Bryce's POV
Nakalabas na kami sa Emerald Cave at natutuwa talaga ako ngayon dahil wagi kami sa aming unang misyon. Mahirap ang mga pinagdaanan namin ngunit worth it naman dahil nakuha namin ang aming mga kapangyarihan at ang Emerald Cape.
Bryce salamat sa iyong tulong. Kung hindi dahil sayo, baka hindi natin ang hawak ang codex na yan. Pasasalamat ni Cedric.
Walang anuman Cedric, pasalamatan din natin ang dragon flame dahil ito ang nagbigay sa akin ng lakas upang malabanan si Shaldem. Tugon ko naman habang hawak ko ang kahel na kuwintas. Kumislap naman ito na tila tugon nito sa aking pasasalamat.
Ngayon ay alamin na natin kung paano naman makukuha ang isa pang codex, ang Ruby Sword. Kaya naman ay nilabas ko na ang aking mapa at tinanong ko ito kung saan namin makukuha ang Ruby Sword.
Ngunit sa kasamaang palad bago ito makapagpalitaw ng larawan ay nilipad ito ng napakalakas ng hangin at natangay ang mapa.
Naku po ang mapa! Kailangang makuha natin ang mapa! Alalang ekspresyon ni Xiara kaya naman ay agad syang lumikha ng spell.
Green Root! May lumabas na berdeng tila ugat na hugis lubid at hinabol ang mapa para puluputan ngunit tila tumalbog lamang ito at kahit anong balik ng Green Root ay hindi ito makuha.
Hayaan ninyong subukan ko, Digital Web! Si Cedric naman ang tumira at sinubukan din nitong ikulong ang mapa at nagtagumpay naman sya.
Yesss nakuha na rin natin! Tuwan tuwang sambit ni Anne. Nakahinga na ako ng maluwag ngunit nagsalita si Cedric.
Guys I think huwag muna tayong makampante. Nag aalala nyang tono at tinignan namin kung ano ang nagyayari at nakikita ko na lumolobo ang digital web na ginawa at lumalaki ito hanggang sa biglang sumabog.
Ahhhh!! Sigaw naming lahat kani kaniya kaming talsik sa puno o sa bato. Ako naman ay napatalsik sa damuhan kaya naman ay kumapit sa akin ang ilang damo sa aking buhok na aking hinawi agad.
Guys nasaan na ang mapa? Nag aalalang tanong ko. Tumingin tingin ako sa paligid ngunit hindi ko ito makita. Natakot ako dahil napabayaan ko na mawala ang mapa.
Naku wala na ang mapa! Kung ano ang kumuha sa mapa ay nakapagtatakang nahigitan ang ating kapangyarihan. At ako ang may kasalanan kung bakit nawala ito. Takot kong tugon.
Bryce kumalma ka, hindi mo kagustuhan ang mga pangyayari. Ngunit naniniwala akong hindi ito basta hangin dahil nagawa nitong makawala sa ating kapangyarihan. Pagkalma ni Mark sa akin. Nahimasmasan naman ako doon. Dapat ay hindi ako nagpapakita ng kahinaan sa kanila dahil ako ang namumuno sa kanila kaya dapat nagsisimula sa akin ang pagiging postibo.
Ngunit paano natin ito mahahanap?? Wala tayong kapangyarihan sa hangin. Tanong ni Xiara.
Kung gayon ay kailangan nating maghiwa hiwalay. Ako, Xiara at Dianne dito tayo sa kaliwang daan samantalang Cedric, Mark at Anne doon naman kayo sa kanang daan. Pagbibigay ng direksyon sa kanila dahil dalawa ang daan ang nakikita kong maaring dumaan ang misteryosong hangin. Kaya naman hinati ko ito sa tatlo. Sinama ko si Dianne sa akin para maprotektahan namin siya ng crush ahmmm I mean ni Xiara. Hihihi.
Agad na naghiwalay ang aming landas at naglakad kami na nakalitaw pa rin ang aming pakpak at kasuotan at sinamahan namin si Dianne sa paglalakad dahil nga hindi pa nya nakukuha ang kanyang kapangyarihan.
Hmmmm ikaw Bryce ah. Para paraan ka din. Bulong sa akin ni Dianne. Buti na lang nauuna si Xiara at halos magkasabay lang kami ni Dianne kaya di nya kami naririnig.
Bakit? Wala namang masama ah at isa pa para magkasama din kami ni Crush ko. May halong pagmamalaki ko sa kanya. Hindi naman lingid sa kanila na matagal ko nang crush si Xiara. Nagseselos nga ako dati kapag magkasama sila ni Francis pero di ako nagpapahalata pero alam pa rin nila na crush ko pa rin sya. Well mga tunay ko talaga silang kaibigan.
Hmmm ikaw talaga Bryce, bakit di mo pa kasi aminin sa kanya na crush mo syaa... Medyo napalakas ang sinabi nya kaya agad akong sumenyas na tumahimik sya at baka marinig nga ng Crush ko. Ewan ko ba, gusto kong malaman nya pero nahihiya ako.
Shhh Dianne ako na bahalang magsabi sa kanya naghahanap lang ako ng magandang tiyempo. Paniniguro ko sa kanya. Hindi na nagsalita pa si Dianne ngunit bakas sa mukha nya na natatawa sya. Hayy hayaan na nga lang sya.
Gusto mo bang mapalapit sa iyo ang taong matagal mo nang tinatangi? Sabi ng isang tinig mula sa loob ng aking sarili. Mukhang heto na naman ang boses ng aking inner dragon. Ngunit nagtaka ako sa tanong nya.
Ano? Tutulungan mo ako? Pwede mo bang gawin yun? Tanong ko sa kanya ngunit sa isip lamang dahil kaya ko naman makipag usap sa kanya gamit ang isip tutal nasa katawan ko naman sya.
Bakit naman hindi? Hindi ba't ang aking tungkulin ay ang tulungan ka dahil ikaw na ang bagong nag mamay ari sa dragon flame. Tugon ng Inner Dragon. Wow mukhang may sidekick na ako ngayon ah.
Sige ba paano ba? Yung tipong matutuwa sya pag narinig nya. Tanong at pakiusap ko sa kanya..
Huwag munang ikaw magbigay ng maalab at mabulaklak na salita. Ang gawin mo ay magbigay ka ng ideya sa kanya na maaring makatulong sa inyo para mahanap ang kumuha sa inyong mapa. Payo ni Inner Dragon.
Eh yun nga din ang iniisip ko Inner Dragon, pwede bang konting clue? Muli kong pakiusap sa kanya.
Tignan mo syang maigi. Ang kanyang kakayahan, ang kanyang kapangyarihan at kung ano ang magagawa nito para mahanap ninyo ang mapa. Pagbibigay nya ng clue.
Tinignan ko sya maigi at ang kakayahan niya. Kakayahan nya na kontrolin at manipulahin ang nature o kalikasan. Lahat ng klase ng halaman at puno ay kaya nyang utusan. Hmmmmm
Ahhh alam ko na Inner Dragon ang sasabihin, salamat sa tulong mo. Salamat talaga. Natutuwa kong pasasalamat.
Walang anuman, tungkulin ko iyon kaya sabihin mo na agad bago pa nya maisip iyon. Tugon ni Inner Dragon at agad na akong lumapit kay Xiara.
Xiara bakit hindi mo kaya tanungin ang mga halaman sa paligid kung nasaan dinala ang ating mapa. Baka makatulong ang mga ito. Suhestiyon ko sa kanya. Napaisip sya sabay pakawala ng isang ngiti.
Great idea Bryce! Sige susubukan kong kausapin ang mga halaman. Agad naman akong lumayo at tinabihan si Dianne upang makausap nya ito at upang hindi rin masira ang konsentrasyon nito.
Nature's Call! Lumuhod ito sa lupa at biglang humangin ng malakas at nagpaikot ikot ito kay Xiara samantalang ang mga puno at dahon ay sumasayaw sa ugoy ng hangin.
Makalipas ang ilang saglit ay tumigil na ang hangin maging ang pagsayaw ng mga halaman at dinilat na nya ang kanyang mata.
Ano ang sabi ng kalikasan sa iyo Xiara? Tanong ko sa kanya.
Dumaan daw dito ang hangin ng dala ang ating mapa at alam nila kung ano ang kumuha sa ating mapa at batid daw nila ito. Iyon daw ay isang anak ng Buhawi. Nagulat ako sa impormasyon na sinabi nila. Ano?? Nagkakaroon ng anak ang mga buhawi? Pambihira!
Totoo ba ang narinig ko Xiara, isa itong buhawi? Ngunit parang hangin lamang sya nung nakita ko. Tugon ni Dianne.
Tinanong ko din yan. Ang mga batang buhawi daw ay ganoon talaga ang histura at hangin pa lamang ito dahil bata pa sya at hindi pa sya malaki at paikot ang direksyon. Kaya naman ay mabuti pang puntahan na natin ang direksyon kung saan pumunta ang batang buhawi. Suhestiyon ni Xiara sabay madali kaming lumipad habang si Dianne ay buhat buhat ni Xiara.
Pambihirang mundo talaga ito.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...