RWC 62: Music Master Part 2

9 0 0
                                    

Dianne's POV

Ngayon ay kasalakuyan kong hinihintay ang paglitaw ng title ng kanta na aming huhulaan kung sino ang singer. Kaya lang nagtataka ako kung paano nya alam ang mga kantang ganoon dahil wala naman nun dito at ang mga kantang iyon ay mula pa sa mundo namin.

Hindi nagtagal ay lumitaw ang title..

Truly, Madly, Deeply

Hmmm parang alam ko kung sino kumanta nito. Alam ko lumang kanta pa ito eh. Naririnig ko minsan sa radyo.

Alam nyo ba Dianne at Bryce? Di kasi ako masyadong familiar dyan eh di naman ako masyadong mahilig sa music. Sabi ni Xiara.

Hindi ko masyadong alam yan. Grabe naman si head master, ang hirap agad. Himutok ni Bryce. Mukhang kailangan ko talagang alalahanin iyon. Think Dianne, think!

Ahh! Alam ko na kung sino! Savage Garden! Sagot ko nang biglang pumasok ang savage garden sa isip ko. Hinintay ko naman ang reaksyon ng head master.

Tama. Ngayon ay para sa ikalawang titulo. Tugon naman nito kaya naman natuwa kami. Salamat na lang at naalala ko.

Lumitaw naman ang pangalawang title ng kanta.

Taki Taki

Yesss! Alam ko ang kumanta nyan. Dj snake featuring Ozuna, Cardi B and Selena Gomez! Excited na sabi nya habang umiindak pa. Hindi na ako nagulat na alam nya iyon. Dahil kung hindi nyo na ulit naitatanong ay isang magaling na dancer si Xiara sa school namin at isa yan sa mga sinasayaw nya.

Magaling Xiara, tignan natin sa pangatlong titulo kung masagot nyo pa. Tugon nito kaya muling pinatugtog ang plawta.

Galing mo Xiara! Papuri ni Bryce sa kanya.

Sus! Binola mo pa ako. Nagkataon lang naman na alam ko yung kanta pati yung mga singers. Tugon ni Xiara kay Bryce.

Pero yung nararamdaman ko sigurado akong di lang nagkataon ito. Sabi ni Bryce tas nakita ko kay Bryce ang pagkagulat. Si Xiara naman ay naguluhan. Ako naman ay nagulat din at medyo natatawa dahil nadulas si Bryce sa sinabi nya.

Bryce anong sinasabi mong nararamdaman? Tanong ni Xiara na bakas ang pagkalito.

Ahh ang ibig nyang sabihin yung nararamdaman nyang tuwa dahil nasagot mo nga yung tamang singer. Pagsagot ko kay Xiara upang saluhin ang tanong niya. Napalitan ang pagtataka ng pagkaunawa at biglang tumuon muli sa head master.

Napalingon naman si Bryce sa akin at nagsalita ng thank you pero walang boses. Nag ok sign naman ako sa kanya. Syempre kailangan kong tulungan si Bryce bago pa mabuking ni Xiara na meron ngang pagtingin sa kanya si Bryce.

One Sweet Day

Yan naman ang lumitaw na title ngayon na sa kasamaang palad ay wala akong kaalam alam. Hala sana alam nila!

Di ko alam yan Dianne. Di sya familiar. Sagot ni Bryce sa akin. Si Xiara din ay wala ring idea. Mukhang sirit na kami.

Di namin alam head master. Tumalima naman agad ito pero simabihan kami na icoconsider nyang mali ito sa kadahilanang di nga ito nabigyan ng sagot. Tinanggap namin ito at hinintay ang susunod na title.

Into You

Mukhang di ko rin alam ito. Kayo ba Bryce at Xiara di nyo alam? Tanong ko sa kanilang dalawa ngunit umiling lamang sila. Medyo natuwa ako dahil sabay pa silang umiling at alam kong napansin ni Bryce iyon kaya bakas ang ngiti sa labi. Nako Bryce talaga, natutuwa lagi pag si Xiara ang kasama.

Sirit muli kami. Hindi rin namin alam yan eh. Sagot ko sa kanya. Agad namang nawala ang title na ipinakita nya sa amin at nagpatugtog muli ng plawta. Hindi ba napapagod to sa kakahipan ng plawta? Marami bang hangin sa loob ng baga nya? Tibay ah.

Sweet But Psycho

Wait a minute.. Pamilyar ito sa akin. Narinig ko na ito dati sa youtube eh.

I got it! Ava Max ang kumanta nyan. Biglang turan ni Bryce. Tumugon naman ang head master na tama ang kanyang sagot. Wow! Naunahan nya pa ako ah.

Paano mo alam yun? Tanong ko kay Bryce.

Isa kasi yun sa nagustuhan kong songs kay Ava Max. Isa pa, naging crush ko yun nung Grade 9 tayo. Pagpapaliwanag nya. Ahh kaya naman pala.

Ngayon ay mayroon na kayong 3 tamang sagot at dalawang maling sagot. Dalawa na lamang ang kailangan ninyo upang malagpasan ito. Pagbibigay impormasyon nito saka muling pinatugtog ang flute. Nang matapos ay ito naman ang lumitaw.

Bring Me To Life

Hala shemsss! Alam ko itong kanta pero hindi ko alam ang singer! Kainis naman, alam ko yung kanta pero di ko alam yung singer. Halaa kailangan malaman ko ito.

Dianne alam mo ba? Tanong ni Bryce sa akin.

Alam ko yung kanta pero di ko alam yung kumanta. Hindi ko maisip kung sino. Himutok kong tugon kay Bryce.

Hindi namin alam head master. Tugon ko sa kanya. Agad namang naglaho ang title ang nagsimula syang magpalitaw ng panibago. Sayang naman! Pahirap na sya ng pahirap. Medyo natutuyo na rin mga brain cells ko dahil dito.

Ito naman ang sumunod.

Tagpuan

Moira Dela Torre! Si Moira ang kumanta nyann!! Excited kong tugon sa kanya. Buti naman may lumitaw na alam ko. Kaya meron na kaming apat na points. Isa na lang at matatapos na rin ang ikalawang bahagi.

Isang Linggong Pag- Ibig

Gosh! Isang lumang kanta na naman ang natapat sa amin na saktong hindi ko genre. Hindi kasi ako mahilig kumanta ng mga Old songs. Iilan lang siguro ang alam ko dun. More on modern at pop music ako eh.

Si Jaya ba ang kumanta nyan? Tanong ni Bryce kay head master. Umiling naman ito. Naku! Apat na ang maling sagot namin.

Ay sorry guys. Hindi pala yan kinanta ni Jaya. Wala na bang Pag-ibig pala yung kinanta nya. Nahihiyang sambit ni Bryce habang kumakamot ng ulo. Natawa naman kaming dalawa ni Xiara dahil napagkamalan pang kanta ito ni Jaya.

Tignan natin para sa ika siyam na titulo. Sambit nitk habang lumitaw ang titulo. Di ko namalayan na pang siyam na pala ito. Ang bilis ah.

Mi Gente

Shocks! Iba ang language ng title at hindi ko rin alam kung ano ito. Lilingon pa lang ako sa kanila ng sumagot bigla si Xiara.

J Balvin and Willy William. Tipid na tugon ni Xiara at kahit di ako sigurado kung tama ba yun ay hinintay ko na lang ang magiging reaksyon ng head master.

Magaling.Tumpak ang inyong sagot. Nakapasa kayo sa ikalawang bahagi ng pagsubok. Sambit nito na walang emosyon. Kami naman ay natuwa muli. Yess only one more to go.

Mukhang alam ninyo ang mga musika maging ang mga kumanta nito. Nakakamangha na mayroong mga tao na mahilig sa musika base na rin sa inyong mga sagot. Papuri nito. Hala di naman, slight lang.

Ngayon titignan natin dito sa ikatlong pagsubok kung tunay nga kayong mahusay. Biglang pagbabago nito. Eto na naman ang kaba na bumalik muli sa aking puso at isip.

Please Lord! Sana gabayan nyo po kami at matapos na namin itong pagsubok upang makaalis na kami dito sa Fluditorium


























Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon