RWC 20: When The Night Has Come

9 0 0
                                    

Cedric's POV

Nagtataka pa rin ako kung saan galing ang mga asong iyon na nabuo mula sa isang bugtong at kung bakit may umalis na parang negative energy sa aking katawan at may lumitaw na number 11 sa harapan ko.

Huwag mo na munang masyadong isipin yun, ang mahalaga ligtas ka na. Sabi sa akin ni Dianne na ikinagulat ko na nasa likod ko pala. Napangiti na lang ako sa kanya.

Tignan nyo guys! Malapit nang lumubog ang araw. Tiyak na malapit na nating malagpasan ang Owl Wing Forest. Bulalas ni Anne. Napatingin naman ako sa langit at nakita ko na malapit na lumubog ang araw. Tantya ko mga alas sais na ng gabi. Hindi magtatagal ay maari nang bumukas ang Owl Wing Forest.

Maghintay lamang tayo, magpahinga muna kayo upang makabawi kayo ng lakas mamaya. Suhestiyon ni Bryce sa amin. Pumayag naman kami at naupo kami sa mga damo. Ibang klase ang mga damo rito sa Riddle World. Sobrang lambot at hindi matinik o makati kaya naman masarap upuan.

Habang nakaupo kami ay iniisip ko pa rin kung saan galing ang mga aso kanina, dahil kakaiba talaga sila sa mga asong nakita ko. At isa pa bakit ako lamang ang target nila?

Mark's POV

Mako, gising na, gabi na at kailangan na nating pumunta sa Owl Wing Forest. Pagtapik ko sa mukha niya para magising sya.

Nakatulog kasi si Anne sa bisig ko na syang ikinatuwa ko naman. Ang sarap kaya sa feeling kapag nakahiga yung taong mahal mo sa bisig mo. Ang sweet.

Hmmmm ayy Mark! Nakatulog pala ako sayo, sorry ah. Pagsosorry niya sa akin.

Naku okay lang yun Mako, mahal ko naman yung nakatulog sa akin kaya okay lang. Buti nga nakatulog ka sa akin. Pagtugon ko na may halong pacute. Nakita ko naman na namula agad sya at bumalik sa pagkakasandal sa akin. Natawa naman ako at inangat ko ang ulo nya.

Bakit ka naman umiwas ng tingin sa akin? Tanong ko.

Eh kasi ayokong makita mo na kinikilig ako eh, kakahiya. Sabi niya tapos yumuko sya. Ngumiti lang ako at inangat ko ulit ang ulo nya at this time, hinalikan ko na sya sa labi.

Mako its okay kung kinikilig ka sa akin. Di mo naman po kailangang mahiya. Gusto ko nga na kinikilig ka lang sa akin kaysa naman kikiligin ka sa iba, malulungkot ako pag ganoon. Kaya don't be ashamed, gusto ko lang maging masaya ka. Tugon ko pagkahiwalay ng aming mga labi. Ngumiti na rin ito at niyakap ako at this time mukhang ako naman ang kinilig.

Tumayo na kaming dalawa at sama sama kaming naglakbay sa madilim na daan. Buti na lang at gumawa si Cedric ng mga flashlights at binigyan nya kami isa isa kaya naman nakikita rin namin ang daan.

Maya maya pa ay tumambad na sa amin ang Owl Wing Forest. Sinubukang pumasok ni Bryce at hindi na sya inihagis ng pananggalang, mukhang nagsasabi ng totoo ang nilalang kanina kung ano man sya.

Kung gayon ay simulan na natin na pumasok sa gubat na ito. Sabi ni Bryce kaya naman ay pumasok na kami agad.

Naglakad na kami papasok sa gubat at ang gubat na ito ay parang ordinaryong gubat lamang. May mga puno, damo, baging at iba pa. Pero nasaan ang mga kuwago?

Kroooo Krooooo

Nakarinig kami ng isang huni ng ibon at natakot naman ang ilan sa amin. Si Anne naman ay napakapit sa akin kaya hinalikan ko sya agad sa noo para mawala ang takot nya. Awww ang sweet ko talagang boyfriend hahaha.

Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa...

Ahhhhh! Sigaw ni Dianne kaya napalingon kaming lahat at nakita namin na may dumagit sa kanyang isang di pangkaraniwang laki ng kuwago at kulay kayumanggi ito. Matatalas ang kuko sa paa.

Dianne hindi! Ililigtas kita, Magic Wing Arise! Sigaw ni Cedric sabay transform at lumipad agad palayo at bago tuluyang makalipad ay sinabihan kami na magpatuloy na at susunod na lang daw sila. Gusto sana naming tumulong kaso sinabi ni Bryce na ituloy ang paglalakad at maging handa na lamang. At isa pa raw, kaya ni Cedric ang kanyang sarili dahil sa kapangyarihang taglay.

Nagpatuloy na nga ulit sa paglalakad ngunit mapagmasid dahil anumang oras ay may maaring dumagit ulit sa amin na kuwago kaya naman ay todo akbay ako kay Anne.

Selos ako sa mga kuwagong iyon Mako, ayokong makuha ka nila sa akin. Kasi your heart is already mine na. Paliwanag ko at kahit madilim ay kita kong kinilig sya. Kiligin ka lang Mako para mas lalo akong mainlove sa yo.



Krooo Krooo



Bigla kaming naging alerto sa paligid, narinig na namin ang tunog na iyon. Malamang ay may Kuwago na naman dito na maaring dumagit sa akin o kanino man.




Ahhhh! Rinig kong sigaw ni Bryce kaya naman agad na nagtransform si Xiara at lumipad sya upang sundan si Bryce. Wala naman akong magawa dahil ayokong iwan ang Mako ko at sinabi rin ni Xiara na ipagpatuloy na namin ang paglalakad.




Mark paano kapag kinuha nila ako o kunin ka nila sa akin? Wala pa akong kapangyarihan. Alalang tanong niya. Shems! Ayokong nakikitang nalulungkot sya.



Mako hinding hindi ka nila makukuha sa akin at lalong hindi nila ako makukuha sayo dahil sayong sayo lang ako. Sabi ko sa kanya pero binatukan nya lang ako.


Aray! Sakit naman po nun. Pacute kong sambit sa kanya. Bakit naman nya ako binatukan?



Ng Kuwago kasi Mark. Ikaw kung ano ano ang pinagsasabi mo. Nag aalala lang ako lalo eh. Sabi nya kahit medyo kinikilig sya.


Aww akala ko kikiligin ka doon. Sorry na Mahal ko. Paumanhin ko sa kanya. Naging panatag naman ang histura nya at pinagpatuloy namin ang paglalakad.



Krooo Krooo.



Narinig naming dalawa ang tunog na iyon. Malamang ay nasa paligid lamang namin ito. Kaya naman nagtransform na ako kaagad dahil anumang oras ay baka dagitin niya ako o ang Mako ko.



Pagtaas ni Mako ng flashlight sa itaas ay nakita nya ang kuwago na papalapit sa kanya. Agad ko namang nakita iyon kaya naman nagsambit ako ng isang spell.



Water Bolt!


Air Slash! Sambit nung kuwago at ikinampay nya ang kanyang pakpak at may lumabas na Razor na bilog na gawa sa hangin at nahiwa nito ang water bolt ko. Ang lakas ng Air Slash!



Ngunit may mga air slash pa pala na tatlo at natamaan kaming dalawa.


Ahhhh! Tumilapon kaming dalawa at hindi ako agad nakatayo dahil sa lakas nito. Pero nakita ko na dinagit nito si Anne at sinisigaw nito ang pangalan ko kaya agad akong tumayo ng paika ika at lumipad ng ubod bilis para maabutan ang mahal ko.































Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon