Xiara's POV
Malayo pa ba Xiara? Tanong ni Dianne sa akin habang tangan ko sya sapagkat hindi pa nya nakukuha ang kanyang kapangyarihan kaya wala pa syang mga pakpak.
Sa tingin ko ay malapit na, ngunit napapagod na ako. Mukhang kailangan muna nating magpahinga. Hingal kong sabi sa kanya.
Tumigil muna tayo sandali at ipabuhat mo na lang ako kay Bryce. Panigurado di naman tatanggi yun sa iyo. Sabi nya ngunit tila may kahulugan.
Anong ibig mong sabihin Dianne? Usisa ko sa kanya habang tumigil ako sa paglipad at ibinababa sya.
Wala Xiara, mabuti pa ay pakiusapan mo na si Bryce upang sya naman ang bumuhat sa akin. Tugon lamang nito habang nakangiti lamang sa akin. Napailing na lang ako.
Oh bakit tayo tumigil? Nandito na ba ang sinasabi ng mga halaman na buhawi na kumuha sa ating mapa? Tanong ni Bryce pagkalapag nya sa lupa.
Hindi pa, kaunting layo pa pero napapagod na kasi akong buhatin si Dianne kaya lumapag muna ako saglit upang makapag pahinga. Medyo hingal na sabi ko.
Wag kang mag alala, akong bahala sayo. Sparkflame! Naglabas sya ng isang maliit na piraso ng apoy sa kanyang palad at pinapunta ni Bryce ito sa akin. Kinuha ko naman ito gamit ang dalawang palad at agad akong nakaramdam ng kakaibang init.
Tila ba ang init ay dumaloy sa aking buong katawan na kalaunan ay naglaho rin na para bang naabsorb ko.
Ano ang binigay mo sa kanya Bryce? Tanong naman ni Dianne.
Ang ibinigay ko sa kanya ay Sparkflame. May kakayahan ako na magbigay ng lakas sa iba pa bang may nilalang. Naipapanumbalik ko sa pamamagitan ng apoy ang kanilang lakas at ulirat kaya naman sa palagay ko ay nawala na ang pagod ni Xiara. Pag imporma nya. Mukhang ang lahat nang sinabi nya ay totoo dahil nanumbalik ang lakas ko at nawala na rin ang pagkahingal ko.
Maraming salamat Bryce sa tulong mo. Pasasalamat ko. Si Bryce naman ay tila natulala sa aking sinabi at kung hindi sya siniko ni Dianne ay baka nanatili sya ganoong estado.
Ahh walang anuman Xiara. Basta nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong. Sagot nito sa akin. Kita kong malapad ang kanyang ngiti. Grabe naman ang reaksyon ni Bryce, parang sa sinabi ko daig pa nya ang nakaperfect sa exam sa tuwa.
Marri bang ikaw na muna ang bumuhat kay Dianne? Pakiusap ko sa kanya
Oo naman Xiara para na rin di ka mapagod. Di ko na nais na ika'y mapagod pang muli. Pagtanggap sa pakiusap ko sa kanya. Grabe naman sumagot toh, nakiusap lang ako binola pa ako. May naalala ako tuloy....
Xiara okay ka lang? Tila natigilan ka. May bumabagabag ba sa iyo? Namalayan ko na lang na hawak ni Bryce ang balikat ko. Hindi ko alam na natulala pala ako. Sa gulat ko ay bigla kong tinanggal ang kamay ni Bryce sa balikat ko.
Okay lang ako Bryce, mabuti pa ay puntahan na natin ang buhawi. Ngayon din! Medyo matapang kong sabi sa kanya at agad na lumipad. Hindi ko rin alam kung bakit ako umasta nang ganoon sa kanya kahit alam kong wala syang intensyon na ipaalala ang nakaraan ko. Napabuntung hininga na lang ako.
I stiil miss you Francis.. Sabi ko pero pinipigilan ko ang sarili na huwag umiyak dahil may mas mahalaga kaming gagawin ngayon.
Ginamit ko ang aking kakayahan upang kausapin ang mga halaman upang ituro sa amin ang direksyon. Hinahawakan ko ang dalawang temple ng aking ulo upang makausap ang kalikasan.
Lumalakas ang energy. Malapit na tayo sa buhawi. Sabi ko ng malakas. Hindi ko alam kung narinig nila dahil hindi ako nakatingin sa likod. Hindi ko pa silang kayang harapin dahil medyo na guilty ako sa ginawa ko kay Bryce.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantastikNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...