E P I L O G U E

8 0 0
                                    

Third person's POV

Ngayon na!!

Sinimulan nang atakehin ng magkakaibigan ang mga shadow creatures na papalapit sa kanila ngayon. Kanya kanya silang nagsambit ng mga magic spells nila.

Burning blow!! Si Bryce na nagbigay ng maalab na boltahe at tumama ito sa mga creatures na kaagad naglaho.

Digital Blast! Nagpakawala naman si Cedric ng electronic rays at tumama ito sa mga shadow creatures.

Tidal Wave! Ibang klase ng move ang ginawa ni Mark na kung saan ginamit nya ang isang malaking alon upang sila ay lamunin ng tubig.

Scream Bolt! Gumawa naman si Dianne ng isang nakakabinging sound blasts na nagpaalulong sa ilang creatures hanggang sa ito ay maglaho.

Ray of Crystal Light! Ginamit naman ni Anne ang mahika sa liwanag upang gumawa ng isang ray na nagpabalot ng liwanag sa mga ito at agad na  nagdisperse.

Venus Flytrap! Itinama naman ni Xiara ang kanyang enerhiya sa lupa at doon ay lumitaw ang halaman at nilulon nito ang kumpol ng mga shadow creatures.

Sa pamamagitan ng mga spells nila ay naubos nila ang unang alon ng mga shadow creatures. Dahil sa nangyari ay biglang nanggalaiti si Shadow.

Mukhang masyado yata kayong nadalian sa aking mga alagad. Kung ganoon ay subukan nyong pigilan ito! Shadow Arrows!

Biglang inilapad ni Shadow ang kanyang mga braso at sa kanyang dalawang palad ay inilabas nya mula sa itaas ang mga arrows na nililkha nya. Mabilis itong kumikilos papunta sa amin.

Ihanda nyo ang mga shields nyo guys! Malakas na sambit ni Bryce. Tumalima agad sila at ginamit ang mga sariling pananggalang.

Bumagsak sa kanila ang mga shadow arrows pero dahil sa lakas ng kanilang mga panangga ay walang nasaktan sinuman sa kanila.

Walang saysay ang mga palaso mo Shadow! Aqua Jet! Naglabas naman si Mark nang dalawang jets na tubig at itinira sa direksyon papunta kay Shadow. Mayroon isa sa kaliwa at isa sa kanan.

Dark Barrier! Hinarang nya ang kanyang mga kamay na syang sinalpukan ng mga jets. Ngumisi pa ito kay Mark na tila nang aasar.

Hindi mo ako matatalo sa mga simple mong spells. Ngisi nitong sabi at tila nagtagumpay sya na inisin si Mark.

Itinuro nyang muli ang mga daliri sa amin pero expected na ng magkakaibigan na magpapasugod ito ng mga creatures.

Agad na sumunod ang pangalawang alon ng mga creatures pero nagulat ang mga mortal dahil nagbago sila ng histura. Bigla silang nagsama sama at naging mas malalaking version ng mga shadow creatures.

Guys, kailangan natin silang mapuksa. Turan ni Bryce.

Pero kailangan din natin mabawi ang libro sa kanya. Maaring gamitin nya ang makapangyarihang libro upang panlaban sa atin kaya dapat ay makuha natin ito. Dagdag pa ni Xiara.

Kung ganoon ay kinakailangan muna nating maghiwa hiwalay, kami nang bahala nina Mark at Cedric sa mga ito. Kayo naman ay puksain nyo na ang mga natitira nyang mga shadow creatures saka nyo bawiin ang libro. Nagplano na si Bryce na agad namang sinunod nila.

Lumipad na paalis ang mga kababaihan pero biglang lumitaw ang isang malaking shadow creature na tila ba pinipigilan silang umalis.

Umalis ka sa daraanan namin! Leaf Blast! Gumamit sya ng mga dahon upang tamaan ito ngunit tila wala namang nangyari at hindi man lang ito nasaktan na syang ikinagulat nila.

Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon