Mark's POV
Sa isang iglap ay tila lumitaw kami sa paanan ng isang malaking bundok. May mga damo at halaman rin nasa paligid. May saktong lakas ng hangin na sumasabay sa indayog ng asul kong kapa. Namangha naman ako sa ganda ng bundok na ito. Ang sarap gawing profile picture kasama ng Mako ko.
Riddle nasaan na tayo? Biglang tanong ni Cedric na tila nagtataka sa lugar.
Ito ang bundok na kung saan ay sa kalagitnaan nito ay may malaking lagusan kung saan nandoon ang Riddle World. Ngunit kailangan nyo munang akyatin ang bundok at puntahan ang malaking puno ng balete na may malaking butas sa gitna kung saan magbubukas ang lagusan. Paliwanag ni Riddle.
Hindi ba natin maaring gamitin ang paglalaho upang makarating doon? Tanong ko.
Bakit hindi mo subukan? Hamon ni Riddle sa akin. Bigla naman napatingin silang lahat sa akin at medyo nahiya at natakot ako nang kaunti pero hinigpitan ni Anne ang paghawak sa kamay ko at tumingin sa akin na parang sinasabing kaya ko ito. Kaya wala na akong inaksaya na panahon kaya kinuha ko ang glowstick ko at kiniskis ko ito at ako ay naglaho pero tila bumangga ako sa isang pananggalang at ako ay itinapon nito.
Mark ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba Mako? Alalang tanong nya sa akin. Natuwa naman ako sa pag aalala nya. Mahal talaga ako ng Mako ko.
Makita lang kita Mako, ayos na ako. Tugon ko na ikinangiti nya naman ng bahagya samantalang si Xiara at Dianne ay tila kinikilig.
Hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo at maging ang kapagyarihan namin dahil protektado ang bundok na ito laban sa mga mahika kaya nananatili itong nakatayo ngayon at para na rin pangalagaan ang lagusan. Paliwanag ni Riddle.
Kung gaanoon ay kailangan naming akyatin ang bundok na ito? Mukhang mataas at matarik. Nakakapagod naman yata ito.
Tama ka Mark, wala tayong magagawa kundi ang akyatin ang bundok na ito upang makarating sa lagusan. Biglang sabi ni Mind.
Kung ganoon ay magsimula na tayong akyatin ang bundok na ito. Suhestiyon ni Cedric at sinangayunan naming lahat.
Lahat kami ay nagsimula nang umakyat at nauna si Bryce, sunod naman ay sina Cedric at Dianne, sunod naman ay kaming dalawa ng mahal ko. At sa huli namin ay sina Xiara, Mind at Riddle. Napapansin ko na laging dumidikit si Xiara kay Mind na tila ba natutuwa pag kasama si Mind.
Matarik ang bundok at mabato rin ito kaya naman todo alalay ako kay Anne. Napapangiti na lang sya kapag inaalalayan ko sya at gumaganti lang din ako ng ngiti. Kung pwede nga lang ay sunggaban ko na sya ng halik pero hindi ko magawa kasi baka mahulog ako o kaya si Anne. Pero sa bagay, matagal naman na akong nahulog sa kanya ehhh.
Makalipas ang ilang minuto, biglang nagtanong si Anne kay Riddle.
Riddle ano ba angmga codex at bakit kailangan iyon ni Shadow? Tanong ni Anne. Kanina ko pa rin yan gustong itanong dahil gusto kong malaman kung anong meron sa mga ito. May kinalaman ba ito sa sinasabi ni Shadow na may mas sasama pa sa kanya?
Ang mga Codex ay mga kasangkapan na pinangalagaan sa aming mundo upang ilayo sa mga masasamang kamay. Kami ang nangalaga ng mga ito at dahil sa apat ito ay pinag hatian namin iyon at napunta ang bawat isa sa amin. Pagkukuwento nya.
Pero nang sakupin ni Shadow ang aming mundo ay inutusan ko si Mind na sabihin kina Mound at Gravity na pumunta sa Mortal World upang ilayo kay Shadow ang mga codex samantalang ang dalawang pinangalagaan namin ni Mind ay inilagay ko sa Riddle World upang hindi nya ito makuha sa amin. Pagtuloy nito
May apat na klase ng mga codex. Bawat isa sa mga codex na ito ay nagbibigay kapangyarihan upang mabukasan ang isa pang lagusan: ang Gate of Oblivion. Ang Gate of Oblivion ay dito ikinukulong lahat ng mga masasamang nilalang. Ito ang parang nagsisilbing kulungan ng mga nagkakasala sa mundo namin. Ito ang lugar na kung saan tanging ang mga codex lamang ang makakabukas kaya siguradong walang makakatakas sa kanila. Patuloy ni Riddle. Ang astig naman! Ayos pala yung kulungan sa mundo ng mahika. Talagang escape proof! Sana ganoon din yung kulungan dito sa Pilipinas para walang makatakas na bilanggo.
Ano ang kinalaman ng Gate of Oblivion kay Shadow? Tanong ko.
Sasagutin nya sana ang tanong ko pero biglang napatigil si Mind at kinausap kaming lahat sa isip.
Sandali! May mga ibang nilalang sa parteng ito. Maghanda kayo.
Napatigil naman kaming lahat sa narinig namin at agad naman na napahawak ng kamay saakin si Anne.
Mark natatakot ako. Kinakabahang sabi nya at niyakap ko sya.
Wag kang mag alala Anne, andito lang ako. Kung ano man ito ay hindi ko hahayaang saktan ka nila. Mahinang sabi ko sabay halik sa noo nya. Maya maya ay may mga maliliit na bato na nagsisipag bagsakan. Lahat kami ay nasindak sa mga kaluskos na iyon. Parang may mga naglalakad gamit ang mga maliliit na paa.
Ahhhh! Biglang sumigaw si Dianne at kasabay nun ay biglang pagpulupot ng isang sapot sa kanya. Akmang aalalayan sya ni Cedric ngunit maging sya ay nasaputan. Ganun din ang nangyari kay Bryce.
Mark ano nang gagawin natin? Hindi tayo maaring gumamit ng kapangyarihan. Sabi ni Anne. Maski ako rin ay hindi ko alam ang gagawin ko.
Bigla bigla ay yumanig ang lupa dahil may bumagsak na dalawang malalaking insekto sa aming dalawa. Naku! Katapusan na ba namin?!

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...