RWC 57: Little By Little

8 0 0
                                    

Dianne's POV

Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Kinusot ko pa nga ang aking mga mata para malaman kung nananaginip ako pero totoo pala talaga sya.

Napakakisig nya. May katangkaran pero payat ito. Malakas ang dating at sobrang ganda ng mga mata na para bang nakangiti lagi ang mga mata nito. Matangos ang ilong at may kanipisan ang labi. Maputi ito at may nakasabit na Flute sa leeg nya.

Heto na ba ang mga mortal na ating dinala dito sa loob ng Fluditorium? Tanong ng head master sa whole note.

Sila nga po Pinuno. Kaya akin na silang pinapunta rito sa hapag kainan para pakainin gaya ng ipinag uutos ninyo. Sambit nito.

Magaling aking alagad, ngayon ay maari nyo na bang bigyan na rin ako ng makakain? Nais kong saluhan ang mga mortal na ito. Utos ng head master sa whole note. Agad namang tumalima ito at pumunta sa kusina.

Dahan dahan syang pumunta sa kanyang upuan at tila pinag mamasdan kami ng isa isa. Hindi naman sya mukhang masungit pero bakit may nararamdaman akong takot sa kanya?

Pinuno heto na po ang inyong pagkain at inumin. Dumating ang isang half note at nilagay ang mga tinapay, alak at prutas sa harapan nito. Bago ito lumisan ay yumuko ito bago bumalik sa kanilang silid lutuan.

Maari ba kayong magpakilala sa akin nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang inyong mga pagkakakilanlan? Tanong nito habang umiinom ng alak. Grabe alak talaga inuna bago pagkain.

Unang tumayo si Bryce. Kami nga pala ay mga mortal na nanggaling sa mundo ng mga tao. Narito kami sa Riddle World dahil sa isang importanteng misyon.

Ano ba ang misyon ninyo? Tanong muli nito habang ngumunguya ng tinapay. Tumigil yung tibok ng puso ko nung ginawa nya yun. Kahit nakain sya ay maginoo pa rin ito at makisig tignan.

Ang misyon namin ay makuha ang mga codex dito sa Riddle World upang hindi ito makuha ng isang masamang sorsera na kalaban ng mga sorsero at sorsera. Pagpapatuloy ni Xiara.

Kung gayon ay may nangyayari rin palang di kaaya aya sa mga mundo ng mga sorsero at sorsera. Pero ano ang kinalaman ng misyon niyo sa pagpunta dito sa aking magarang tirahan? Tanong muli nito habang kumagat ng mansanas. Grabe! Nababaliw na talaga ako. Ang cute nya kasing tignan habang kumakagat ng mansanas. Sana ako na lang yung apple charot hahaha. Pero ako na ang sumagot sa tanong nya.

Ahh ehh kailangan po kasi naming dumaan dito sa Fluditorium kasi po ahh hmm kailangan naming makuha pa ang isang codex kaya sorry po kung nagambala po namin kayo. Tugon ko sa kanya ng may konting pagpapacute. Grabe ang harot ah.

Hindi nyo naman ako nagambala mga mortal, pero nais ko lamang malaman na kung mga mortal kayo ay bakit may mga pakpak kayo kagabi at bakit ang isang binibining ito ay hindi ko nakitaan ng pakpak? Pag uusisa niya. My God! Binibini daw ako. Kinilig na ako dun ng very light lang hahaha.

Kasi ay mayroon kaming taglay ng kapangyarihan ng ibigay sa amin ng isang sorsera na si Riddle. Itong mga kuwintas na suot namin ang nagbibigay sa amin ng mga pakpak at kakaibang kakayahan. Paunang tugon ni Bryce.

Ngunit hindi lang po kami ang mayroon nito. Sa katunayan ay anim po kami ngayon pero naghiwalay muna kami upang makuha nila ang bunga sa Eternitree at mailigtas si Riddle mula sa lason na ipinataw sa kanya ng isang masamang sorsera na si Shadow. Segunda ni Xiara.

Kaya wala pa akong kapangyarihan dahil hindi ko pa napapatunayan ang sarili ko sa kuwintas. Pangatlong wika ko. Pagkatapos kong magsalita ay tila nag iisip ang head master sa mga sinasabi namin. Para bang inaalam nya kung nagsasabi kami ng totoo o hindi.

Mukhang walang bahid ng kasinungalingan ang inyong mga tinuran. Nakapagtataka lamang kung bakit nasa inyo ang mga kuwintas na iyan. Sa pagkakaalam ko ay pagmamay ari iyan ng mga diwata na kung tawag sa kanila ay mga Sprities. Mahinahong tugon niya. Kahit na pinag dududahan nya kami ay parang normal lang na pananalita ang kanyang ginamit. Walang halong emosyon.

Kung gayon ay sa kanila ang mga kuwintas? Tanong ni Xiara na halatang nagtataka sa mga sinambit ng head master.

Nakasisiguro akong iyan iyon. Hindi ako maaring magkamali dahil alam ko ang wangis ng mga kuwintas na iyon. Matagal na silang hindi nagpakita dito sa Riddle World. Paniniyak nya. Kung ganon ay bakit walang sinabi si Riddle tungkol sa mga pinaggalingan nito o kung sino ang mga naunang may ari nito. Nag mukha tuloy akong customer na gumamit ng second hand na kuwintas.

Pero paumanhin, hindi namin alam ang tungkol sa mga Sprities na sinasabi mo dahil nung ibinigay sa amin ito ay wala syang nabanggit tungkol sa mga diwata. Tugon ni Bryce.

Kung ganoon ay baka ang sinasabi nyong sorsera ang tanging nakakaalam kung anong nangyari sa kanya. Ayaw ko man sabihin ito ngunit maaring nasa panganib sila o hindi na sila nabubuhay pa. Sambit nito ng walang halong emosyon kahit na nakakatakot ang kanyang tinuran. Parang nagbabasa sya ng isang script na walang emosyon. Walang kahit anong pagbabago sa boses o facial reactions pero ramdam mo ang kanyang ibig ipahiwatig.

Kung ganoon dapat pala ingatan natin ito upang mapatunayan pa natin lalo na karapat dapat tayo dito. Turan ni Xiara. Tama ang sinabi nya. Kung sakaling makukuha ko ang kapangyarihan ay papatunayan ko la rin ang aking sarili. At hindi ako makapapayag na hindi matupad ang misyon namin.

Sige nalaman ko na ang mga dapat kong malaman. Whole note! Malakas na banggit nito. Agad namang tumakbo ang whole note sa kanyang head master. Ang cute tumakbo nito parang maliit na minion.

Maari mo na silang ibalik sa kanilang mga silid upang makapag pahinga. Huwag mo muna silang paalisin dahil may kailangan silang gawin mamaya para payagan ko silang makalabas ng Fluditorium. Wika nito ng mahinahon pa din at agad namang tumalima ito at sinabihan kami na tumayo upang makabalik sa aming mga silid.

Bago ito umalis ay tinanong ko muna sya.

Sandali lang po head master, ano po palang pangalan ninyo? Tanong ko sa kanya. Lumingon ito sa akin at tinignan ang aking mga mata.

Hindi mo pa kailangang malaman. Sa ngayon kahit head master na lang ang itawag mo sa akin. Sabi nito sa akin saka tumalikod muli. Alam mo yung kahit hindi ko nalaman ang pangalan nya ay kinilig pa rin ako dahil sinagot nya yung tanong ko. At yung titig nya. Natuod talaga ako sa kinatatayuan ko.

Ahh sa tingin ko ay dapat na tayong bumalik sa inyong silid. Wika nito habang tinatapik ang aking binti. Agad naman na akong sumunod at sinamahan ang dalawa.

Ahmm tungkol nga pala sa sinasabi nyang dapat naming gawin. May alam ka ba tungkol doon? Tanong ni Bryce. Oo nga pala, naalala ko ang tungkol doon. Pero di ko masyadong iniisip yun dahil mas nangingibabaw pa rin ang napakaguwapong head master.

Paumanhin ngunit hindi ko rin sigurado kung ano ang gusto nyang ipagawa sa inyo bago kayo umalis. Ngunit wala kayong dapat ipag alala. Walang kinalaman ang labanan dito dahil hindi naman bayolente ang head master namin. Sabi ng Whole note sa amin. Wow buti naman at walang laban ulit na magaganap sa ngayon.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay narating na ulit namin ang aming silid.

Dito na lamang muna kayo mga mortal. Hantayin nyo lang ako na bumalik dito. Sa ngayon ay magpahinga at maghanda na lamang kayo. Turan ng whole note sabay labas sa aming kuwarto.



























Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon