Riddle's POV
Pagkatapos nilang pumasok sa loob ng portal ay agad ding kaming bumaba at sinamahan pa rin kami ng aking mga Riddle Gateways hanggang sa makababa kami ng bundok.
Maraming salamat sa inyong tulong at paghatid sa amin sa paanan sa bundok at panatilihin nyong bantayan ang bundok na ito sa mga masasamang nilalang. Paalala ko at pasasalamat ko na rin sa gagamba at alakdan.
Walang anuman Master Riddle, makakaasa ka na papangalagaan namin ang bundok na ito. Paalam po sa inyo. Sabay nilang sabi sabay kaway ng kanilang mga paa. Agad na rin kaming naglaho sa bundok at pumunta sa isang siyudad.
Narito kami ngayon sa isang lugar na maraming tao at gusali gayundin ay marami ring naninirihan at nagtatatrabaho para sa kanilang mga pamilya. Basa ko sa isip ni Mind ang pagtataka sa lugar na ito ngunit naiintindihan ko dahil hindi pa sya nakakarating dito.
Riddle ano ang lugar na ito at napakaingay? At bakit ang daming tao? Tanong nya sa akin.
Narito tayo Mind sa kung tawagin nila ay Maynila. Marami talagang naninirahan dito at maraming sasakyan dahil dito sila nakakakuha ng trabaho para sa kanilang mga pamilya at dito rin nakikita ang iba't ibang lugar tulad ng mga park, malls at companies. Paliwanag ko sa kanya. Wag na kayong magtaka dahil madalas akong naririto upang mag obserba sa pamumuhay ng mga tao kaya nga ako may bahay sa Bicol dahil doon ako naninirahan kapag nabisita ako rito.
Ganun ba? Dito ba natin sila mahahanap? Tanong nya sa akin.
Maari Mind dahil isa ito sa kilalang lugar dito kaya maaring dito sila nakihalubilo sa mga tao. Pahayag ko. Sa aking palagay ay dito lang sila naninirahan ngunit di pa rin ako sigurado na naandito sila.
Bakit kaya ganyan ang suot nila?
Infairness sobrang pogi nung lalake!
Ang ganda rin nung babae parang prinsesa!
Dinig ko sa kanilang utak ang kanilang saloobin habang dumdaan sila sa harapan namin. Kita ko namang kumunot ang noo ni Mind dahil batid kong nabasa nya rin ito.
Mind ang mabuti pa ay magpalit tayo ng kasuotan para iwas atensyon sa mga mortal. Suhestiyon ko kay Mind na sinang ayunan naman nya at hinatak ko na sya roon dahil talagang pinagtitinginan na kami roon.
Hinatak ko sya at dinala ko sya sa isang Mall na kung saan ay manghang mangha sya sa mga nakita. Tutal maganda naman talaga dito. Hayy tapos sumakto pa yung tugtog ng Mall.
Mahal kong Maynila!, Sayo'y hindi mawawalay!
Kung ako man din ay isang mortal ay ayaw kong mawalay sa Maynila. Dahil sadyang kay ganda rito. Pero hindi eh isa akong Master Sorcerer sa Fantasy World.
Ahh Riddle anong gagawin natin dito? Huwag muna tayong mamasyal rito dahil nasa misyon tayo ngayon. Kailangan natin mahanap si Mound at Gravity. Sabi ni Mind. Nabulabog naman ako sa aking pagmumuni muni.
Hindi Mind, pumunta lamang tayo rito para mamili ng mga damit dahil magtataka ang mga tao kapag ganito ang suot natin. Tugon ko.
Kung gayon ay halika na at nang makapamili ng damit. Sabi ni Mind sabay hawak sa kamay ko. Napalunok ako ng ginawa nya iyon. Ni minsan kasi ay hindi nya ginawa sa akin yun. Bigla namang natauhan si Mind at binitawan nya ang pagkakahawak sa kamay ko.
Pasensya na Riddle nabigla lamang ako. Paumanhin. Sabi nito sabay yuko. Pero bakit ganun? May naramdaman akong kakaiba nung hinawakan nya yung kamay ko? Ayy ano ba itong pinag iisip ko mabuti pa ay ituon ko na lamang ang aking isip sa dapat naming puntahan.
Inakay ko na sya papunta sa isang Department store. Kita ko na naman na sobrang mangha na naman si Mind sa dami ng damit at kasuotan sa loob. Mukhang mapapadalas na ang pagpunta ni Mind dito ah hahahaha.
Agad naman kaming pinagtinginan ng mga tao rito lalo na ang mga babae kay Mind. Panigurado ako na naguguwapuhan sila kay Mind. Sa bagay, gwapo naman na talaga sya matagal na hahahaha.
Riddle naiilang ako kapag pinagtitinginan nila tayo. Parang matutunaw na tayo kapag tinititigan nila tayo. Parang naiiritang sabi ni Mind. Hahahaha ayaw nya kasi na pinagtitinginan sya kaya masanay na kayo.
Hayaan mo kapag nakabili na tayo ng mga damit ay hindi ka na nila pagtitinginan. Tsaka ayaw mo ba na tinitingnan ka nila? Sabi ko habang natawa.
Ayoko. Gusto ko ikaw lang tumingin sa akin.
Ha? Parang may sinabi kasi si Mind pero hindi ko naintindhan dahil ang bilis eh.
Wala halika ka na mamili na tayo ng damit. Sabi nito. Ayy hayaan nyo nga sya.
Tumigil kami sa isang puwesto na may pangalan ng Lacoste. Gusto daw nya kasi yung mga klase ng damit dito. Kaya naman ay tinawag ko ang babae na kung tawagin nila ay saleslady at nagulat sya nung nakita kami at biglang namula naman ang mukha nung makita si Mind. Anyare sa kanya?!
Sir, Maam saan po kayo nanggaling at ganyan po ang mga suot ninyo? Tanong ng saleslady.
Sa Fantasy World mortal, kaya ikuha mo na kami ng mga damit. Sabi nito na tila seryoso. Nagulat naman ang babae sa narinig kaya natulala ito.
Ahhh ang ibig sabihin nya ay ikuha mo na kami ng damit para sa aming dalawa. Gayundin sa pantalon. Sabi ko. Natauhan naman ang babae kaya kinuha nya kami ng dalawa ng damit at pantalon. Kinuha namin ito ni Mind pero ang sunod na ginawa ni Mind ay ikinagulat ko.
Isang pitik lang ni Mind ay nakapag palit agad ito ng damit. At syempre nagulat ang babae sa nasaksihan. Maging ako rin ay nagulat.
Ahhh sir! Ano pong nangyaarrii? Bakiit aang biliss nyyo po suotin yan? Nakuuu. Sa takot nya ay napatakbo ito pero kinontrol ito ni Mind. Lalo tuloy natakot ang babae. Naawa tuloy ako pero kailangan hindi nya maipagkalat ang nakita nya kaya binura ko ang kanyang alaala mula kanina. At habang nahimatay ito ay sinamantala ko na upang gamitin ang mahika sa pagpapalit ng damit. Ilang segundo ay nagising rin sya.
Sir, maam, kumusta po? Yan na po ba ang bibilhin ninyo? Tanong nya sa amn na tila walang nangyari.
Oo heto na nga. Salamat. Sabi ko sabay hatak kay Mind at tningnan ko sya ng masama. Bigla naman itong yumuko na parang bata. Nakuu Mind muntikan na tayo roon!
Nagbayad na kami sa counter gamit ang perang gawa sa mahika at dumiretso kami sa loob ng isang fitting room at naglaho kami.
Lumitaw kami sa isang parke na kung tawagin ay Luneta. Palubog na ang araw nang lumitaw kami rito. Umupo kami upang magpahinga pero galit pa din ako kay Mind.
Riddle pasensya na hindi ko sinasadya na gamitin ang mahika ko. Patawad hindi ko na uulitin. Paghingi nya ng tawad.
Alam mo bang muntikan na tayo roon!? Paano na lang kapag nalaman ng mortal na iyon na mga sorsero tayo? E di mapapagkamalan pa nila tayong masasamang elemento. Mind mag ingat ka sa paggamit ng mahika. Hindi ito ang mundo natin kaya kailangan nating mag ingat. Malakas kong sabi pero mahinahon lang. Pagkatapos ay tumalikod ako pero nagulat ako ng bigla nya akong hinarap sa kanya at nakatitig ang mga mata nya sa akin. Ang mata ni Mind ay parang tulad sa tuta na nagmamakaawa
Pasensya na talaga Riddle, hindi na talaga mauulit. Patawarin mo na ako. Sige na Riddle ohh. Sabi nito ng sensero habang nakahawak sa braso ko. Bakit naman ganito tumitig to? Parang may ibig sabihin
Sige na sige na pinapatawad na kita. Kaya bumitiw ka na. Sabi ko at sumunod naman sya agad at ngumiti na ito. Talagang napakakisig ni Mind pag nakangiti. Ayy jusko! Ano ba itong naiisip ko?!
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...