Anne's POV
Sino kayo?! Tanong ko sa kanila.
Kami sina Malga, Aquacia at Coraldia. Ang panginoon ng mga dating ninyong mga kaibigan na pag aari namin ngayon. Matapang na pagpapakilala ng mga sirena. Sa histura nila ay tila hindi ko na nagustuhan ang kanilang aura.
Hindi nyo sila pag mamay ari mga sirena, sila ang aming mga kaibigan at wala kayong magagawa para pigilan kami. Matatag na sagot ko sa kanila.
Huwag kang pakasisiguro mortal, alalahanin mong nasa tirahan ka namin. Kaya hindi nyo kakayanin ang aming puwersa. Sambit ni Malga sabay pakawala ng dalawang jet ng tubig sa kanyang palad at itinama sa direksyon ko.
Solar Wing! Depensa ko naman sa kanyang ginawa. Akala nya ay sya lang ang may mahika ah.
Aba Malga, mukhang may kapangyarihan din ang mga mortal na ito. Gulat na turan ni Aquacia pero ngumisi lamang ito nang nakakaloko.
Tignan natin kung hanggang saan ang kaya ng mga mortal na ito. Sabad naman ni Coraldia. Ikinilos nya ang kanyang mga kamay na nakaharap sa lupa. Ano naman kaya ang binabalak nito?
Coral Cage! Biglang nag kakaroon ng straight crack sa lupa na tila may kumikilos papalapit sa amin.
Anne umiwas ka dyan! Babala naman ni Xiara kaya agad akong lumipad pero bumulwak ang mga pink na corals at nakuha nito ang aking mga paa.
Ahhh!! Sigaw ko nang puluputin ng mga corals ang alak alakan ko. Hinihila ako nito pabalik sa lupa.
Magical Bass Boost! Naglabas ng mga mga isang malakas na sonic waves at nawasak nito ang mga corals. Ngumiti naman ako at nagpasalamat kay Dianne.
Tignan natin kung makakawala pa kayo dito! Rage of Water! Kinontrol ni Aquacia ang tubig sa lawa at lumikha ng mga galamay. Yun pala ang spell na ginamit kanina sa amin. Pero hindi na ako papayag na matalo kami nito.
Sumugod na ang mga galamay at handa na sana akong patamaan ito pero humarang naman si Xiara.
Ako na ang bahala sa mga ito. Golden Shower Power! Naglabas sya ng mga yellow na flowers at pinulupot nito ang mga galamay hanggang sa ito ay nawasak.
Kita ko naman ang inis sa mukha ni Aquacia nang mamalas nya iyon. Sina Mark ay nakaupo pa din at pinagmamasdan ang laban namin. Mako! Anong ginawa nila sa inyo?
Malalakas ang loob nyong mga mortal upang labanan kami. Inis na sabi ni Aquacia.
Hindi namin hahayaan na sila ay magpasakop sa inyo. Kung anuman ang ginawa nyo sa kanila, pakawalan nyo na sila at hayaan nyo lamang kami na makaalis sa inyong tirahan. Mahinahon kong sambit sa kanila.
Hindi namin intensyon ang saktan kayo. Pero kung di nyo pa rin papakawalan ang aming mga kaibigan, wala kaming pamimilian kung hindi ang kalabanin kayo. Tugon din ni Dianne.
Hahahaha! Kung kakalabanin nyo kami ay pagbibigyan namin kayo. Ngisi ni Malga. Ang mga tingin nya ay may ibig ipakahulugan. Parang may gagawin syang plano. Kailangan malaman ko yun agad.
Mga alagad, kami ay sinasaktan ng inyong mga kaibigan. Tulungan nyo kami. Bigla paawa ni Malga sa kanila pero kita ko ang patagong ngisi nya kasabay ng sinister look nya.
Tutulungan namin kayo! Sagot ni Cedric.
Kami ang magpapaalis sa kanila! Turan naman ni Bryce.
Sisiguraduhin namin na di na muli kayong masasaktan! Sambit naman ni Mark.
Nagulat ako sa kanilang mga sinabi. Wala na sila sa kanilang mga sarili. May kutob tuloy ako na hinypnotize sila ng mga sirena. Naalala ko kasi na may kapangyarihan silang mang akit ng mga lalake at ginagawa nila itong kanilang alagad.
Tigilan mo ang kahibangan na ito Malga. Pakawalan mo na lamang sila. Pakiusap ko sa kanila pero tumawa lamang sila nang nakakaasar. Hindi ko na nagugustuhan ang kanilang pagmamalabis.
Hindi na nakakatuwa! Percussive Projectile! Naglabas sya ng tila isang rocket pero hugis nota. Tila nauubos na ang pasensya nila.
Cascade Bubble! Bigla namang sinangga ng bubble ang ginawang projectile ni Dianne. Nakapag transform na pala sila at pinrotektahan nya ang mga sirena. Di ko tuloy maiwasan na malungkot. Mako kumawala ka sa kapangyarihan nya.
Algorithm Chains! Nagsabi si Cedric ng di ko maintindihan na spell pero biglang may lumitaw na mga grey na kadena na gawa sa mga numbers at pinuluputan kaming tatlo. Hindi kami agad nakaiwas dahil sa bilis ng chains at gulat sa sinabi nyang spell. Ngayon nya pa lang kasi ginamit ito.
Thermal Transcend! Bigla namang nagpakawala ng heat energy si Bryce sa mga chains na nakapulupot sa amin kaya napahiyaw kami sa sakit dahil pinapaso kami nito sa balat.
Ahhh Brycee itigil mo yan! Daing ni Xiara na nahulog lamang sa binging pandinig ni Bryce. Hanggat kontrolado sila, hindi nila kami titigilan.
Kaya patawarin mo sana ako kung gagawin ko ito.
Sunlight Flares! Naglabas ako ng mga shockwave ng liwanag at itinama ito kina Cedric at Bryce. Nagtagumpay naman ako kaya napatigil ang spells nila sa amin at nakawala kami agad.
Salamat Anne dahil baka hindi ko na kayanin ang init na iyon sa aking katawan. Turan ni Xiara at kita ko ang paso sa kanilang mga katawan. Maski ako ay meron pero hindi ako magpapatalo.
Nagsimula naman magpatama ng water bolts si Mark sa amin pero nakakaiwas kami. Agad kong tinamaan sya ng dazzling spiral kahit na labag ito sa loob ko.
Hindi ko man ito gusto, pero mapipilitan tayong labanan sila. Turan ko sa kanila. Sumang ayon naman silang dalawa sa amin.
May naisip na akong plano. Pero kailangan nating mabihag ang mga sirena para di na sila makawala. Kaya kailangan ko ang inyong tulong para i distract sila. Pagpaplano ko sa kanilang dalawa. Sumang ayon naman sila sa aking balak at pumunta na nga silang dalawa sa mga sirena.
Nakita kong bumangon na muli sila kaya agad akong lumapit sa kanila.
Guys ako toh si Anne! Makinig kayo sa akin, labanan nyo ang kanilang kapangyarihan. Turan ko sa kanila.
Flame Ball! Nagbato si Bryce ng mga bolang apoy sa akin at tila walang narinig. Kaagad kong ginamit ang Solar wing para protektahan ako.
Kailangan kong ipaalala sa inyo ang inyong mga alaala. Enlightenmin Revivo! Nagpakawala ako ng liwanag pero tanging sila lamang ang nakakakita nito. Kaya umiilaw ang kanilang mga mata ngayon at pinapakita ng aking liwanag ang mga naganap na sa amin dito sa Riddle World. Nagbabaka sakali ako na maalala nila ang kanilang mga sarili.
Pero biglang may tumama sa aking jet ng tubig sa akin kaya napatalsik ako pababa. Napatigil tuloy ang aking spell sa kanila.
Napalingon ako sa mga sirena at kita ko na si Malga ang may kagagawan ng mga jet at nakita ko sina Dianne at Xiara ay nakakulong sa mga coral cages. Nanghihina ako kaya hindi ako agad nakabangon.
Wala na kayong kawala ngayon. Naiinis na ako sa inyong pakikialam. Hayaan nyo lamang ang inyong mga kaibigan na manatili dito. Sambit ni Malga sabay pakawala ng ngisi.
Kahit kailan ay hindi ako susuko dahil sila ang dahilan kung bakit ako nandito. Hindi sila sumuko sa akin kaya gagawin ko din ang lahat para sa kanila. Malakas kong tugon sa kanya. Nainis naman ito kaya nagpakawala na naman sya ng mga water jets kaya napahiga muli ako.
Mga alagad, tapusin nyo ang kalaban! Utos nito sa kanilang tatlo kaya lumapit sila sa akin at inihanda ang kanilang mga energy.
Guys sana maalala nyo na kung sino kayo. Lalo ka na Mako, mahal kita Mako. Tanging naisambit ko na lang dahil tingin ko ay katapusan ko na. Tinignan kong muli sila sa kahuli hulihang pagkakataon at nagulat ako nang kumindat silang tatlo sa akin. Hindi man sila nagsalita pero alam ko na ang ibig sabihin nun.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...