RWC 7: Why it didn't work?

10 0 0
                                    

Bryce's POV

Magic Wing Arise!

Nagtaka kami na walang nagbago sa aming histura. Ni wala ngang nangyari.

Subukan ulit natin. Suhestiyon ko at sumigaw muli kami pero wala talagang nangyari.

Paano na tayo makakaalis rito? Papalapit na ang mga langgam! Sambit ni Xiara na tila natatakot na. Nag alala naman ako sa kanya ahh este sa aming lahat dahil baka mamatay kami ng wala sa oras.

Mga Mortal talaga.....

Nagulat ako nang marinig ko ang tinig na iyon. Alam kong sa kanya galing yun hindi ako maaring magkamali. Pero tila ang iba ay walang narinig at tila takot na takot pa rin

Paano kami makakatakas rito? Papalapit na ang mga langgam. Tanong ko pero sa isip lamang. Alam ko namang naririnig nya ako sa pamamagitan ng isip.

Edi umalis kayo... may utak naman siguro kayo hindi ba?

Ang ayos nya rin sumagot sa tanong ko noh. Paano nga kami aalis?

Sandali...

Aalis...

Bam!!


Gamitin natin ang mga glowsticks natin para makatakas tayo mula rito. Ngayon na madali!

Sabay sabay naming inilabas ang mga hawak naming mga glowsticks at kiniskis namin ito at isang iglap ay nawala na kami agad.

Nakita ko na nandito kami kung saan namin nakita ang apat na daan. Sisiguraduhin ko nang hindi pa muling papasok sa pulang daan. Ayoko nang matakot pa sya ahh este kaming lahat.

Pero bakit hindi gumana ang mga kapangyarihan ng kuwintas? Akala ko ba kapag isinigaw namin ang Magic Wing Arise! Pero bakit hindi gumana? Ano pa ba ang kailangan naming gawin para mag unleash ang powers namin?

Sa tingin mo Bryce, ano ang pipiliin mo? Tanong ni Xiara.

Ikaw... sabi ko na ikiatahimik nilang lahat.

Ikaw ang mamili Xiara ang ibig kong sabihin. Ayy shems muntik na akong madulas doon ah. Xiara kasi eh, ang ganda. Napalingon naman ako kay Mark at kita ko sa mata nya na may nahahalata sya. Napayuko na lang ako sa hiya.

Sa tingin ko dumaan tayo sa pilak na daan, tutal yun din ang kulay ng bundok na ito kaya malamang na ito rin ang magtuturo ng daan. Suhestiyon niya. Bakit di ko naisip yun? Kaya naman pala siguro sinabihang kami na may utak naman siguro kami. Hayyy i'm still new to this job.

Kaya naman ay tinahak namin paloob ang suhestiyon na daan ng pilak ni Xiara. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating kami sa isang malaking espasyo pero nasa loob pa rin kami ng bundok dahil napapalibutan pa kami ng mga pilak na bato.

May malaking batong lamesa at may mga nakasabit na glowsticks sa mga dingding. Pero kakaiba ang mga glowsticks na nakasabit sa itaas. Iba't iba ang kulay. May kakayahan din kaya itong makapag pa teleport ng tao?

Nakarating na rin kayo sa wakas!

Rinig ko na nagsalita na naman sya at may tumalon na kutong lupa sa harapan namin. Bigla naman na nagbago ang kanyang histura sa pagiging tao ni Clue.

Mabuti naman at nalagpasan ninyo ang unang pagsubok ninyo para maging karapat dapat sa mga kuwintas na suot ninyo ngayon.

Haa? Kaya ba hindi ba gumana ang mga kuwintas dahil kailangan pa naming patunayan ang aming mga sarili sa mga kuwintas na suot namin?

Oo Mortal kailangan ninyong patunayan na karapat dapat kayo sa mga kuwintas na iyan nagtataka nga ako kung bakit nya iyan binigay sa inyo eh ni minsan hindi nya iyan ipinahawak sa akin at maging sa ibang sorsera at sorsero. Propesyonal na sabi nya.

Ang hirap talagang maglihim! Imbes na walang nakakabasa ng isip mo eh pero wala nasa mundo kami ng mahika kaya kahit ang mga imposible ay magiging posible.

Pero ano yung sinasabi ni Clue na hindi nya ito ipinagkakatiwala sa iba maging sa kapuwa sorsera. Pero bakit sa amin nya ito ipinagkatiwala eh di hamak na mga mortal lang kami at walang kaalam alam sa mahika.


Pero isa sa inyo ay nagtagumpay na patunayan ang kanyang sarili. Napatunayan nya na may angking talino at isip sya upang maging karapat dapat sya sa iginawad na kuwintas.

Tiningnan ko si Xiara at nakita ko na nagliliwanag ang kanyang kuwintas na kulay berde. Natuwa naman ako kay Xiara dahil deserve nya iyon. Masaya ako ahh este kami para sa kanya.

Kaya Xiara, handa ka na upang i unleash ang powers mo sa inyong misyon. Magiging epektibo na ang paggana nito dahil napatunayan mo na ang iyong sarili. Turan ni Clue na ikinangiti ni Xiara. Ang ganda talaga.


At kayong mga iba, hindi nyo muna magagamit ang mga kapangyarihan ninyo hangga't hindi ninyo napapatunayan ang sarili ninyo sa mga kuwintas na iyan. Turan naman nya sa aming lahat.

Binabati kita Xiara sa iyong tagumpay. Turan ko sa kanya.

Walang anuman Bryce, sigurado naman ako na makukuha ninyo rin ang sainyo. Positibong sabi nya.

Kung ganoon ay manatili muna kayo rito ngayon ng isang araw at bukas na kayo maglakbay para kunin ang mga codex dahil may kailangan pa kayong gawin para malaman ang direksyon patungo sa mga lugar kung saan nakatago ang mga codex. Sabi ni Clue. May pagsubok pa ulit? Kaya pala walang lumitaw na kahit ano sa mapa.


Inilabas ko ang mapa at ito ay aking inilapad ngunit wala pa ring nakalitaw. Inilagay naman ni Clue ang isang daliri nya sa mapa. Nagliwanag ang mga ito at may mga letrang lumabas mula rito. Nagkumpol kumpol ang mga ito at ito ang knalabasan ng nabuong mga letra.


Answer Me First!










Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon