Anne's POV
Kringgggggg!!!
Nagising ako bigla nang tumunog ang alarm clock. Pupungas pungas akong umupo sa kama at pinatay ang alarm clock na nakaset sa 5am. Bilin kasi ito ni Riddle na kailangan naming pumunta lahat sa Soccer field bago mag alas sais kaya naman nag set ako ng alarm ng alas singko.
Uminat muna ako bago ako tuluyang tumayo at pumunta sa banyo at nagsipilyo. Habang nagsisipilyo ako ay naiisip ko ang mga masasalimuot na pangyayari. Hindi ko talaga naisip na hahantong sa ganito ang lahat. Kung hindi lang siguro ako nagpaloko kay Shadow at nagpalamon sa galit e di sana tahimik ang buhay namin.
Natapos na rin akong magsipilyo at tumungo na sa kusina. Binuksan ko ang Ref at sakto may pagkain pa rin na natira kahit na maraming araw akong wala dito. Sa katunayan ay nandito pa ang tira kong spagghetti nung araw bago ang kaarawan ko. Kaya nga lang ay sobra na itong matigas kaya tinapon ko na lang ito.
Kaya nagluto na lang ako ng itlog at embutido. Madali ko naman itong natapos pati na rin ang pagsasaing. Nagsandok na ako ng kanin at inilagay ang itlog at embutido sa plato. Habang kumakain ay naiisip ko si Mark, ano kayang ginagawa nya ngayon?
Biglang may nag pop up na chat head sa cellphone ko at nakita ko ang napakaguwapo niyang profile picture. Binuksan ko ang chat head nya.
Good Morning Mahal ko. Bungad nya na ikinilig ko naman.
Good Morning din Mark. Reply ko sa kanya pero bigla syang nag send na malungkot na emoji.
Bakit Mark? May problema ba? Tanong ko sa kanya.
Hindi mo kasi ako tinawag ng "Mahal ko" eh. Mark lang tinawag mo sa akin. Malugkot nyang tugon sa akin. Natawa nalang ako sa pagtatampo ni Mark. Cute talaga nito kahit nagtatampo.
Hindi ko na kailangang sabihin yan Mark. Alam mo naman na mahal kita diba? Reply ko.
Oo alam ko yun, gusto ko lang marinig sayo ng paulit ulit na mahal mo ako. Ayyy shemsss! Bakit ang galing talaga nitong magpakilg?! Talo pa ako.
Ahhh sige. Sorry po mahal ko. Reply ko ulit.
Okay lang po yun. Ano po bang ginagawa mo Mahal ko?
Kumakain pagkatapos nito ay magbibihis na rin ako. Sagot ko sa tanong nya.
Gusto mo ba na sunduin kita dyan Mahal ko? Tanong nya ulit.
Huwag na mahal ko. Kaya ko nang pumunta mag isa sa soccer field. Magkita na lang tayo roon. Reply ko at nag send ulit sya ng malungkot na emoji.
Sige kung iyan ang gusto mo. Gagawin ko kahit mahirap basta ikaw. Reply nya. Kinilig naman ako doon sa reply nya. Imagine, mahirap pala sa kanya na hindi ako sunduin pero sinunod nya parin kung ano ang gusto ko. How cuteee.
Promise mo lang Anne na pupunta ka sa soccer field agad ah. Hihintayin kita doon Mahal ko.
Opo mahal ko. Sige na magbibihis na ako. Reply ko dahil tapos narin akong kumain.
Sige Anne, magbihis kana at magbibihis na rin ako. I love you mahal ko. Pa hug ako pag nagkita tayo sa soccer field ah. Sambit nya na sobrang cute para sa akin at may kasama pang kiss at puso na emoji.
Sige Mark, ihuhug kita pag nagkita tayo. I love you too din. At pagkareply ko ay inooff kona ang data at pumasok na ako sa lumang silid ko upang magpalit ng damit.
Makalipas ang 20 minutes ay tapos narin akong magbihis. Naka kulay pink ako na T shirt at naka jeans. Kinuha ko na ang phone ko sa lamesa at dali dali na akong umalis dahil 5:40 na. Sinara ko na ang pinto at kinuha ko ang glowstick sa bulsa at kiniskis ko ito.
Sa isang iglap ay narito na ako sa soccer field. Narito na rin sina Xiara,Bryce,Cedric,Dianne at si.. teka nasaan si Mark?
Lumapit naman ako sa kanila agad agad. Nakita na nila ako at niyakap ako ng mahigpit nina Xiara at Dianne.
Hi Anne! Kumusta ka na? Namiss ka namin.. bati nina Xiara at Dianne.
Ayos lang ako, namiss ko rin kayo. Pero nasaan si Mark? Hindi nyo ba sya nakita? Tanong ko sa kanila.
Ahmm di namin alam eh. Sabi ni Bryce habang nangiti. Pati ang iba ay ngumingiti din.
Huyy nasaan si Mark? Tanong ko ulit.
Tingin ka sa likod mo.
Biglang may nagsalita sa likod ko at nakita ko ang kanyang napakaguwapong mukha kaya naman ay niyakap ko sya agad.
Miss me mahal ko? Tanong nya saakin na tila nangaasar. Napasimangot na lang ako sa tanong nya.
Di naman masyado. Sambit ko habang nakatingin sa mata niya.
Ayyy ganoon? Kasi ako sobra na kitang namiss eh simula kagabi pa. Tugon niya sabay halik sa noo ko. Sweet naman ng mahal ko. Bigla naman akong napatingin sa hawak nya.
Para sa yo nga pala Mahal ko. At ipinakita nya ang 4 na klase ng Cadbury Chocolates. Yung Chunky, Chewy, Smooth at Oreo. Natuwa naman ako nung nakita ko iyon. Yun yung mga favorite kong chocolate!!! Akma ko nang kukunin pero iniwas nya.
Wait mahal ko, sigurado ka bang nag breakfast ka? Tanong niya sa kin habang tinatago sa likod ang chocolates.
Opo, nag breakfast ako. Sige na, akin na yung chocolates. Pagpilit ko sa kanya.
Pilitin mo muna ako. Hahaahaha. Sambit nya sabay tawa at nakitawa na rin ang iba. Mark naman eh..
Sige na po Mahal ko pleasee?? Boyfriend naman na kita diba? Sige na Mark! I love you. Buong paglalambing kong sabi. At maya maya ay lumapit sya sa kin at ginawaran ako ng malambot na halik.
I love you too Anne. Sige na kunin mo na itong chocolates Mako. Baka magalit pa ang Mako ko. Sabi nya sabay abot sa akin ng mga chocolates.
Mako? Tanong ko sa kanya.
Short lang yun ng "mahal ko". Naisip ko kasi na masyadong mahaba yung mahal ko kaya iniklian ko na lang. Sana magustuhan mo yung endearment ko sayo. Sabi nya na tila nahihiya. Niyakap ko naman sya agad.
Okay lang yun Mako. Ang ganda nga pakinggan eh. Tugon ko na ikinangiti nya. Ang cute mo talaga Mark pag nakangiti ka.
Humiwalay na rin kami sa pagyayakapan nang marinig namin ang tawag sa amin ni Riddle. Lumapit kaming lahat at umupo sa mga bleachers. Umupo ako habang akbay ako ni Mark.
Salamat naman at pumunta kayo rito ng maaga. Alam nyo naman na hindi pa tapos ang panganib at may masama syang plano sa ating lahat. Kaya naman ay maari nyo ba kaming tulungan? Tanong nya sa aming lahat. Sumang ayon naman kami na ikinagalak nya.
Kung ganoon ay kailangan nating protektahan ang libro mula sa kanya. Oo nakuha nya ang essence pero kakailanganin nya ang libro upang makapasok sa Riddle World upang matupad ang masamang plano niya.
Riddle world?? Ano kaya ang lugar na iyon? May sariling mundo rin ang mga bugtong?
Tama kayo ng iniisip. May sariling mundo ang librong Bugtong Bugtong. Pero kakailanganin ang libro upang mabuksan ang lagusan dahil ang libro mismo ang gumawa ng mundong iyon bukod pa sa Mortal World at sa Fantasy World kung saan kaming galing na mga sorsero at sorsera. Sagot ni Mind.
Naku! Akala ko isa lang ang mundo rito, marami pala. Pero mukhang maayos naman siguro ang Riddle World.

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...