Riddle's POV
Takot na takot sina Anne at Mark at kita ko rin kay Mind ang kaba dahil sa dalawang malalaking insekto na nasa harapan namin. Kalmado lamang ako dahil inaasahan ko talaga na nandito sila.
Lumapit ako at umabante pero pinigilan ako ni Mind at hinawakan nya ang kamay ko.
Riddle, ano ang gagawin mo? Baka mapahamak ka. Tandaan mo na hindi tayo maaring gumamit ng mahika. Pag aalala ni Mind ngunit sa isip lamang nya ito pinahayag.
Magtiwala kay Mind, alam ko ang ginagawa ko. Pakiusap hayaan mo ako. Sabi ko sa kanya.
Binitiwan nya naman agad ang kamay ko at ako ay patuloy na naabante at lumapit sa dalawang insekto. Pagkakita palang saakin ng dalawang insekto ay biglang nagbago ang ekspresyon nila at napayuko agad.
Master Riddle! Paumanhin kung hindi namin kayo nakita. Patawarin ninyo kami. Sabi ng malaking gagamba.
Patawarin nyo talaga kami. Kung nalaman lang namin agad na kasamahan ninyo sila ay hindi na namin sila sinapot. Paumanhin din ng isang alakdan.
Kita ko naman sa mga mukha nila ang mangha at gulat maski ang sorserong si Mind ay nagulat din sa kanyang nasaksihan. Hayy mukhang marami pa talaga silang dapat matutunan.
Tanggalin nyo na lamang sa pagkakasapot ang aking mga kasamahan. Utos ko sa kanilang dalawa. Tumalima agad sila at pinuntahan sina Bryce,Dianne at Cedric at isang gupit lamang at kalmot ng gagamba ay nakawala agad sila. Nagpasalamat naman sila at tinanggap naman ito ng aking mga alagad.
Ibig sabihin kilala nyo sila? Gulat na gulat na tanong ni Mark na patuloy pa ring yakap si Anne.
Bakit naman hindi? Sila ang itinalaga ng Bugtong Bugtong upang pangalagaan ang lugar na ito kaya sila ang hinirang na Riddle Gateways. Dito sila naninirahan sa bundok na ito. Paliwanag ko sa kanila.
Kung ganoon ay likha sila o nagmula sila sa libro? Tanong naman ni Bryce. Tumango naman ako bilang sagot. Mangha naman sila sa kanilang nasaksihan.
Master Riddle, sino po ba ang mga mortal na iyan at bakit sila naririto? Tanong ng alakdan
Aking mga alagad, sila ay sina Mark,Xiara,Anne,Bryce,Cedric at Dianne. Sila ay mga mortal na aking itinalaga upang puntahan ang Riddle World upang kunin ang mga codex. Samantalang ang isa naman ay si Mind, isa syang sorsero sa isip at psychic. Kaibigan ko rin sya tulad ng iba. Pagpapakilala ko sa kanila. Biglang nagtaka ang mukha ng alagad kong gagamba.
Bakit kailangan ninyo ng codex? May gusto ba kayong ilagay na bilanggo sa Oblivion World Master Riddle? Tanong nya.
Wala ngunit mayroong nagtatangkangka na kumuha nito kaya dapat naming silang unahan. Paliwanag ko.
Mark's POV
Hindi na ako magugulat kung si Shadow ang iyong tinutukoy. Tugon ng alakdan. Wow! Kilala din ng mga ito si Shadow. Sa totoo lang, marami pa akong di alam sa kanila lalo na kay Shadow. Ngunit bakit parang alam nila kung sino ang kukuha? May mind reading ability din ba sila?
Oo, kaya dapat namin itong makuha. Naririto na si Shadow sa Mortal World kaya dapat naming itong makuha. Determinadong sabi ni Riddle
Kung ganoon ay hayaan mong kami ang maghatid sa inyo sa lagusan Master Riddle. Malugod na alok ng alakdan. Tumango naman si Riddle at sumunod na lamang kami sa kanila. Nawala na rin ang takot namin sa kanila dahil sila pala ang Riddle Gateways. Habang naglalakad kami ay bigla kaming napahinto sa isang puno. Mukhang ito na ang lagusan dahil puno ito ng balete at may malaking butas din sa gitna.
Narito na tayo mga mortal. At bago ko makalimutan, nakalimutan kong banggitin ang histura ng mga codex. Ito ang dalawang codex na dapat ninyong hanapin sa Riddle World:
Emerald Cape
Ruby Sword
Namangha naman ako sa mga dapat naming hanapin. Imagine na may may kapa na gawa sa Emerald at may Espada na gawa sa purong Ruby! It's unbelievable!
Ayan ang mga dapat ninyong hanapin. Wag kayong mag alala dahil tutulungan kayo ng mapa upang mahanap ang mga ito. Nariyan din ang mga makapangyarihan ninyong kuwintas sa oras ng panganib upang makapag transform. Nawa ay mag ingat kayo at makuha ninyo ang mga codex. Paalala ni Riddle.
Makakaasa ka Riddle. Sabay sabay naming tugon.
Maya maya pa ay binuksan ni Riddle ang libro at itinapat nya ito sa pinto.
Baleteris Riddlesa Openingus
Nagliwanag ang puno at biglang nagkaroon ng spiral na puti ang butas ng balete. Mukhang heto na ang simula ng aming misyon.
Humayo na kayo at kunin ninyo ang mga codex bago pa mahuli ang lahat. Paalam muna sa ngayon, patnubayan kayo sana sa inyong misyon. Pagpapaalam ni Mind sa amin.
Alam kong kaya nyo iyan kaya naman humayo na kayo at kunin ang mga codex. Kami na ang bahala sa paghahanap kina Mound at Gravity. Pagpaalam ni Riddle.
At ilang saglit pa ay pumasok na kaming lahat sa portal at napunta na kami sa ibang dimensyon.
Shadow's POV
Unti unti kong minulat ang aking mata. Sandali, ang pagkakatanda ko ay ginamitan ako ni Anne ng hypnosis kaya ako nakatulog. Pero nasaan na sila?!!
Sinubukan ko silang halughugin ang bahay na ito ngunit wala akong makita ni isang nilalang. Hindi maari!! Natakasan nila ako!
Mabuti na lamang at nakuha ko kaagad ang mga essence dahil kailangan ko ito upang mabuksan ang gate of oblivion. Kakailanganin ko na lamang ang 4 na codex na syang magbubukas ng Gate of Oblivion.
Kailangan ko silang mahanap! Kailangan ko silang hanapin!
Kaya naman humanda kayo lalong lalo ka na Riddle! Magtutuos tayong muli.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...