RWC 61:Music Master Part 1

13 0 0
                                    

Dianne's POV

Narito na ang unang taludtod.. Pagkatapos nyang sabihin iyon ay kinuha nya ang plawta sa leeg nito sabay patugtog. Mabilis ang melody nito tapos ay may mga lumalabas na mga tila imahe ng notes sound waves sa plawta nito.

Pagkatapos nyang tumugtog ay biglang may mga nabuong mga letra.

I remember tears streaming down your face but you said you never let me _____

Hmmm parang familiar ito. Narinig ko na ang lyrics na ito dati. Napatingin naman si Bryce sa akin na tila nagtatanong. Tumingin muli ako sa lyric na ito. Maya maya pa..

Go! Go ang nawawalang salita! Malakas kong sabi sa kanya. Nanatili namang seryoso ang mukha nya. Mali ba ang sagot ko?

Tama ang iyong tinuran. Ngayon naman ay ipapakita ko sa inyo ang ikalawa. Tugon sabay tugtog muli sa kanyang mahiwagang plawta. Natuwa naman sina Bryce at Xiara dahil tama ang sagot ko. Naalala ko kasi na isa sa mga paborito kong kanta ang Safe and Sound ni Taylor Swift at iyan ang unang lyric.

Maya maya pa ay tapos na sya magpatugtog at lumitaw ang panibagong taludtod.

I know I can treat you better
Than he can
And any girl like you deserves a _____

Sandali parang alam ko yan. Mahinang sambit sa amin ni Xiara habang pinag aaralan nya ang taludtod. Hinayaan ko na muna sya ma mag isip baka sakali na malaman pa nya ang sagot.

Ahh! Gentleman ang missing word dyan! Naalala ko na kinanta yan ni Bryce sa birthday ko. Isa pa, fan ako ni Shawn Mendes. Sambit naman ni Xiara at hinintay ang magiging reaksyon ng head master. Napatingin naman bigla si Bryce kay Xiara at ngumiti. Kung hindi nyo naitatanong ay magaling din kumanta itong si Bryce. Hindi lang ako makapaniwala na naalala nya pa yun.

Tumpak ang iyong sagot. Ngayon para sa ikatlong taludtod. Sambit muli nito. Natuwa muli kami dahil dalawa na ang puntos namin.

Tumugtog ulit ito at ito naman ang lumitaw..

My loneliness is killing me
I must ______ I still believe

Mukhang hindi ko alam ang kantang ito ah. Parang sad song yata ito.

Stay? Stay ba ang sagot? Nag aalangang sagot ni Bryce sa kanya. Nagulat naman kaming dalawa at ako ay hinintay na lang ang kanyang reaksyon.

Mali ang iyong sagot. Ngayon para sa ikaapat na taludtod. Pagpapatuloy nito. Bigla naman kaming nalungkot bigla nina Xiara.

Sorry Xiara at Dianne, akala ko kasi yun talaga eh. Paumanhin nito.

Okay lang yun Bryce. At least you tried diba? Tugon ko naman sa kanya para pagaanin ang loob nya. Isa pa, limang tama lang naman kailangan namin eh.

Ito naman ang sumunod na taludtod..

Quiero ______ tu cuello despacito
Deja que te diga cosas al oído
Para que te acuerdes si no estás conmigo

Wait.. Parang alam ko tong kantang ito. Naririnig ko ito sa school namin eh. Pinapatugtog pa nga nila ito at sinasayaw.

Ayun Respirar! Respirar ang sagot. Bigla kong bigkas.

Tama ang iyong tinuran. Nakakatatlong puntos na kayo. Tignan natin kung makalimang puntos kayo. Turan ng head master. Natuwa naman ako dahil 2 na lang at tapos ang first part.

I want your psycho, your vertigo shtick
Want you in my rear ______
Baby you're sick, I want your love
Love-love-love, I want your love

Mukhang mahirap na ang sumunod na taludtod na binigay nya sa amin. Nagsisimula nang humirap ang mga lyrics ng kanta.

Hmmm eyes? Tugon bigla ni Xiara.

Pasensya na ngunit mali ang sagot. Tugon nito ng pabagsak ang tono. Medyo kinabahan ako ng konti dahil dalawa na ang mali namin.

Sorry guys. Paumanhin ni Xiara. Inalo naman ito ni Bryce kaya hinayaan ko na. Bayaan na natin si Bryce ang magpagaan ng loob kay Xiara. Ano kaya yung sagot dun?

I can't waste time so give it a moment
I realize nothing's ______
No need to worry about everything I've done
Live every second like it was my last one

Ohh! Hindi ako napasabi nun dahil nahirapan ako kung hindi sa lyric mismo. Naalala ko kasi na isa yan sa kinanta ko sa kaklase ko dati dahil theme song daw nila ng jowa nila yun.

Bakit Dianne? Tanong nila sa akin na may tinging pagtataka.

Wala guys. Nagulat lang ako sa lyric pero alam ko ang missing word dyan at iyon ay broken. Tugon ko sa kanila pati na rin sa head master.

Tumpak ang iyong tinuran. Isa na lamang ang kailangan nyong maitamang sagot at makakapasa na kayo sa unang bahagi ng pagsubok. Natuwa naman sina Xiara at Bryce. Mukhang malalagpasan na namin ito.

Pinatugtog nya ulit at plawta at ito naman ang nabuong mga liriko.

Dancing on the hood in the middle of the woods
Of an old ______, where we sang
Songs with all our childhood friends
And it went like this, yeah

Nang mabuo ito ay bigla akong napatingin kay Bryce. Sakto rin na tumingin din sya sa akin kaya nagkatinginan kami. Nababasa ko sa mga mata nya na alam na alam nya yun.

Mustang ang sagot dyan pero gusto mo ba buuin pa namin para sayo? Biglang tanong ni Bryce sa head master. Nagtaka naman ang mukha nito pero nagsimula nang kumanta si Bryce.

Oops I got ninety-nine problems singing bye, bye, bye
Hold up, if you wanna go and take a ride with me
Better hit me, baby, one more time. Bigla namang tumingin si Bryce sa akin kaya di na ako nagpatumpik tumpik at sinundan ang kanyang kanta.

Paint a picture for you and me
Of the days when we were young
Singing at the top of both our lungs
On the day we fell in love. Dagdag ko naman sa chorus nya. Napapalakpak pa si Xiara sa pagkamangha sa aming dalawa.

Alam na alam namin ni Bryce ito dahil parehas kaming fans ni Anne-Marie at ito ang pinakagusto naming kanta nya, itong 2002. Kaya naman nagkaintindihan kaming bigla sa pagtingin ng aming mga mata kanina.

Tama ang inyong sagot. Nais kong sabihin na nakapasa kayo sa unang pagsubok. Nang marinig ko iyon ay lumawak ang aking ngiti at saya ang tanging naramdaman ko.

Yess! Buti nalagpasan natin iyon kahit na medyo mahirap. Galak na bigkas ni Bryce.

Pero alalahanin ninyo na una pa lamang iyan. May pangalawa at pangatlo pa. Kaya huwag muna kayong masyadong magalak at makinig sa ikalawang bahagi ng pagsubok na ito.

Well tama naman siya. Di pa oras para matuwa dahil di pa tapos ito. Kaya tinuon ko na lang ang sarili ko sa kanya. Actually kanina pa nga hahaha.

Ang pangalawang bahagi ay tatawagin nating Who you? Ang bahaging ito ay magpapalitaw naman ako ng mga iba't ibang titulo ng kanta at ang gagawin ninyo ay ibibigay nyo sa akin ang taong kumanta nito. Malinaw ba ang lahat sa inyo? Tanong naman nito sa amin matapos magbigay ng mechanics.

Handa na kami Head Master. Sabay sabay naming tugon.

Kung gayon ay simulan niyo nang mag isip. Sambit nito sabay patugtog nito sa plawta.




























Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon