RWC 48: Another One

10 0 0
                                    

Cedric's POV

Kasalukuyan kaming naririto nina Dianne at nang mga buhawi upang hintayin sina Mark, Anne, Xiara at Bryce. Nag presinta na ako na maiwan upang maprotektahan ko rin ang mga buhawi at si Dianne.

Sana magtagumpay sila Cedric, sana mahanap na nila ang buhawi. Hiling nito.

Wag kang mag aalala, magtiwala lamang tayo sa kanilang kapangyarihan at kakayahan. Naksisiguro akong di tayo bibiguin nila. Paninigurado ko sa kanya.

MAGDILANG ANGHEL KA SANA MORTAL. SABIK KO NANG MAKITA ANG AMING ANAK! Maugong na tugon ng nanay na buhawi. Hindi ko alam pero kahit malumanay ang kanilang mga salita pero ang boses nila ay para lagi silang galit dahil sa lakas ng ugong nito. Mukhang kailangan ko lang talagang masanay.

Bigla bigla pa ay biglang nagsalita ulit ang nanay na buhawi.

MGA MORTAL, NARARAMDAMAN KONG MAY IBANG NILALANG SA PALIGID. HUMANDA KAYO! Maugong na wika nito. Kinabahan naman si Dianne nang marinig ito at nagtago sa likod ko.

Dyan ka lang Dianne sa likod ko, ako ang bahala sa iyo. Matapang kong tugon habang hinihintay kung sino ang nilalang na nararamdaman nila. Malakas din ang pala ang kanilang pakiramdam sa paligid.

Kung sino ka man, batid naming naririyan ka. Magpakita ka! Umaalingawngaw kong sabi dahil nasa bundok nga kami kaya natural lang na umalingawngaw ito.

Hindi nyo kailangang matakot, hindi ako kalaban kung hindi ay kapanalig. Alingawngaw din ng kanyang boses sabay litaw nya sa aming harapan. Nagulat ang mga buhawi at agad nilang iniyuko ang sarili upang magbigay galang. Maski kami rin ay yumuko ng kaunti bilang paggalang sa tagapangalaga ng Riddle World.

Naparito ka Clue, may kailangan ka ba sa amin? Tanong ko sa kanya pero tila mayroon syang hinahanap.

Nasaan ang inyong mga kasama? Sa pagkakaalam ko ay anim kayo ngunit bakit dalawa na lamang kayo? Takang tanong ni Clue.

Ang aming kasamahan ay tumungo sa bundok upang hanapin ang anak ng mga buhawi at upang makuha rin ang aming mapa sa kadahilanang kinuha rin ito ng kanilang anak. Pagsasalaysay ko.

Mukhang naglayas ang kanilang anak. Mukhang masyadong nahigpitan ang inyong anak sa inyo kaya piniling lumayo. Turan nya. Kaya naman pala lumayo dahil nahigpitan ng masyado. Dun ko napatunayan na kahit sobrang pagmamahal ay masama.

MAARING IYON NGA ANG DAHILAN FAIRY CLUE, KAYA MALAKI TALAGA ANG AKING PAGNANAIS NA MAKASAMA ANG AKING ANAK. Tugon ng amang buhawi. Mukhang may pagkakamali rin kasi ang kanyang mga magulang kaya ninais nito na lumayo dahil ang nais lang naman ng mga anak ay mamuhay ng malaya.

Ngunit batid ko na magagawa nilang makumbinsi ang inyong anak na bumalik sa inyo ngunit siguraduhin nyo lamang na aalagaan at babantayan nyo sya ng sapat lamang sa kanya upang hindi na syang magtangkang lumayo ulit. Payo ni Clue sa kanila.

SALAMAT CLUE, ASAHAN MONG SUSUNDIN NAMIN ITO. Sabay na ugong nilang dalawa na tila kasing tunog ng kulog.

May maganda nga pala kaming balita sa iyo Clue, nakuha na namin ang unang codex, ang emerald cape! Bulalas na balita ni Dianne sa kanya ngunit hindi man lang sya nagulat. Parang batid nya na ito bago pa sabihin ni Dianne.

Binabati ko kayo, ngunit hindi iyan talaga ang aking pakay. Ang pakay ko ay kayo mismong mga mortal dahil pagkatapos ng mga mortal na makuha ang mapa at ang kanilang anak ay panibago kayong gagawin. Hala meron ulit kaming gagawin? Paano na ang susunod na codex? Paano namin ito makukuha kung may dapat pa kaming gawin?

Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon