Mound's POV
Agad kaming lumitaw sa aking bahay at inihiga ko si Riddle sa kama upang malunasan na sya kaagad.
Mound, gawin mo lahat ng makakaya mo upang ipagamot sya. Nag aalala na pakiusap sa akin ni Mind. Tinapik ko naman si Mind sa balikat.
Huwag kang mag alala. Magagamot natin si Riddle at hindi ko hahayaan na hindi sya gumaling. Sagot ko naman sa kanya at nagsimula na ako upang tanggalin ko ang lason sa kanyang katawan.
Sa pagkakataong ito ay nag usal ako ng isang engkantasyon habang nakatapat ang aking dalawang palad sa kanyang tyan.
Naturilea Earthnalis Healeowa
Naturilea Earthnalis Healeowa
Nagliwanag ang aking palad at lumabas ang brownish yellow na enerhiya at pumasok ito sa kanyang katawan. Nagliwanag ang kanyang katawan at biglang lumulutang ng patayo.
Mukhang epektibo ang iyong kapangyarihan sa kanya. Salamat Mound sa tulong mo. Pasasalamat ni Mind agad sa akin.
Natuwa rin ako dahil magagamot na sya pero nagulat kaming pareho dahil sa liwanag na iyon ay napalitan ng shadow energy ang liwanag at biglang bumagsak ulit sa kama si Riddle. Wala pa rin itong malay.
Bakit ganoon Mound?! Bakit hindi gumana ang iyong mahika? Takang tanong ni Mind na may halong pag aalala.
Hindi ko rin alam Mind. Hindi naman ito nangyayari sa mga kadalasang tao na hinihilom ko dahil lahat ay successful pero mukhang malakas ang naigawad na lason ni Shadow kay Riddle kaya hindi ko sya mapagaling. Malumanay kong tugon.
Ngunit mas malakas ka sa kanya Mound! Mas malakas tayo sa kanya kaya hindi maaring hindi mo sya maipagaling! Medyo napataas na ang boses ni Mind na kalaunan ay napagtanto nya.
Pasensya na Mound, talagang nag aalala lang ako kay Riddle. Paumanhin kung napag taasan kita ng boses. Pagbabago ng emosyon ni Mind.
Walang problema sa akin iyon. Alam kong nag aalala ka lang sa kaligtasan ni Riddle. Maski ako rin naman ay nag aalala sa kalagayan nya. Kalma kong sabi sa kanya. Hinaplos nya ang palad ni Riddle at pinisil nya ito ng bahagya.
Paumanhin kung hindi kita natulungan. Pero wag kang mag alala, hindi kami titigil hanggat hindi namin nahahanap ang lunas. Pursigidong sabi ni Mind kay Riddle.
Nag iisip naman ako ng lunas kung paano namin magagamot si Riddle. Hindi kasi tumalab ang kapangyarihan ko sa kanya kaya iniisip ko kung anong makakapagpagaling kay Riddle...
Alam ko na Mind, may ideya na ako. Bigla kong sambit at naalerto si Mind sa aking narinig dahil agad itong lumingon sa akin.
Ano iyon Mound? Ano ang makakapagpagamot sa kanya? Nagmamadaling tanong nya. Naisip ko kasi ang isang antidote ngunit mahihirapan kaming kunin ito dahil nasa ibang dimensyon ito kaya nag aalangan pa akong sabihin ito.
Kahit saang dimensyon pa yang antidote na sinasabi mo. Kukunin ko yan upang magamot ko si Riddle kaya pakiusap sabihin mo na. Pakiusap ni Mind na tila nabasa nya ang aking kaisipan. Bumuntung hininga muna ako bago ko sya sinagot.
Pagkakatanda ko, may isang puno na nakakapag pagaling ng kahit anong sumpa. Ito ang Eternitree at ang mga bunga rito ay may kakaibang katas at laman na kapag nakain sinuman ay makakapagtanggal ng kahit anong sumpa. Paliwanag ko sa kanya ukol sa aking nalalaman. Agad naman syang nabuhayan ng loob.
Maraming salamat at sinabi mo sa akin ang ukol riyan ngunit saan ko ito makukuha? Sabihin mo na agad nang sa gayon ay makuha na natin ito. Nagmamadaling pakiusap ni Mind.

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...