Mind's POV
Lumitaw kami sa isang restaurant na kung saan ay maraming tao na nasa loob. Bale lumitaw lang kami dito sa isang malawak na espasyo na kung saan may mga nakahintong sasakyan.
Saan na naman kaya kami dinala nito?Saan mo kami dinala Mound? Tanong ni Riddle. Tumingin ako sa kanya pero hindi nya ako pinansin.
Narito tayo sa Mcdonalds Riddle. Panigurado alam mo na ito at dahil alam ko naman at pagod at gutom na kayo ay magpahinga at kumain muna tayo rito. Paliwanag ni Mound.
Sige pero panigurado naman na busog na yan si Mind. Matabang na sabi nito. Napayuko na lang ako sa hiya.
Bakit tila galit ka kay Mind? Ano ba ang ginawa nya? Usisang tanong ni Mound.
Bakit hindi mo sya tanungin? Hayy mauuna na nga ako sa loob. Mag usap kayo dyan, sumunod na lang kayo, gutom na ako. Sambit nya ng mahina pero alam kong may igting ng galit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaluha na ako. Hindi kasi ako sanay sa pakikitungo sa akin ni Riddle.
Ohh Mind, kaibigan, ano ba tila ang nangyari kanina? Tanong nya sa akin habang nakaakbay sya.
Bakit di mo na lang basahin sa isip ko? Di ba't may kakayahan ka naman doon? Ayaw ko na kasing pag usapan ito dahil labag naman sa kalooban ko ang nangyari kanina.
Mind, mas mainam na sabihin mo ito sa akin. Oo kanina ko pa pwedeng basahin ang utak mo pero di ko ginawa dahil mas gusto kong malaman ko mula sa iyong bibig ang mga pangyayari kanina. Paliwanag nito sa akin. Mukhang hindi naman ako titigilan nito kaya ikinuwento ko na lang sa kanya....
Flashback:
Hinalikan nya ako ng sobrang mariin at sa di ko maipaliwanag ay napahalik na rin ako sa kanya. Pero sa di ko rin inaasahan ay nakikita ko sa kanya ang mukha ni Riddle.
Labis kitang minamahal Riddle. Sabi ko pagkalas ng aming halikan. Nagulat sya kaya itinulak nya ako.
Ano?! Sino si Riddle? Hindi ako si Riddle! Si Coreen ang nasa harapan mo! Tila may selos ang kanyang pananalita nang sabihin iyon.
Coreen pasensya na ngunit di kita mahal, si Riddle lang ang tangi kong mahal. Sya lang at wala nang iba. Kaya aalis na ako, hindi dapat ako pumunta rito pero may kung anong pwersa ang nagtutulak sa akin pero ngayon nasa mabuti na akong wisyo kaya paumanhin Coreen. Paliwanag ko sa kanya at patayo na sana ako nang nagmadali syang niyakap ako sa likod.
Pleasee Mind, huwag kang umalis. Huwag mo akong iwan. Mahal din kita Mind. Sagot nya habang umiiyak. Humarap ako sa kanya at tinanggal ang mga braso nya.
Paumanhin Coreen ngunit di kita mahal, si Riddle lang ang tanging diwata na mahal na mahal na mahal ko. Kaya pabayaan mo na ako. Sabay tulak sa kanya ng marahan at umalis upang tumungo sa pinto ngunit naunahan nya ako at sinarado nya ang pinto.
Hindi, hinding hindi kita pakakawalan. Dito ka lang sa akin at matututunan mo rin akong mahalin. Galit nyang sabi sabay sibasib ng halik sa aking labi. Sa ginawa nyang iyon ay tila nanunumbalik na naman ang puwersa na nagtutulak sa akin para halikan sya kaya sa kagutuhan kong pigilan sya ay hindi ko na magawa. Tinulak nya ako pahiga at hinalikan nya akong muli. Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan.
Mind, Mind nariyan ka ba? Katok nito sa pintuan. Nabosesan ko na si Riddle ang kumakatok. Nakiusap ako sa isip nya na itigil nya na ito pero tila may harang ang kanyang isip. Masyadong syang nalamon ng pagnanasa.
Sinumulan nyang hubarin ang saplot ko at hinalik halikan ang dibdib ko pero anumang tanggi at tulak ko sa kanya at sadyang hindi nya ako tinitigilan.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...