RWC 81: Finding Ruby

5 0 0
                                    

Bryce's POV

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita na sya ang tinatawag na Ruby ng astortoise. Siya ang taong nagligtas kay Dianne sa kanyang bugtong na sumpa. Sya pala si Ruby na nangangalaga sa ikalawang codex.

Muli tayong nagkaharap, mga mortal. Walang emosyon na sambit nito sa amin habang tinititigan kami. Nagniningning ang kanyang kimono na suot kahit na gabi na. Ang kanyang laso ay sumasayaw sa ihip ng hangin.

Ikaw ang babaeng nagligtas sa buhay ko kamakailan lang, nais kong magpasalamat sa tulong mo muli sa amin. Panimula ni Dianne. Lumapit pa ito ng konti kay Ruby ngunit agad pumilantik ang laso sa lupa.

Hanggang dyan ka na lamang, hindi mo na kailangan pang lumapit. Hindi na mahalaga kung nailigtas ko ang buhay mo. Tugon nito habang matalas na tumingin kay Dianne. Hindi man ako ang tinititigan pero medyo nanginig din ako doon. Maganda syang nilalang pero nakakatakot ang asta.

Kung ganoon ay nais sana naming kunin ang iyong espada. Sana ay ipaubaya mo sa amin ito dahil ito na lamang ang kailangan upang matapos na ang misyon namin dito sa Riddle World. Tugon naman ni Mark na tila malakas at madiin ang pagkakabigkas.

Alam ko ang inyong misyon simula pa lamang. Napagmasdan ko na rin ang mga laban ninyo magmula sa mga igat hanggang sa twin flowers. Kaya naman ay nakikita ko na talagang may silbi pala kayo sa mga kuwintas na iyan. Turan ni Ruby.

Hindi ko alam kung pinuri nya kami o iniinsulto nya ang aming kakayahan. Hindi ko kasi mabasa ang histura nya kung natutuwa o napipilitan lamang.

Kaya maari nyong kunin ang aking espada.

Salamat Ruby....

Sa isang pagsubok..

Normal lang ba talaga dito sa mundo nila ang maraming tests? Magmula nung makuha namin ang kuwintas ay puro pagsubok na ang aming nagawa para patunayan ang lakas namin.

Ano ang iyong pagsubok Ruby? Sabihin mo at gagawin namin. Walang atubiling tugon ko.

Matapang na desisyon, tignan natin kung tunay kayong malakas. Tugon ni Ruby at nagpakawala ng isang ngisi. Ano kaya ang ibig sabihin nun? Ano kaya klase itong pagsubok?

Ang aking espada ay nasa aking tahanan. Kaya nais kong hanapin nyo ang kinaroroonan ng aking tahanan.

Hala! Seryoso ba sya? Yun lang ang dapat naming gawin? Hindi naman pala ganun kahirap ang pagsubok nya.

Pero matatagpuan nyo lamang ito kapag alam niyo ang mga bugtong ng bawat lugar na dinaanan nyo upang makuha ang mga codex. At doon sa mga bugtong ay kailangan nyong kunin ang mga letra kada sagot upang makabuo kayo ng isang spell na magtuturo sa aking tahanan. Pagbibigay instructions ni Ruby.

What?? Eh paano kaya yun, hindi lahat ng lugar ay nakita namin ang mga bugtong. Umaasa ako na sana alam ng mga kaibigan ko.

Kapag makuha nyo na ang spell, sambitin nyo ito ng tatlong beses sa lugar na mabagal ang daloy ng tubig at doon ay ituturo kayo nito sa aking tahanan na kinalalagyan ng aking espada. Pagpapatuloy nito. May idinagdag pa sya na lugar, anong lugar kaya yung sinabi nyang mabagal ang daloy ng tubig?

Kainis! Minaliit ko pa kasi ang pagsubok. Hindi rin pala sya tulad ng iniisip ko.

Mukhang nagugulumihanan kayo, mukhang nanghihina kayo sa aking pagsubok. Hindi naman pala matibay ang mga mortal. Pambubuska nito sa amin. Agad kong binago ang histura ng aking mukha. Tinanggal ang balisa at lakas loob akong tumingin sa kanya.

Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon