RWC 78: Anyare?

9 0 0
                                    

Mark's POV

Nasisira na ang cascade bubble ko pero pinipilit ko pa ring labanan ang effects ng mga red spores na ito. Nakita ko ang iba kong mga kasama na wala nang malay at nakasalampak na sa lupa.

Tila ba ako na lamang ang natitirang lumalaban pero hindi ko alam kung kaya ko pa ba, napaluhod na din ako at kaunti na lang ay masisira ang bubble ko.

Masyadong malakas ang kapangyarihan ng mga bulaklak at ang mga spore effects nito. Napagtanto ko talaga na kahit ang mga maliliit na bagay ay di dapat maliitin. Ika nga nila, "the smallest things are what matters the most".

Nang mapansin ko na nagliliwanag ang kuwintas ko. Umiilaw ito sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Tinitigan ko lang ito at hinintay kung ano ang susunod na mangyayari.

Ano ang gusto mong sabihin sa akin? Nanghihina kong tanong habang nakamasid sa umiilaw kong kuwintas.

Biglang may lumabas na tubig na anyong jet sa kuwintas at paikot ikot ito sa aking katawan. Tila ba inoobserve ang buong katawan ko. Ano kayang gagawin nito sa akin? Matutulungan nya kaya ako?

Habang umiikot ito ay pansin ko na parang nababawasan ang sakit at bigat ng katawan ko. Tila ba pinapagaling ng jet na ito ang buo kong katawan. Hanggang sa unti unti na akong nakatayo at ang cascade bubble ko ay muling nabuo.

Pagkatapos nitong umikot sa akin ay may naaninag akong mukha doon sa jet ng tubig. Hindi ako sigurado sa histura pero mukhang babae ang histura nito. Lumapit ito sa akin at kinindatan ako nito bago bumalik sa kuwintas. Totoo ba yung nakita ko? Kinindatan nya ako? Haha

Salamat sa tulong mo. Pasasalamat ko sabay hawak ko sa kuwintas. Kung sino man yun ay thankful ako dahil pinalakas nya ako. Ngayon ay kailangan kong tanggalin ang mga spores na patuloy na bumubuga.

Kailangan makapag isip ako ng spell na pwedeng makapag paalis sa mga spores. Naiisip ko sana na hangin ang gamitin pero wala akong kakayahan na kontrolin ito. Kaya susubukan ko ang tubig kung kaya ko sila pawalain.

Aqua Lazer! Gumamit ako ng lazers sa mga kumpol ng spores pero dinaanan lamang nito ang spores. Masyadong maliit ang quantity ng lazers. Siguro dapat mas malaking energy.

Hydro Sphere! Gumamit naman ako ng mga spheres na gawa sa tubig at sinubukan ibato sa mga spores. Nahawi naman ang mga spores pero kaagad din naman bumalik ang kumpol nito. Ayaw talaga nilang madisperse.

Of course!

Hindi pala dapat ang spores ang target ko..

Dapat ang source nito. At yun ang mga red flowers!

Balewala kahit na ma disperse sila dahil patuloy ang mga bulaklak na magbubuga nito.

Kaya ang ginawa ko ay bumuo ako ng liquid energy at tinransform ko ito bilang isang spell.

Bubble Spikes! Mga bubbles ito na biglang nag si litaw mula sa lupa ngunit matatalim ito na parang bato. Nagsilitaw sila mula sa lupa at tinusok lahat ng mga red flowers sa paligid.

Yes! Success! Nagtagumpay ako dahil naputol na ang lahat ng mga flowers na kaagad naman nawalan ng buhay at nalanta.

Magaling, magaling! Narinig ko naman ang isang umaalingawngaw na boses mula sa kung saan sa maze. Basta nag eecho lang ito sa paligid. Pero kilala ko ang boses na ito.

Hindi ako makapaniwala pero nanatili kang may malay. Pinatunayan mo na matatag ka pero hanggang saan?.... Biglang sabi din ng isa pang boses. Hindi ko maintindihan ang kanyang huling sinabi. Natutunugan kong may hindi magandang mangyayari.

Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon