RWC 47: Gravitational Force

12 0 0
                                    

Mound's POV

Lumitaw ako ngayon dito sa kamaynilaan kung saan maraming tao pa rin ang nakapaligid kahit dapit hapon na. Marami ang nag lalakwatsa o di naman kaya ay kasalukuyang nagtatatrabaho pa rin.

Paano ko kaya mahahanap si Gravity sa dami nang tao rito? Tanong ko sa aking sarili. Sa dami nang tao na naririto ay hindi ko mawari kung paano ko malalaman ang wangis ni Gravity. Sa dami ba naman ng tao na naririto malalaman ko ba kaagad kung nasaan si Gravity.

Naglakad lakad ako sa paligid upang makapg isip isip kung paano ko mahahanap si Gravity. Nung panahon kasi na kami ay inutusan ni Master Riddle na magtungo rito sa mundo ng mga tao ay napagkasunduan namin ni Gravity na maghiwalay ng landas upang mahirapan si Shadow na matunton kami rito kung sakali at iyon na nga ang nangyari.

Aha! May naisip na akong paraan! Biglang may pumasok na ideya sa aking isipan upang matunton ang kinalalagyan ni Gravity. Sinimulan kong hawakan ang lupa at nagsambit ng mga katagang:

Kaibigang Lupa, pakinggan ang aking hiling. Nais kong ituro mo sa akin ang enerhiya ng kinaroroonan ngayon ng aking kaibigang si Gravity.

Sinabi ko na ang mga katagang iyon pero wala namang nangyari. Inulit ko ulit ang aking engkantasyon:

Kaibigang Lupa, pakinggan ang aking hiling. Nais kong ituro mo sa akin ang enerhiya ng kinaroroonan ngayon ng aking kaibigang si Gravity. Pag ulit ko ngunit tila wala ding nangyari. Pinagtitinginan na nga ako ng ibang tao at nababasa ko sa isip nila na pinagkakamalan nila akong baliw at tila wala sa sariling pag iisip.

Ipinagkibit balikat ko na lamang ito dahil wala namang mangyayari kung magpapaliwanag ako. Di nila kami maiintindihan dahil iba kami sa kanila. At least mas guwapo ako kaysa sa mga kalalakihan dito haahahahaha

Tulong! Tulungan ninyo ako!! Saklolo!!

Nagulat na lang ako nang makarinig ako ng malakas na sigaw. Paglingon ko ay may nakita akong isang babaeng naka cap at shades na may hawak na Chanel na bag at tumatakbong palayo na halo mabunggo ako. Kasunod naman niya ang 3 pulis na humahabol sa kanya at sa huli ay nakita ko ang isang ginang na humahangos at pilit na hinahabol din ang snatcher. Pinatigil ko muna ito sa pagtakbo at kinausap.

Miss ano ho ang problema? Tanong ko sa ginang. Di kaagad sya nakasagot dahil sa pagkakahingal nya kaya agad ko syang pinakalma.

Calmaxadus. Isang relaxing and calm spell na aking ipinataw sa kanyang mga balikat upang dumaloy ang spell sa buong katawan niya.

Ano ang sinabi mo? Tila kumalma yata ako at nawala ang pagod ko. Takang tamong ng ginang.

Ang sabi ko ho ay kumalma muna kayo. Ano po ba tila ang nangyari at nanakawan po kayo? Tanong kong muli sa ginang.

Ninakawan ako ng magnanakaw ma kung tawagin nila ay si The Gravithief. Namangha ako at nagtaka at the same time sa sinabi ng ginang sa akin.

Sino po itong Gravithief at bakit po ganun ang bansag sa kanya? Takang tanong ko.

Kilala syang magnanakaw dito sa Maynila. Mabilis ang galaw ng babaeng ito at walang anumang bagay ni Gravithief na nakukuha nito na nakakabalik pa sa may ari.
Pagsasaad nito. Grabe namang itong magnanakaw na ito. Parang trained sya kung ganoon.

Ngunit wala pa bang nakahuhuli sa kanya? Patuloy kong usisa sa kanya. Medyo nacucurious kasi ako sa Gravithief na ito na hindi ko din malaman ang kadahilanan.

Hindi sya mahuli huli ng awtoridad dahil na rin sa di naming maipaliwanag na kakayahan niya. Nakakaya nyang kontrolin ang galaw ng tao sa kung anumang kilos o galaw na nais nya. Kaya naman ay mabilis syang makatakas dahil nga sa pambihira niyang abilidad. Patuloy ng ginang.

Kung gayon ay hayaan kong tulungan kayo. Ibabalik ko ang inyong bag na ninakaw nya. Pangako. Hindi ko na hinintay ang kasagutan niya at humangos na tumakbo dahil isa lang ang kilala kong may ganoong kakayahan. At iyon ay si Gravity, kaya siguro sya nabansagang Gravithief dahil nga sa husay nyang kontrolin ang Gravity.

Sa pagkakataong ito muli kong hinawakang lupa at sinabing:

Kaibigang Lupa, dinggin ang aking utos. Ituro mo sa akin kung saan nagtungo ang mga pulis upang hanapin ang sinasabi nilang Gravithief. Pinakiusapan kong muli ang lupa at sa pagkakataong ito ay ako'y kanyang pinagbigyan at nakita ko na lumikha ito ng tila umaandar na cracks sa lupa na mabilis na tinuturo ang direksyon sa akin. Humahangos naman ako na tumakbo sa direksyon na tinutungo ng Crack.

Dumaan ang crack palayo sa mga buildings at mga malalawak na kalsada at di naglaon ay dinadala ako sa mga lumang daan at masusukal na eskinita. Hanggang sa tumigil ang enerhiya bago lumiko sa isa pang eskinita.

Mukhang ito na yata ang hangganan ng daan. Malamang ay naririto na sila. Agad kong pinaglaho ang aking sarili at tinungo ang eskinita. Pagliko ko ay agad kong nakita ang mga pulis at ang babaeng magnanakaw naman ay tila na dead end na sa batong pader.

Ngayon wala ka nang matatakasan Gravithief. Sumuko ka na at ibalik mo na ang bag na iyan maging ang mga iba mong ninakaw. Diretsong sabi ng pinuno nila. Mula sa pagkakatalikod ay humarap ito sa mga pulis. Nagpakawala ito ng isang makahulugang ngisi.

Hmmp sa tingin mo ba na mahuhuli ninyo ako? Kayang kaya ko kayong daigin sa pamamagitan lamang nito. Haaa!

Iwinasiwas nya lang ang kanyang kamay at biglang nabitawan ng tatlong pulis ang kanilang mga baril. Tila natakot naman ang mga pulis at nagtangkang umalis ngunit ginamit ng babae ang dalawang kamay nito ay napalutang nya ang mga pulis.

Ahhh!! Pakawalan mo kami! Halos sabay sabay na sigaw ng mga pulis ngunit tila ako lamang ang nakakarinig sa kanila. At hindi naman nila ako makita dahil nasa estado ako ng paglalaho.

Ngayon naduduwag na kayo. Kay lalakas kasi ng mga loob. Wala pa kayong binatbat sa aking kapangyarihan. Ngayon ay kailangang tapusin ang nasimulan. Haaa! Bigla nyang inumustra pababa ang kanyang kamay at bumagsak silang lahat sa lupa ngunit may pwersa kaya naman nawasak ang kanilang binagsakan.

Mukhang kailangan ko nang makialam lalo pa't malubha na ang kanyang nagawa. Agad na akong lumitaw mula sa aking paglalaho at hinarap sya.

Sino ka?? Paano mo nagawang lumitaw?? Takang tanong nito.

Hindi mo ba ako nakikilala Gravity? Ako si Mound. Magkaibigan tayo Gravity kasama na sina Mind at Riddle. Bakit mo ba ginagawa ang magnakaw ang gamitin ang taglay mong kapangyarihan sa masama? Naguguluhang tanong sa kanya. Hindi ko kasi mawari sa aking isipan kung bakit nya kailangang ginagawa ito. Kumunot naman ang noo nito na tila hindi alam ang aking sinasabi.

Hindi ko alam ang sinasabi mo dahil hindi kita kaibigan at kung sino man ang sinasabi mong Mind at Riddle ba yon ahh basta. Hindi kita kilala at isa pa wala kang pakialam kung bakit kailangan kong gawin ito. Kaya dyan ka na! Sabi nya ay akmang tatakas na pero pinigilan ko sya gamit ang isang spell.



Sand Tornado! Mula sa kinatutungtungan nya ay bigla syang napalibutan ng mga buhangin na paikiot ang direksyon at nakulong sya sa loob. Tinangka nya pang dumaan dito ngunit inihahagis lang sya nito.



Ahh!! Pakawalan mo ako dito! Impit nitong sigaw mula sa pagkakahagis sa kanya.


Hindi Gravity, bumalik ka na sa amin. Kailangan ka namin, kailangan ka ng ating mundo. Patuloy kong pagsambit sa kanya. Ngunit tila lalo lang itong nainis.



Hindi nga sabi kita kilala!! Wala akong alam ukol sa iyo kaya pwede ba pakawlaan mo na ako! Patuloy na pagtanggi nito na para bang hindi nya talaga ako kilala. Pero imposible talaga na hindi nya alam ang ukol roon.



Kung ayaw mo akong pakawalan, ako ang magpapakawala sa sarili ko! Haaa! Biglang nyang hinampas ang mga palad nito sa lupa at di naglaon ay may kumawala na isang malakas ng wave energy at tumilapon ako at naglaho na rin ang Sand Tornado na nakakulong sa kanya kanina. Dahil sa impact ay agad akong nawalan ng malay.



































Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon