Dianne's POV
Dianne! Ang ganda ng outfit mo!! Manghang mangha na turan ni Xiara matapos masaksihan ang aking pagbabagong anyo. Maski ako din ay di makapaniwala sa aking kapangyarihan at kasuotan.
Ang aking pakpak ay 2 pairs at bawat pair ay tila may nakadikit na mga nota sa aking pakpak. Ang aking mahaba na buhok ay nagkaroon ng isang ponytail na katulad kay Ariana Grande. Ang suot ko naman ay isang dress na color purple at kumikinang talaga ito. Mayroon din akong boots na color purple din. May headphones din na nakasabit sa aking ulo at may mga buttons dito na maaring pindutin. Na amaze talaga ako sa aking transformation.
Binabati kita Dianne sa iyong pagbabago. Sa wakas ay lahat na tayo ay napatunayan na ang sarili sa kuwintas. Mukhang mas magiging malakas na tayo ngayon. Wika ni Bryce na sobrang nagagalak.
Salamat Bryce, ikinakatuwa ko man ito pero di ko pa rin malimutan ang kalagayan ni Head master. Hindi ko alam kung kaya ko syang matulungan. Tugon ko sa kanila. Bumalik na naman ang aming mga tingin kay Head master. Sa histura nya ay hindi pa talaga sya patay, para lamang silang natutulog. Ano kaya maari kong gawin para maibalik ko ang buhay nya?
Biglang may lumukob na kakaibang hangin sa akin. Nagulat sila sa pagdating nito pero ayon sa aking nasaksihan ay ito ang nagbibigay ng impormasyon kung ano ang powers namin.
Mahiwagang hangin, ano ang aking kapangyarihan?? May magagawa ba ito upang matanggal ko ang sumpa at maibalik ang buhay nya? Tanong ko sa kanya. Patuloy lamang ito na umiikot sa aking katawan pagkatapos ay bigla syang pumasok sa aking tenga.
MU...SIC......
Yun ang narinig kong bulong nya. Music.. Music nga ang kapangyarihan ko. Pero di ko pa rin alam kung makakatulong ba ito sa pagbalik ng buhay ni Head master.
Ano ang sinabi nya sa iyo Dianne? Tanong ni Xiara.
Music daw ang kapangyarihan ko. Ibig sabihin musika ang aking kakayahan. Tugon ko sa tanong ni Xiara. Napangiti naman ito ng bahagya sabay balik ang tingin kay Head master.
Mga mortal, sa palagay ko ay dapat nyo nang lisanin ang Fluditorium. Kami na ang bahala sa aming pinuno. May misyon pa kayong dapat gawin. Paalala ni whole note sa amin. Pero mariin akong tumanggi.
Hindi ako makakapayag whole note! Hindi ako papayag na dahil lamang sa sumpa ng kanyang kapatid mawala ang kanyang buhay. Tinulungan nya kami na talunin namin ang kamatayan ni Xiara. Kaya nararapat lamang na gawin din namin iyon. May diin ang aking pagkakabigkas kong sabi.
Pero walang nakakaalam kung paano maibabalik ang buhay nya at hindi rin tayo nakakatiyak kung may kapangyarihan tayong ibalik ang buhay nya. Sabi ni Bryce habang tinatapik nito ang balikat ko. Napa buntung hininga ako. Tama naman sya, gusto ko man syang tulungan pero di ko alam kung paano. Maliban na lamang talaga kung may gamot sa mga sumpa...
Naalala ko na! Ang Eternitree! Ang bunga ng Eternitree ay may kayang magpagaling ng kahit anong sumpa! Iyon ang maari nating gamitin para mabuhay si Head master. Bigla akong napabulalas ng maalala ko iyon. Ang bungang iyon ang syang kinukuha ngayon nina Mark para magamot si Riddle.
Kung ganoon ay pupunta ako para kumuha ng bunga. Bantayan nyo lamang si Head master at...
Hindi na kailangan! Hindi pa tapos magsalita si Bryce nang makarinig ako ng boses. Hinanap ko kung saan nanggaling ang tinig at napangiti ako nang nakita ko sina Mark, Anne at Cedric na lumilipad papalapit sa amin. Kumaway naman si Xiara sa kanila at si Bryce ay naka hinga ng maluwag.
Masaya ako at magkakasama na ulit tayo! Tugon ni Anne sa aming tatlo. Niyakap nya kami nina Xiara na syang tinugon din namin ng mahigpit na yakap.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasíaNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...