Cedric's POV
Dumaan kami dito sa mga puting bulaklak na kasalukuyan nang magbubuga ng mga spores na parang mga powder. Pinapatatag ko ang aking shield upang hindi ako maapektuhan.
Ang mga puting bulaklak ay nagbibigay ng mga spores na kayang lasunin ang isip ng tao at gawin itong sira ulo. Pagbibigay ng impormasyon ni Xiara. Grabe, siraulo talaga ang term ha. Pwede namang crazy, pero same din pala meaning nun haha.
Guys, nararamdaman kong nanghihina na ako. Impit na daing ni Anne. Kita ko nga na unti unting nadidiminish ang Solar wing nya.
Mako, lumaban ka. Alam kong kaya mo yan. Konting tiis na lang at makakaalis na tayo rito. Lumapit si Mark kay Anne at binibigyan nya nito ng motivation. Hindi na lamang nagsalita ito at patuloy ang focus sa shield.
Nakalabas din kami sa daan ng mga puting bulaklak at heto ay may tumambad na naman sa amin na dalawang daan. Ang isa ay napapalibutan ng black flowers samanatalang ang isa ay red flowers.
Subukan naman natin ang red flowers. Suhestiyon naman ni Xiara at agad na nga kaming dumaan roon na syang agarang pagbuga ng red spores sa aming mga shields.
Biglang nakakaramdam ako ng paghigop sa aking katawan. Tila ba parang sinisipsip nito ang aking lakas. Ano ang nangyayari sakin? Eto ba ang epekto ng mga red spores?
Parang dinadrain ang energy ko. Nananakit ang katawan ko. Daing ni Mark at unti unti na ngang bumabagal ang kanyang paglakad. Nakita ko din na ganoon ang kalagayan ng aking mga kaibigan. Lahat kami ay nauubusan ng enerhiya.
Nagtataka ako sa nangyayari. Ang effect ng mga red spores ay gagana lamang kapag nagkaroon ito ng contact sa iba pang spores. Kaya nitong palalain ang mga effects ng mga spores na macocontact nito. Nanghihinang tugon ni Xiara.
Pero paanong mangyayari yun? Hindi naman tayo natamaan ng ibang spores. Kaya imposibleng magkaroon ng effect ang red spores. Tanong naman ni Dianne. Sa sobrang panghihina ko ay napaluhod na ako sa lupa, ang digital room ko ay nagkakaroon na ng cracks. Nang mapansin ko ang shield ko, parang may naghahalong white, violet, yellow at white spores sa aking shield.
Mukhang alam ko na kung bakit. Ang mga spores ay dumikit sa mga pananggalang natin, kaya nagkaroon ng contact at mukhang kaya tayo sobrang nanghihina dahil madaming spores ang nakipag combine sa red spores, kaya sobrang lakas ng effect sa mga shields.. Hindi pa ako tapos magsalita nang bumibigay na ang katawan ko. Parang nahihilo na ako na ewan.
Kailangan naming umalis dito dahil mapapahamak kami sa mga spores na ito.
Kung may natitira pa kayong kapangyarihan, please itaboy nyo ang mga spores na ito.. Hindi ko na talaga nakaya ang nararamdaman ko kaya nawala na ang shield ko at nawalan ng malay...
Makalipas ang ilang saglit, naramdaman kong may tumapik sa akin. Malamig ang kamay nito at malambot ito.
Unti unti kong minulat ang aking mata at nakita ko ang isang pigura ng lalake. Nakasalamin ito at puti ang buo nyang katawan.
Napansin ko na madilim ang nasa paligid at sya lang ang tangi kong nakikita. Nakatingin lang ito sa akin at tila sinasabi ng kanyang mga mata na tumayo ako.
Sino ka? Tanong ko sa isang nilalang na nasa harapan ko. Hindi ito sumagot bagkus ay naglakad ito palapit sakin.
Nagulat ako sa nakita ko..
May salamin itong kulay black, at kamukhang kamukha nya ang isang taong inspirasyon ng buhay ko..
Kuya...? Ikaw ba yan?? Nauutal kong tanong dahil di talaga ako makapaniwala sa nakikita ko.
Ako nga Cedric. Na miss mo ba ako? Tanong nito habang nakangiti ito sa akin. Sa sobrang tuwa ay lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya.
Kuya kung alam mo lang kung gaano ako kasaya. Hindi pa rin ako makamove on sa nangyari sayo.. Naluluha kong sabi habang yakap sya. Nagulat ako nang mayakap ko sya, pero natutuwa ako dahil after nyang mawala for 4 years ay muli ko syang nayakap.
Cedric, pasensya na kung wala si kuya sa tabi mo. Pasensya ka na sa nangyari. Alam kong sobra kang nalungkot. Seryoso nitong sabi sa akin sabay bitaw sa yakap ko. Naalala ko tuloy ang nangyari kay kuya 4 years na ang lumipas.
Di ko natanggap agad ang nangyari, pero salamat sa mga kaibigan ko, tinulungan nila akong mag move on. Di ko agad noon natanggap ang pagkamatay ni kuya pero ang mga kaibigan ko ang tumulong at chineer nila ako para makabangon ulit.
Kaya sana huwag kang sumuko sa misyon ninyo Cedric, huwag mong hayaan na matalo ka sa mga pagsubok. Di man tayo magkasama pero alam kong kaya mo ito. Ikaw pa ba eh ikaw ang WIZARD ni kuya. Tugon nito sa akin habang malaki ang mgiti sa mukha nito. Di ko na rin maiwasan ang mapangiti sa mga sinabi nya. Di ko aakalain na magkikita kami. Pero nasaan ba ako?? Patay na rin ba ako?
Tandaan mo mahal na mahal ka ni kuya... Huling sabi nito sabay biglang naglaho siya at tanging ako na lang ang naiwan dito.
Kuya! Tanging nasabi ko pero huli na. Namalayan ko na lang na nagliliwanag ang lugar. Nakakasilaw ito kaya napatakip ako ng mata..
Namalayan ko na lamang ang aking sarili na basa ang aking mukha. Parang may naghilamos ng aking mukha. Agad akong naalimpungatan at nakita ko si Mark na nakaluhod sa akin.
Mabuti naman at nagising ka. Tulungan mo ako Cedric na gisingin ang iba. Sambit ni Mark sabay tayo nito. Luminga linga naman ako sa paligid at nakita ko sina Anne at iba pa na wala ding malay. Tumingin naman ako sa paligid at nakita ko na wala na kami sa Wood Maze.
Ibig sabihin ba nito ay nakalabas na kami? Pero paano? Anong nangyari?

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...