ayieeee si Cedric, pumapag ibig!! Tukso nina Xiara at Anne sa akin. Basta talaga sa tuksuhan eh expert si Xiara. Natawa na lang kaming dalawa. Wala naman akong gusto sa kanya eh. Gusto ko lang talaga na nakangiti sya, yun lang.
Nanghihina pa rin ako dahil sa lakas ng bigwas ng Airway kanina. Sabi ni Anne na nakasandal sa balikat ni Mark at si Mark naman ay hinihimas ang ulo nito pero bakas sa mukha na nanghihina rin sya. Ang lakas naman ng kapangyarihan ng ano bang klasaeng nilalang yun? Isa kaya syang higanteng kuwago?
Ako na ang bahala upang bumalik ang inyong mga lakas: Aromatic Cloud!
Bigla namang bumuo si Xiara ng isang color green na pinkish na cloud at binuo nya ito sa bilog at isinabog sa lupa. Nagmistula kaming nag smoke bomb sa mga usok na ito.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...