Anne's POV
Ano?! Tanong kong muli sa kanyang isipan. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.
Ang sabi ko, mahal kita at gusto kong maging reyna ka ng Owl Wing Forest! Malakas na sabi nya nang buong tatag.
Anne, bakit ganyan ka makatitig kay Owlria?
Biglang tinapik ako ni Bryce at natauhan naman ako.
Wala, namangha lang ako sa kakayahan nya. Mukhang mapapalaban talaga sila. Pagsisinungaling ko. Ayoko munang may makaalam lalo na si Mark dahil baka magalit at magselos ito. Napadako ako kina Mark at nakatayo na sila at gumamit si Xiara ng Aromatic Cloud para makabawi sila ng energy.
Alam ninyo mga mortal, bakit hindi na lamang natin daanin ito sa mas mapayapang paraan. Sabi ni Owlria sa kanila tapos tumingin sa akin ng malamlam. Bakit ba ganito ka tumingin sa akin Owlria? Hindi naman kita gusto eh.
Ano ang ibig mong sabihin? Tanong ni Mark.
Tumalon ito ng mataas at lumipad patungo saakin at biglang hinawakan ang kamay ko.
Nais kong maging kabiyak ang mortal na ito, nais kong maging reyna sya ng Owl Wing Forest. At kung pumayag kayo, pararaanin ko kayo sa aking gubat. Buong tatag na sabi nito sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko habang nakatingin sa kanila. Tapos ay hinatak nya ako papunta sa gitna ng kanilang pinaglalabanan. Kita ko na nagalit si Mark sa tinuran ni Owlria.
Hindi Owlria! Hindi ako papayag na makuha mo ang Mako ko sa akin! Ang mabuti pa, ituloy na natin ang laban. Bitawan mo ang Mako ko ngayon din! Galit na sabi nito. Gumamit sya ng Water Bolt pero itinalsik nya ito gamit ng isang bigwas ng braso. Sinusubukan kong humiwalay sa pagkakahawak namin pero mahigpit talaga ang pagkakahawak nya.
Pakiusap kuwago ko, huwag kang bumitaw. Tama ba ang narinig ko sa kanya?? Malambing ang boses niya. At talagang ginawan nya ako ng endearment.
Bitiwan mo na ako Owlria, hindi kita mahal. Si Mark ang mahal ko, sya ang mahal ko. Pagpapaliwanag ko sa kanya. Lumungkot ang histura nya at kalaunan naging seryoso ito.
Hindi Mortal! Kukunin kita sa kanya. Hindi ka nararapat sa kanya. Ang iyong kagandahan at kabaitan ay nararapat lamang sa isang tulad ko. Sambit nya sa akin ng malakas.
Pero hindi nga kita mahal!! At ayoko sa iyo! Galit ko na ring sabi sa kanya. Bigla bigla ay nagsambit ito ng spell.
Airway!
Ahhhh! Sigaw muli nila at tumilansik na naman sila. Awang awa ako sa kanila lalo na kay Mark dahil kanina pa ito nasasaktan.
Pakiusap Owlria, wag mo na silang saktan. Pagmamakaawa ko sa kanya.
Tanggapin mo na lamang ang alok ko at pinapangako kong walang masasaktan. Sambit ni Owlria na nagsanhi ng pag aagam agam sa akin.
Kung tatanggapin ko ang alok nya, maari nilang maipagpatuloy ang paglalakbay at magiging ligtas na sila. Inaamin ko na malakas talaga ang kapangyarihan ni Owlria at maaring makitil nya ang buhay ng aking mga kaibigan ngunit kapag ginawa ko iyon ay tiyak na maghihiwlay kami ni Mark.
Mako...... Habang nag iisip ako ay narinig ko si Mark na nagsalita habang unti unting tumayo. Lalapit sana ako sa kanya pero niyakap ako ni Owlria sa likod.
Kuwago ko, huwag kang umalis. Pabayaan mo na sya. Ako na lang ang mahalin mo upang maging reyna ko dito sa kagubatan. Buong buhay akong nanirahang mag isa sa gubat na ito at wala akong katuwang sa buhay. Kaya naman nung nakita kita nung pagpunta mo sa gubat ko, nagulat ako at nahulog sa iyo. Kaya pakiusap kuwago ko, ako na lang wag sya. Nagmamakaawa nyang pakiusap sa akin. Lumingon ako kay Mark at kita ko naman na malungkot sya at kita rin sa mata ang selos.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...