Riddle's POV
Bumagsak nga si Gravity sa lupa dahil sa pagpapabalik ng alaala ni Mind sa kanya. Kailangan ng matapos ang paghihirap dito ni Gravity upang maalala nya na muli kung sino sya.
Huwag kayong mag alala. Tinitiyak kong ilang sandali pa ay nakabalik na ang mga memorya nya. Tugon ni Mind sa aming dalawa.
Unti unti na ngang nagkaroon ng ulirat si Gravity at tila ba nagtataka sa kanyang kasuotan at sa kanyang paligid.
Maligayang pagbabalik Gravity! Salamat naman at nakabalik na ang mga alaala mo. Pagbati ko sa kanya. Napalitan ng saya ang kanyang mukha at agad akong niyakap.
Riddle! Salamat at nandito ka! Parang kaytagal kitang huling nakita. Masayang turan ni Gravity habang yakap yakap nya ako. Masaya din ako dahil nakikilala nya na ulit kami.
Niyakap nya rin sina Mind at Mound na animo'y parang ngayon lang ulit sila nagkita.
Labis akong nagagalak dahil nandito kayong tatlo. Patawarin nyo ako kung nawalan ako ng memorya at pinagsamantalahan ako ng mga tao dito. Kung di lang sana ako naging mahina, dapat sana ay hindi ko na kayo nasaktan maging ang iba pang mga tao. Paghingi ng tawad ni Gravity. Agad naman syang inakbayan ni Mound.
Gravity, huwag mong sisihin ang iyong sarili. Hindi mo kasalanan ito. Isa pa, ang mahalaga ay nakabalik na ang mga alaala mo. Dahil nasa matinding panganib ang mga ating mga mundo. Turan ni Mound kay Gravity. Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha si Gravity.
Ano ang nagaganap Riddle?? Nagtagumpay ba si Shadow na makuha ang mga codex? Tanong nya sa akin.
Nakuha nya ang Platinum Ring kay Mound samantalang ang iba ay may inatasan na akong kumuha ng mga ito. Ito ang mga mortal na aming nakilala at sila ay binigyan ko ng kapangyarihan para makuha nila ang dalawang codex. Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Kung ganoon ay hindi dapat makuha ni Shadow ang mga codex. Alam naman natin kung ano ang pakay nya sa pagbubukas ng Gate of Oblivion. May diin na bigkas nito.
Kaya inaasahan ko na nasa iyo pa ang codex na ipinagkatiwala ko sa iyo. Natatandaan mo pa kung nasaan ito? Tanong ko sa kanya. Hindi pa man sya nakakasagot ay biglang may nagbigkas ng spell.
Shadow Arrows!
May apat na matutulis na mga itim na arrows na papunta sa amin pero agad na humarang si Mound.
Earth Wall! May umusbong na malaking pader na bato at sinangga nito ang mga shadow arrows. Nakarinig naman kami ng halakhak.
Hahaha! Mabuti na lang at maagap pa din ang sorsero kung hindi ay baka nabihag ko na kayo. Pambubuska nito sa amin. Nandito pa pala ang masamang sorsera na ito. Hindi talaga titigil ito sa paglikha ng kasamaan.
Hindi mo kami matatalo Shadow. Hindi mo matatalo ang mga Sorcerers ng Fantasy World! Agad na turan ni Gravity kay Shadow.
Nakabalik lang ang alaala mo, naging hambog ka na hahaha. Kahit magsama sama pa kayo, hindi nyo ako mapipigilan sa aking mga plano! Hahaha! Malakas na buska nito na may kasamang halakhak.
Tignan natin kung sino ang hahalakhak pagkatapos ng gagawin ko sayo! Moonlight Spectrum! Naglabas si Gravity sa kanyang palad ng isang beam na gawa sa moonlight. Malakas talaga itong si Gravity dahil sya ang sorsera ng kalawakan. Kaya lahat ng mga bagay sa kalawakan ay kaya nyang kontrolin. Kaya ng Gravity ang kanyang ngalan.
Hindi mo ako masisindak sa walang kuwenta mong kapangyarihan! Dark Barrier! Pinalibutan nya ang kanyang sarili ng isang force field upang harangan ang beam ni Gravity.
Sand Tornado! Pinalibutan ng buhangin ang barrier ni Shadow at kita ko na sinisira nito ang pananggalang nito. Kailangan ko syang tulungan.
Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo. Shining pulse! Naglabas ako ng pulsative energy at doon ay tuluyan ko ngang nasira ang kanyang pananggalang at tinangay na sya ng ipo ipo.
Ahhhhh! Sigaw nito habang paikot ikot sya sa ipo ipo.
Yan ang nababagay sayo Shadow! Psy Kick! Lumikha ng isang psychic wave si Mind at itinama nya ito kay Shadow at sya nga ay tumalsik na parang sinipa ng malakas.
Ahhhh Mind!!! Huli nitong sigaw bago tumalsik palabas ng kakahuyan.
Salamat at napatalsik din natin sya sa ngayon. Pasasalamat ni Mound.
Alam naman natin na kahit ano pang gawin natin sa kanya ay determinado sya na makuha ang gusto nya sa mga codex at sa libro. Tugon ko sa kanila.
Kaya Gravity, dapat na nating makita ang codex na nasa iyo. Wala na tayong dapat sayangin na panahon. Pagmamadali na tugon ni Mind.
Sandali lamang, mayroon lang ako kailangan gawin. Tumalikod ito sa amin at pumunta sa loob ng tirahan nya dati. Ano kaya ang gagawin nya?
Hayaan nyo sya mga kasama, may gagawin lang sya upang ibalik ang mga gamit na ninakaw nya dati. Gayundin ang pagkuha nya sa kanyang dating kasuotan. Biglang turan ni Mind. Grabe talaga itong sorsero na ito! Lahat man kami ay may kakayahang magbasa ng isip pero si Mind ay dalubhasa sa pagkalap sa mga iniisip ng mga tao.
Ilang sandali pa ay lumabas na nga si Gravity hawak ang kanyang pilak na kapa na may hood. Lumabas din sa kanyang lungga ang mga bagay na dati nyang ninakaw. Pagkatapos ay biglang nawala ang lahat ng mga ito.
Maaring ibinalik nya ang mga gamit sa mga nagmama may ari nito. Kung gayon ay wala na tayong poproblemahin. Turan ni Mound na syang ikina sang ayon ko.
Lisanin na natin ang gubat na ito. Hawak ko na ang codex na nakaipit sa aking kasuotan. May tinanggal sya na isang bagay sa kanyang kasuotan at kaming tatlo ay napangiti dahil hawak nya ang huling codex.
Ang Diamond Bracelet.
Natutuwa ako dahil hawak mo pa ang iyong codex. Galak kong sabi kay Gravity.
Sinadya ko talaga na idikit ito sa aking kapa nung pinatakas mo kami ni Mound patungo dito sa mortal world. Naisip ko na paliitin ang hugis nito at idikit sa aking kapa upang hindi agad mapansin ng kahit sino kung ano man ang mangyari. Pagpapaliwanag ni Gravity.
Kung gayon paano naman natin mababawi ang Platinum ring kay Shadow? Tanong ni Mound.
Sa tingin ko ay mas kinakailangan na bumalik tayo ng Riddle World para tulungan ang mga mortal. Suhestiyon ko.
Tama si Riddle, hindi naman tayo masusundan ni Shadow kung sakali dahil may iba pa namang daan patungo roon ng hindi nya nalalaman. Turan ni Mind.
Kung gayon ay agad na tayong pumunta ng Riddle World. Ginamit ko ang aking kapangyarihan upang lukubin kami ng liwanag at agad kaming naglaho.

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...