Anne's POV
Nagising ako dahil may tilang malambot na breeze na dumampi sa aking mukha. Pagmulat ko ay nakita ko si Owlria na nakangiti, mukhang sya nga ang gumising sa akin. Nagising na rin ang iba ng dahil na rin sa breeze na iyon.
Magandang umaga sa inyong lahat, at nawa bago kayo umalis, inaanyayahan ko na kayo'y dumulog sa aming hapunan ngayon. Paanyaya nya. Hindi naman tumanggi ang lahat dahil gutom na rin lang naman ang lahat. Natuwa naman si Owlria.
Kung ganoon ay sumakay na kayo sa mga kuwagong ito, handa na sila upang kayo'y dalhin sa aming hapag kainan. Sabay turo ni Owlria sa mga kuwago na nasa likod nya. Mga anim na kuwago ang mga iyon at excited ako dahil gusto kong sumakay sa isang pambihirang kuwago.
Owlria pwede bang hindi na lang kami sumakay ni Mako sa iyong mga kuwago, gagamitin ko na lang ang aking kapangyarihan upang dalhin sya sa inyong hapag kainan. Pagkatapos nyang sabihin yun ay agad syang nagtransform.
Oo naman Mark, hindi ko naman kayo pinipilit basta ay manatili lamang kayo sa amin. Sabi ni Owlria. Hayy naku mukhang jealous na naman ang aking gwapong boyfriend kaya ayaw nya akong pasakayin sa kuwago. Ang lahat naman ay nagdesisyon na sumakay sa kuwago.
Isa isa nang nagsilipad ang mga kuwago sa pamumuno ni Owlria at kasunod nila kami nina Mark na buhat buhat ako.
Mako, bakit mo naman naisip to? Ayaw mo bang sumakay tayo sa mga kuwago nya? Mukhang masaya kasi doon eh. Sabi ko ng may halong himutok. Humarap naman sya sa akin na tila malungkot.
Bakit po Mako, hindi ka po ba masaya kapag ako ang nagbubuhat sayo? Ayaw mo po ba akong kasama? Nakapout nitong tanong sa akin. Pinipigilan kong kiligin dahil ang cute nya talaga kapag malungkot sya.
Hindi naman po sa ganoon Mako, ang sa akin lang wala ka naman ng dapat ikaselos sa kanya. Alam na nya ang tungkol sa pagmamahalan natin kaya huwag ka nang matatakot, hindi naman po kita iiwan at ipagpapalit sa kanya. Panunuyo ko. Namula naman ang pisngi ni Mark at hinalikan ako ni Mark sa labi ng sobrang sincere. Hayy ang lambot talaga ng lips ni Mark.
All right, papayagan na kitang sumakay doon basta huwag mo akong ipagpapalit kay Owlria o kahit sino ah. Sabi nya sa akin habang nakatingin sa akin na tila nagmamakaawa na tuta. Umoo naman ako tapos lumipad kami patungo kay Owlria.
Owlria, maari pa bang sumakay ang Mako sa iyong kuwago? Tanong ni Mark. Nagulat sya sa sinabi ni Mark ngunit hindi naman ito tumanggi. Agad nyang inutusan ang kuwago para pumunta sa akin at pinaupo ako ni Mark sa kuwago. Kinilig naman ako sa pag assist nya sa akin at mas kinilig pa ako na hinalikan nya ako sa noo at bumulong ng I Love You Mako sa tenga ko.
Nag enjoy ako habang nakasakay sa kuwagong ito dahil ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Maganda rin ang paligid dahil maraming puno at halaman. Si Mark naman ay napangiti ng makita akong masaya.
Ilang minuto ay bumaba ang lipad ng mga kuwago at nakikita ko na ang kalupaan at mula sa malayo ay may nakikita akong tila malaking bilog na damo at dahon na kumpol kumpol. Ano kaya yun?
Owlria, ano iyong nakikita ko? Tanong ko sabay turo ko sa direksyon kung saan ko nakikita ang malaking bilog ba damo at dahon.
Ahhh iyon ba, doon tayo kakain at magpapakabusog at ganoon din ang mga kuwago. Sagot nya. Na curious tuloy ako kung ano yun. Ano kayang ibig sabihin nya na doon kami kakain?
Maya maya pa ay nakarating na kami sa malaking bilog na gawa sa damo at dahon at para syang dog dish na malaki.. Pagkakita ko ay agad akong namangha dahil marami nang mga nakalagay na mga prutas tulad ng mansanas, ubas, guyabano, saging at marami pang iba. Ang iba ay makinang samantalang ang iba ay pambihira ang laki.

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...