RWC 70: The Weakness Of Their Strength

10 0 0
                                    

Xiara's POV

Ivy Wrap!

Golden Shower Power!

Magical Vine Wrap!

Kanina pa ako nagsasambit ng aking mga spells at sinubukan tamaan ang kanilang mga nagliliwanag na mata, mga mahahaba nilang dila at ang kanilang mga katawan. Pero dumadami talaga sila at ngayon ay sa tingin ko ay parang 1000 na palaka ang aking mga kalaban.

Croakkk!!!!!! Croakkk!!!!! Naglabas ang 1000 na palaka ng kanilang sonic waves at sa dami nila ay agad nila akong napatalsik.

Ahhh!! Tumapon ako sa dingding ng Fluditorium at dahil sa impact ay hindi agad ako nakatayo. Agad naman tumakbo si Bryce, Dianne, Head master at ang kanyang mga alagad.

Xiara!! Sigaw ni Bryce at agad akong inalalayan nila patayo. Medyo nanghihina pa rin ako kahit nakatayo ako.

Ayos lang ako. Salamat sa tulong ninyo. Tugon ko upang matakpan ang aking panghihina.

Malalakas ang mga palaka. Paano kaya natin sila mapupuksa? Tanong ni Dianne. Kita ko sa mukha nya ang pangamba. Kahit ako rin naman ay natatakot pero kailangan kong magpakatatag.

Kapag nagpatuloy pa ang pagkilos ng mga palaka, maaring masira nila ang aking tahanan. Turan ni Head master sa amin. Kita ko na tumatalon ang mga palaka papunta sa amin. Panigurado na aatake muli ito.

Head master, mayroon pa ba kayong ibang sandata na maari naming gamitin laban sa kanila? Paghingi ng tulong ni Bryce. Tumigil sandali ang kanyang pagkurap ng mata na tila ba may iniisip.

Wala na akong ibang mga sandata dahil ang mga notes lamang ang nagtataglay ng kapangyarihan at depensa sa aking tahanan. Tugon nito sa amin na walang ekspresyon sabay tingin sa mga palaka. Hindi ko alam pero parang may tinatago sya.

Naghanda na naman ang kanilang mga dila sa paghampas sa akin. Agad kaming lumipad ni Bryce upang umiwas samantalang sina Dianne at Head master ay pinrotektahan ng mga eight notes.

Nang mapansin na wala kami doon ay agad silang napatingin kung nasaan ako kaya agad nilang ginamit ang kanilang boses laban sa akin.

Croakkkkk!!!!!

Xiara umilag ka! Agad naman akong umilag at sa kabutihang palad ay di namin natikman ang malakas na impact na yun. Kaya ang kanilang sonic waves ay tumama sa hagdan.

Ang hagdan ay tila nagbigay ng malakas na ingay ng halo halong instrumento na napakaganda pakinggan pero napansin ko na biglang nagsi kokak ng malakas ang mga palaka na tila ba sumasakit ang kanilang mga katawan sa narinig.

Kung ganon ay nalaman ko na rin sa wakas ang kanilang kahinaan!

Bryce, alam ko na kung ano ang kanilang kahinaan. Kailangan lang natin ng musika. Harmonious melody ba, ito lang ang tanging paraan para mapuksa ko sila. Pag imporma ko kay Bryce na tila ba natuwa sa kanyang narinig.

Kung ganoon sabihin mo lang kung anong plano, gagawin ko para sayo. Turan nito sa akin na nakangiti. Nakakaloko yung ngiti nya na palaging may ibig sabihin. May crush ata toh sa akin. Ay nako Xiara! Mag focus!

Nais kong palibutan mo sila ng apoy Bryce. Yung hindi sila makakatalon pero dapat ay naririnig pa rin nila ang mga musika mula sa hagdan. Sabi ko sa kanya.  Tumango naman ito bilang pag sang ayon.

Kung ganoon ay gawin na natin. Agad na tumalima si Bryce upang gawin ang aking plano.

Circle of Flames! Biglang napalibutan ang mga palaka na mga apoy na tila ba nasa loob sila ng isang fire ring. Agad naman akong pumunta sa harapan nila upang gawin ang aking balak.

Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon