Dianne's POVBryce, alamin na natin ang daan patungo sa Emerald Cave. Suhestiyon ko sa kanila. Mabuti na lang at nalagpasan na namin ang Slimy Island at Owl Wing Forest. Kaya isang lugar na lang at makukuha na namin ang Emerald Cape.
Kinuha na ni Bryce ang mapa at lumitaw ang mga lugar na amin nang napuntahan. Ang Owl Wing Forest ay nagkaroon ng silver check sa ibabaw tanda na nalagpasan na namin ito.
Mahiwagang mapa, nais kong ibigay mo ang direksyon sa amin patungo sa Emerald Cave. Utos ni Bryce sa mapa kaya naman ay agad na sumunod ang mapa at itinuro ang direksyon. Sumunod kami kay Bryce na nagsisilbing gabay namin.
Salamat naman at nakalagpas na kami sa Owl Wing Forest, ang sarap ng simoy ng hangin at mabait ang pinuno nila kahit pa sa una ay tinangka nya kaming labanan. Pero aaminin ko na higit syang malakas kaysa sa amin at tingin ko ay napakaguwapo nya hahahaha.
Bigla bigla ay may mga letrang lumitaw sa harapan namin at paikot ikot sila. Hindi maganda ang kutob ko rito dahil panigurado na kapahamakan ang dulot nito. At tulad ng inaasahan ay nabuo ang mga letra.
Oras na para maningil
Bugtong na buhay dapat nang makitil!
Hindi maari si Dianne na ang sunod na puntirya nito! Bulalas ni Cedric. Agad syang pumunta sa harap ko at nagtransform. Gayundin ang ginawa nina Anne, Mark at Xiara. Samantalang si Bryce ay inakay ako palayo para daw maprotektahan ako.
Lima para sa isa
Isa para sa lima
Kamay Arise!!!
Pagkalitaw ng mga letrang iyon ay lumubog ito sa lupa.
Saan nagpunta ang enerhiya na iyon? Natakot ba sya sa atin? Tanong ni Mark. Maya maya ay nakaramdam kami ng kaunting pagyanig ng lupa na tila may kumakawala mula sa ilalim.
Huwag kang pasisiguro Mark, mukhang tayo ang tatakas sa lagay na ito. Sabi ni Cedric na bakas ang takot. At maya maya din ay sumulpot ang mga kamay na gawa sa putik at hindi ko mabilang kung ilan dahil kumpol kumpol sila. Mahahaba ang mga daliri at kasintulis ng bato ang kanilang mga kuko.
Bryce huwag mong hahayaan na masaktan si Dianne. Sabi ni Cedric tapos ay gumawa sya ng digital room na nagbigay proteksyon sa amin. Grabe naman ang concern sa akin ni Cedric. Medyo natouch ako doon.
Maya maya pa ay agad na lumapit ang isang kamay sa direksyon ni Cedric.
Digital Room! Gumawa sya ng shield na nagbalot sa kanyang katawan upang sanggain ang kamay niya.
Water Bolt! Pinatamaan ng tubig na enerhiya ang kamay at nawasak naman ito kaagad. Mabuti na lamang at madali itong mawasak dahil na rin sa nagmula sila sa bato at lupa.
May mga kamay din na pumunta kay Xiara pero naagapan nya agad itong puluputin ng magical vines nya at piniga nya ito ng husto hanggang sa nawasak. May mga kamay din na pumnta kay Anne.
Spectrum of Light! Sigaw nito at may lumabas na makinang na dilaw na ray na tumama sa mga kamay at agad na nawasak. Infairness ang lakas din ng Light Energy ni Anne. Pero nagtataka ako, dapat ako ang puntiryahin ng mga kamay pero bakit inaatake pa rin sila?
Patuloy pa rin sila sa pag release ng kapangyarihan upang matalo ang mga kamay. Halos naubos na nila ito pero nagulat sila nang may sumulpot pang mas maraming kamay.
Hindi maari ito, mas lalo silang dumadami Bryce. Hindi nila kakayanin iyan. Takot kong sabi kay Bryce.
Dianne,huwag kang panghinaan ng loob. Matatalo nila iyan manalig ka lamang. Sabi ni Bryce.
Pero alam naman natin na ako lamang ang makakapuksa sa mga iyan pero hindi pa iginagawad sa akin ng kwintas ang kapangyarihan. Nanghihina kong loob na sabi. Si Bryce ay hindi na rin akong nagawang sagutin.
Logic Wave
Tidal Wave
Sunburst
Ivy Wrap
Patuloy pa rin sila sa paggamit ng kanilang mga kapangyarihan at nababakas ko na sila ay nanghihina na at patuloy lamang na lumilitaw ang mga kamay mula sa ilalim ng lupa. Nakuu paano ko sila matutulungan?
Ahhhhh! Maya maya na lang ay narinig ko ang sigaw ni Xiara at nakita ko na dinakma sya ng isang kamay. Sinubukan ni Cedric at Mark na tamaan ito pero maging sila ay nadagit ng mga kamay. Kaya si Anne naman ay lumipad palayo upang hindi sya makuha.
Anne please iligtas mo sila! Gamitin mo ang kapangyarihan ng araw. Pakiusap ko sa kanya. Tumango naman sya at nagsambit ng isang spell.
Dazzling Spiral! May mga makikinang na spiral na color yellow at pinatama nya ito ngunit may nabuong tatlong kamay at ito ang natamaan ng dazzling spiral at hindi ang mga kamay na dumagit sa kanila.
Paano na ngayon Bryce? Hindi sila nagpapatinag. Mukhang ayaw talaga nilang pakawalan sina Mark. Nahihintakutan nang tanong ni Anne kay Bryce.
Tawagin mo kaya si Owlria, maaring matulungan nya tayo. Gamitin mo ang plawta na ipinagkaloob nya sa iyo. Suhestiyon ni Bryce.
Ngunit nagpapahinga sya ngayon kaya baka di nya ako marinig. Punto ni Anne.
Mako! Umiwas ka! Sigaw ni Mark kay Anne dahil may kamay na parating sa kanya ngunit huli na bago sya nakailag dahil hinampas sya nito at tumalsik sya sa puno at nahimatay. Ang lakas ng kamay na iyon para lamang makapagpawala ng malay ng isang tao. Napasigaw kaming lahat sa nangyari kay Anne lalo na si Mark pero hindi naman nila magamit ang kanilang kapangyarihan dahil hawak sila ng mga pambihirang kamay.
Dianne, mukhang ikaw lang talaga ang makakapuksa sa kanila. Dahil ikaw ang puntirya nito. Buntung hininga ni Bryce.
Ngunit alam mong hindi ipinagkakaloob ng kuwintas ang kapangyarihan ko? Ano ang magagamit ko laban sa kanila? Tanong ko sa kanya. Hindi sya makasagot dahil totoo ito. Ano ba ang dapat kong gawin?
Napahawak ako sa kuwintas na lila at nakiusap na ipagkaloob na ang kapangyarihan pero tila hindi ako pinakinggan at nanatili lamang itong nakasabit sa aking leeg.
Ilang saglit pa ay nararamdaman kong may mga kamay na sumisira na sa digital room na ginawa ni Cedric. Alam kong hindi ito kakayanin ang long term damage kaya anumang saglit ay masisira na ito.
Lord pleaseee tulungan nyo naman po kami. Sana po ay may tumulong sa amin.. Panalangin ko habang nakapikit. At pagkatapos na pagkatapos kong idasal ay nawasak na ito at hinanda ko na ang sarili para madagit ng mga kamay.
Clue's POV
Kasalukuyan akong nanonood sa laban na aking nasasaksihan. Mukhang kumilos ulit ang Bugtong Na Sumpa ni Shadow at si Dianne ang puntirya nito ngunit alam kong hindi pa nya nakakamit ang kanyang kapangyarihan.
Nawasak na ang digital room at inaasahan ko na madadagit sya nito pero bigla akong nagulat dahil may mga laso na pumulupot sa mga kamay. Nung tiningnan ko kung sino ito ay hindi na ako nagtaka dahil alam kong pupunta sya rito para saklolohan sya.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasiNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...