RWC 13: Mark's Power Unleashed

15 0 0
                                    

Cedric's POV

Patuloy pa rin kami sa pagtugis ng mga igat na hanggang ngayon ay hindi nauubos ubos. Parang walang hanggan ang dami nila. Nakakapagod pala kapag gumagamit ng mahika. Nanghihina ka rin at unti unting napapagod ang katawan mo.

Si Xiara naman ay pansin ko na napapagod na rin sa paggamit ng Magical Vine Wrap. Pero hanga naman ako sa tatag ni Xiara kaya naman nagpupursige din ako na huwag sumuko.

Mukhang malakas kayong dalawa at talagang hindi kayo sumusuko. Sabi ni Emilyo na tila humahanga pero di halata sa mukha niya.

Hindi talaga kami susuko, para sa mga kaibigan namin ni Cedric at para na rin sa kaligtasan ng aming mundo. Buong tatag na sabi ni Xiara.

Ganun ba kamo? Tanong nito at biglang ngumisi ito na tila may masamang binabalak. Hindi ko gusto ang mga ngiti nya.

Mga alagad! Sugurin ang iba pang mortal at bugahan sila ng Acid Slime! Utos ni Emilyo sa mga alagad nyang igat. Naku po! Malulusaw ang mga katawan nila kapag ang acid ay nagkaroon ng contact sa tao.

Xiara kailangan natin silang pigilan. Sabi ko kay Xiara at hinanda na namin ang spells namin.

Tecno Shot!

Ivy Wrap!

Sabay naming ginawa ang spell namin na pinaghalong technology at nature. Ang galing naman ng tandem!

Acid Slime! Biglang naglabas si Emilyo ng slime na tila kumukulo at bumangga ito sa mga kapangyarihan namin. Siguro naman matatalo ng dalawang spell ang isang spell diba?

Pero mukhang nagkamali ako dahil nalusaw ang kapangyarihan namin at naglaho ng dahil sa acid. Masama ito! Maging ang kapangyarihan namin ay hindi sapat para matalo ang acid slime.

Cedric, Xiara tulong!! Sigaw nila sa amin habang papalapit na ang mga igat. Wala na kaming maisip na paraan ni Xiara kundi lumapit at harangan ang mga igat. Kahit madulas ang daan ay nagmadali pa rin kami.

Solidify! Narinig kong sabi ni Emilyo at napansin naming dalawa na nakadikit na kami sa lupa. Sinubukan kong gumalaw pero sobrang dikit talaga namin sa lupa. Para kaming na mighty bond sa lupa. Arghh Emilio!

Pero hindi naman kami nawalan ng pag asa at sinubukan naming gamitan ng kapangyarihan para matamaan ang mga igat pero nagsambit ulit si Emilyo ng Solidify at nanigas ang kamay namin na nababalot sa slime. Wala na talaga kaming kawala at wala na kaming magagawa. Patawad sa inyo!

Mark's POV

Papalapit na talaga ang mga igat sa amin at nakita ko sina Cedric at Xiara na tila na i stuck sa lupa. Panigurado akong si Emilio ang may gawa nito.

Ngayon na aking mga alagad! Utos ni Emilyo sa mga Ahas nya kuno kahit igat naman talaga ito.

Nagbuga sila ng Acid Slime kay Bryce at rinig kong napahiyaw sa sakit si Bryce at kita kong naghuhulas at nagsusugat ang balat nito. Awang awa kami kay Bryce pero wala kaming magawa dahil nakadikit kaming lahat sa puno na kung saan binuguhan kami ng Slime gun.

Hahahahaha! Nakakaawa naman kayo mga mortal. Walang magawa. Sabi ni Emilyo na tila tuwang tuwa sa nakikita sa amin. Naku Emilyo! Masasakal na talaga kita!

Sunod naman ay lumapit sila kay Dianne at binuguhan din ng Acid slime. Rinig kong sumigaw si Xiara at pinipilit gumalaw pero sadyang malakas ang kapit ng slime sa paa nya. Ako naman ay nag aalala na dahil si Anne na ang isusunod ng mga igat. Ayokong mapahamak ang mahal ko. Kaya naman pinipilit kong makaalis sa slime.

Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon