Mound's POV
Lumitaw naman ako dito sa aking tinitirhan na Condominium at kita ko na natutulog ng mahimbing sina Mind sa tabi ng walang malay pa rin na si Riddle.
Nandito ka na pala Mound. Naalimpungatan na sabi ni Mind. Mukhang napahaba ang tulog nito.
Oo kararating ko lang. Paumanhin kung naistorbo ko ang iyong pamamahinga. Paumanhin ko naman sa kanya.
Hindi mo ako naistorbo. Sadya lang talagang malakas ang aking pakiramdam. Naramdaman ko lang ang iyong enerhiya kaya alam kong dumating ka na. Pahayag ni Mind. Well, sadya naman talagang malalakas ang pakiramdam ng mga tulad naming sorsero kaya di na nakapagtataka.
Ano nga palang nangyari sa iyong paghahanap sa ating isa pa nating kapanalig na sorsera? Tanong ni Mind na nagpatigil sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na nabigo ako sa aking misyon.
Hindi ka nagtagumpay Mound. Ayos lamang iyon pero ibig ko lamang malaman kung bakit at sa papaanobg hindi ka nagtagumpay? Tanong ni Mind. Basa na naman nya utak ko.
Nagtagumpay ako sa paghahanap sa kanya Mind. Pero sa hindi ko malamang kadahilanan ay iba na ang kanyang pagkatao ngayon. Hindi nya na ako kilala at mas lalong hindi nya alam ang tungkol sa mga bagay na alam naman nya. Tugon ko sa kanyang tanong na ipinagtaka nya.
Ibig mo bang ipahiwatig na wala nang maalala si Gravity? Tanong ni Mind.
Mukhang ganun na nga ang aking obserbasyon. Hindi na sya si Gravity na kilala natin. Isa na syang magnanakaw dito sa maynila at ginagamit nya ang kanyang kapangyarihan upang makapagnakaw na alam kong hindi magagawa ni Gravity. Tugon ko sa kanya. Alam ko kasing hindi nya magagawa iyon dahil kahit nung nasa Fantasy World kami ay hindi nya pinahihintulutan sa kanyang nasasakupan na gumawa ng masama dahil ayaw nya sa mga masasamang gawain. Well kaming lahat naman ganun pero kakaiba lang talaga ang pagpapatupad ni Gravity sa kanyang mga nasasakupan.
Kung wala syang maalala, kailangan nating ipaalala sa kanya ang mga nakalimutan nya. Maari kong gamitin ang kakayahan ko upang maibalik ito. Sabi ni Mind. May punto sya roon. Kaya talaga ni Mind na makapag palimot o makapag pabalik ng alaala ng isang nilalang. Ganun sya kalakas na sorsero. Dagdagan mo pa na sya ang pinakadalubhasa sa pambabasa ng isip kahit may kakayahan din kaming ganoon.
Kailangan na nating mahanap si Gravity sa lalong madaling panahon. Dahil kung wala syang maalala, nasa panganib ngayon ang buhay nya at maging ang codex na hawak nya. Suhestiyon ko sa kanya. Pero napailing lamang ito.
Gustuhin kong gawin ngunit alam mong hindi ko maaring iwan si Riddle dito. Kailangan pa natin ng lunas na mula sa bunga ng Eternitree kaya ayaw ko mang banggitin ito ngunit hihintayin ko muna ang lunas bago tayo gumawa ng susunod na hakbang. Malungkot na tugon nito sabay hawak sa palad ni Riddle. Tignan mo Riddle, kung gising ka lang sana ngayon ay makikita mo na sobrang mahal ka ni Mind.. Kahit na bawal.
Naiintindihan ko Mind. Iginagalang ko ang iyong desisyon. Pampalubag loob ko naman sa kanya sabay tapik sa balikat ng aking kaibigan.
Maraming salamat Mound. Pasasalamat nito. Tumango na lang ako bilang tugon.
Gravithief's POV
Hingal na hingal akong lumapag sa lupa. Mabuti na lang at nakatakas ako sa mga pulis at sa isang nilalang na hindi ko alam pero may kakaiba akong naramdaman sa taong iyon.
Inalis ko ang bato upang makapasok ako sa aking pinagtataguan. Pumasok na ako sa bukana ng aking tinuturing na tirahan.
Isa lamang itong underground place na kung saan dito ko inilalagay ang lahat ng aking mga ninanakaw. Dito ko nilalagay ang lahat ng bawat bagay ng makukuha ko sa siyudad ng maynila.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...