Mark's POV
Kasalukuyan kaming magkasama nina Cedric at ng Mako ko upang hanapin ang nilipad na mapa. Nauuna si Cedric sa paglakad at halos magkasunod lang kami ni Anne. Iniisip ko kung saan naman kaya mapulunta iyon at kung paano namin makukuha ito agad?
Mark, mukhang malalim ang iniisip mo ah. Nagulat ako sa turan ni Anne. Hayy masyado yata ako napaisip kaya agad ko naman syang sinagot.
Ahh iniisip ko lang Mako kung paano natin mahahanap ang mapa, marami kasing posibleng lugar na maaring kinalalagyan ng mapa. Tugon ko naman. Napangiti lang ito at pinisil ng bahagya ang pisngi ko.
Asus naman Mako, huwag mong masyadong problemahin yan. Be positive always Mark, maniwala ka sa sarili mo na mahahanap natin iyon at maipagpapatuloy na natin ang ating misyon. Wag ka na masyadong mag alala okay po? Paliwanag nito sa akin na nagbigay lakas ng loob sa akin. Napangiti naman ako sa mga sinabi nya.
Ang sweet naman po ng sinabi mo. Dapat ako nagpapakilig sayo eh hindi ikaw. Ngiti kong sabi sa kanya.
Ano ikaw lang? Ang daya mo naman. Tsaka concern lang naman ako sayo eh kasi boyfriend kita. Kapag may problema ka, lagi akong nandito para sayo. Dagdag pa nito na lalo namang nagpapakilig sa akin. Huling huli talaga nya ako. Kaya sobrang mahal ko sya eh.
Ikaw talaga Mako, kaya ako naiinlove lalo sayo eh. Pakiss naman ako. Malambing kong tugon ngunit tila umiwas sya ng tingin.
Ayoko, nakakahiya kay Cedric. Baka kung ano pa ang sabihin nya. Pagtanggi nito. Pero pinipilit ko pa rin syang iharap ang mukha niya sa akin pero di sya tumitingin sa aking mga mata.
Mako look at me, please let me kiss you. Let me kiss my one and only girlfriend. Suyo ko sa kanya at nararamdaman ko na kinikilig sya pero ayaw nya lang ipahalata. Nilalapit ko ang mukha ko para halikan sya pero umiiwas sya.
Ayaw mo ba talaga Mako? Sayang naman oh, nakareserve lang ito para sa iyo. Malambing ko sabi sa kanya at kitang kita ko na namumula ang pisngi nya. Kilig na kilig na sya maski ako din hahahaha.
Sige na nga pero isa lang Mako ah. Baka makita tayo ni Cedric. Nag pout naman ako nung sinabi nya iyon.
Hmmm bakit ayaw mong makita ng ibang tao na hinahalikan kita? Ikinahihiya mo ba ako na boyfriend mo ako? Malungkot kong tanong sa kanya. Nagbago naman ang ekspresyon ni Anne nang ako ay magtampo. Bigla nya akong niyakap.
Mako hindi sa ganoon, syempre baka sabihin na Cedric na masyadong tayong PDA. Sambit nito habang yakap yakap ako. Naku bakit sa yakap ni Mako agad nawala tampo ko at napayakap pa ako sa kanya. Iba na talaga epekto mo sa akin.
Mako, hindi mo kailangang mahiya sa ibang at gusto kong ipakita sa sayo at sa lahat ng nilalang kung gaano ako dedicated sayo at kung gaano kita kamahal kahit may kasama man tayo o wala. Paliwanag ko sa kanya. Napangiti naman sya ng malapad at natuwa sya sa narinig nya.
Maraming salamat Mark dahil sobra mo talaga akong mahal at hindi ka nahihiya kahit may tao man o wala. Sorry kung nahihiya ako. Pasensya na. Pasasalamat nito kasabay na paghingi na rin nya ng paumanhin. Inangat ko naman ang ulo nya at ngumiti ako sa kanya.
Its okay Mako, you are always welcome in my heart and soul. Can I kiss you, My dearest Mako? Pakiusap ko sa kanya habang nangungusap ang aking mata.
Oo naman... Pagkarinig kong iyon ay hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita at sinunggaban ko na sya ng halik. Malalim ang naging tugon ng kanyang halik. Umaalog ang aking puso sa sobrang tuwa.
Mako naman eh, di pa nga ako tapos magsalita. Sabi nya at natawa na lamang ako at niyakap sya ng mahigpit.
I love you Mako, ikaw lang ang babaeng pakikiligin at mamahalin ko ng sobra sobra. Sabi ko with matching halik pa sa noo nya.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...