RWC 6: Good Kisser

19 0 0
                                    

Anne's POV

Nakita ko ang pilak na bundok na kung saan na sinasabing tirahan ni Clue. Makintab ito at perfect cone ang shape nito. Para lang syang bulkang Mayon ang histura.

Unti unti ay lumanding na ang mga bubuyog at sa paanan g bundok at teka bakit hindi ko makita si Clue?

Guys nakita nyo ba si Clue? Tanong ko sa kanila.

Hindi Anne, nagtataka rin kami kung bakit wala sya rito. Tugon ni Cedric. Ngunit kasama lamang namin sya kanina.

Sandali bakit walang sakay ang isang bubuyog na iyon? Tanong ni Mark at napalingon kami sa direksyon kung saan itinuro nya ang isang bubuyog na walang sakay. Pero anim lang naman na bubuyog ang sinakyan namin eh. Bakit may isa pa?

Maya maya pa ay nagliwanag ang bubuyog at nagpalit ito ng anyo at naging isang babae.

Clue?? Pero paano? Gulat na tanong naming lahat. Kumunot naman ang noo nito na para bang nagtataka sa aming reaksyon.

Hindi ba't kilala nyo si Master Riddle at alam ninyo ang tungkol sa mahika at kapangyarihan kaya bakit pa kayo nagtataka? Ito ang aking kakayahan, na magpalit ng anyo ng kahit anong uri ng hayop o tao. Sabi nya sa amin. Kami naman ay nagulat. Wow ang amazing naman ng power nya! Lakas maka Pirena at Danaya ng encantadia! Napanganga na lang ang lahat sa tinuran niya.

Mga mortal talaga! Marami pang kailangang matutunan sa mundo ng mahika. Sige na magsipag baba na kayo. Sabi nya ng may halong buntung hininga.

Bumaba na ako mula sa bubuyog at gayundin ang iba. Lumipad na palayo ang mga malalaking bubuyog at kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may ganoong klaseng bubuyog.

May opening sa paanan ng bundok na para bang nag lelead sa isang tunnel papasok. Parang ang dilim sa loob, wala namang flashlight dito para maaninag ang daan.

Gamitin ninyo ang mga glowsticks ninyo upang maaninag ang daan. Nagulat ako sa pahayag ni Clue, paano nya nalamang may glowsticks kami?

Wag ka nang magtaka mortal, ramdam ko ang enerhiya ng mga glowsticks dahil mayroon din ako yan. Sabi nya sa akin na tila ba nababasa ang isip ko. Hayy pustahan tayo may mind reading ability rin sya. Wow!

Ilalabas ko na sana ang glowstick ko pero may humatak sa braso at bigla na lang akong hinalikan sa labi. Ang lambot ng halik nya na tila miss na miss na nya ako. Tinugon ko na lang ito bilang pambawi ko na rin sa pagkakaudlot kanina.

Para yan sa pambibitin ni Clue sa atin kanina. Sorry ah kung di ako nakapag hintay. Miss na talaga kita eh tsaka gusto na talaga kitang halikan. Sabi nya nung naghiwalay na ang aming mga labi at yumuko dahil tila nahihiya. Bakit kaya mahiyain to si Mark pag nag coconfess ng isang bagay? Hindi naman ako magagalit eh tutal miss ko rin naman sya.

Okay lang po yun, ang lambot nga ng lips mo eh. Hahaha. Tawa kong sagot. Napangisi naman syang lumapit ulit sa mukha ko.

Gusto mo isa pa Mako? Gusto mo halikan ulit kita?

Nakuuu Mark! Natetemp akong umoo pero nasa misyon tayo ngayon kaya pass muna ako dyan.

Hindi na muna Mako, mamaya na lang ulit. Baka hinihintay na nila tayo . Sagot ko na ikinalungkot nya. Napangiti na lang ako sa histura ni Mark at pinisil ko na lang ang pisngi nya.

Namumula ka Anne, dahil ba sa halik ni Mark? Buska ni Dianne sa akin. Naasar ako sa sinabi niya pero natawa na lang ako. Eh anong magagawa ko, good kisser talaga si Mark eh.

Anong good kisser? Anong ibig sabihin nun Mortal? Gulat kong sabi ni Clue. Huhuhu nakalimutan ko palang may marunong mag mind reading dito. Tumawa silang lahat sa narinig at si Mark naman ay napangiti ng malapad. Kakahiya tuloy kay Mark!

Ahh wala iyon Clue, salita lamang iyon sa mundo namin. Wag nyo na pong intindihin. Sagot ko na ikinatango na lang niya. Alam kong hindi sya kuntento sa sagot ko pero ipinag kibit balikat na lang nya iyon. Si Mark naman ay may bumulong sa akin.

Good kisser pala ako Anne ah sige mula ngayon hahalikan kita kahit kailan mo gusto. Sweet nyang sabi tapos kumindat pa sa akin.  Asus!! Kinilig man daw ako!

Nilabas na naming lahat ang aming mga glowsticks at nagliwanag ito nung pumasok na kami sa loob ng paanan ng bundok na tila kuweba. Si Mark naman ay hawak hawak ang kamay ko dahil baka maligaw daw ako at ayaw nya raw na mawala daw ako. Hihihihi ang sweet.

Nakakailang hakbang na si Clue nang tumigil sya. Bigla bigla ay nagpalit sya ng anyo ng isang Kutong lupa at kumaripas ng gapang.

Sandali!! Saan ka pupunta Clue?! Bumalik ka rito! Sigaw ni Cedric na umaalingawngaw pa.

Nagtaka naman ako sa kilos nya. Bakit naman nya kami basta basta iiwan dito?

Bryce paano na tayo nyan? Paano natin mahahanap ang daan papunta sa tirahan ni Clue? Tanong ni Xiara sa kanya at sa sobrang takot nito ay napahawak sya sa kamay ni Bryce. Kita ko na ngumiti ng bahagya si Bryce pero sandali lang iyon.

Ang mabuti pa ay dumiretso na lamang muna tayo. Sigurado ako na makakarating tayo doon. Sambit ni Bryce at nagpatuloy na lamang kami.

Makalipas ang isang minuto ay may nakita kaming 4 na daan. May dilaw na daan, may pula na daan, may pilak na daan at may ginto na daan.

Ang daming mga daan! Ano ang pipiliin natin?! Tanong ni Dianne na tila nalilito.

Nag usap usap kaming lahat at bawat isa ay may napiling daan pero sa huli napag desisyonan namin na tahakin ang pulang daan.

Pumasok kami sa loob ng pulang daan pero nagulat kami na maraming mga napakalaking pulang langgam ang sumasalubong sa amin.

Naku ang lalaki nila! Umalis na tayo rito! Suhestiyon ko at kumaripas na kami ng takbo palabas ngunit sa pagtakbo rin namin ay may mga sumasalubong din ng mga langgam. Naku mukhang na corner na kami.

Ang mabuti pa ay gamitin natin ang mga kapangyarihang iginawad ni Riddle sa atin. Suhestiyon ni Bryce

Ngunit masasaktan ang mga langgam, hindi ba natin sila pwedeng mapakiusapan? Tanong ni Xiara.

Wala na tayong pamimiliian, panigurado ako na papatayin nila tayo dahil walang mga mortal dito kaya turing nila sa atin ay kaaway. Kaya kailangan na natin itong gamitin. Actually may punto rin sya doon.

Kaya naman ay kumilos na kami upang gawin ang dapat gawin.

Magic Wing Arise!!









Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon