RWC 31: Lust Of The Flesh

11 0 0
                                    

Riddle's POV

Ayos ka lang ba Mound? Tanong ko sa kanya habang hinahagod ni Mind ang likod nya.


Oo ayos lang ako, di lang ako makapaniwala sa lakas ng sumpa nya. Maski ang kapangyarihan ko ay hindi umubra. Sabi nya na tila nanghihina. Ginamit naman ni Mind ang kanyang mahika upang kuhanan ng tubig si Mound sa refrigerator. Agad namang ininom ni Mound ito.



Dahil sila lamang ang makakatalo sa sumpa dahil pangalan nila ang nakasulat sa libro kaya sila rin ang makakapuksa nito. Sambit ko sa kanya.



Kung gayon ay dapat na tayong magmadali, kailangan na nating mahanap si Gravity sa lalong madaling panahon. Turan ni Mind.



Oo nga pala Mound, nasa iyo pa ba ang Codex na aking ipinagkatiwala sa iyo? Naalala kong tanungin sa kanya ito dahil ito naman talaga ang pakay namin dito.



Sandali at titignan ko ito sa aking bag. Sabay alis at kinuha ang bag nya. Gamit ang mahika ay binuksan nya ito at nilabas ang gamit isa isa pero nahintakutan sya bigla. Nanlambot ang histura nya.


Mound naiwala mo ang codex?! Bakit Mound? Saan ito napunta? Rinig ko na lang na gulat na pahayag nya. Mukhang nabasa nya na agad sa isipan ni Mound ang pangyayari.


Naririto lang naman yun at dala ko ito nung pumunta akong SOGO hotel pero sandali wala rin ang mga pera ko dito... Naku! Nakuha ng naka fling ko kahapon! Napagtanto nya.


Hindi maari ito Mound! Alam mo naman na hindi ito pwedeng mahawakan ng isang mortal dahil may taglay itong kapangyarihan na maaring magdulot ng kaguluhan. Nahihintakutan kong sabi.



Sandali aking kaibigan, ano ba yung fling? Sino sya at kaano ano mo ba sya? Naguguluhang tanong ni Mind.


Ang babaeng nakuha ko lang sa isang bar dahil niyaya nya akong makipag talik sa isang hotel pero hindi ko alam na magnanakaw din pala sya. Mukhang naloko ako nun ah. Paliwanag nya.



Alam mo ba kung saan sya nakatira o nagtatatrabaho? Tanong ko sa kanya.



Oo alam ko kung saan kaya kumapit na kayo sa akin para makuha na natin agad ang codex at bago nya pa malaman na may kapangyarihan ito. Sabi ni Mound at kumapit na kami agad sa kanya at naglaho kami.



Lumitaw na kami sa isang itim na bar at may nakasulat sa itaas na FOV. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun pero sa ingay at mga disco lights na nakikita ko sa loob ay ang nagsisilbing palatandaan na isa nga itong bar.



Narito na tayo aking mga kaibigan, nararamdaman ko na nasa loob sya. Kaya tayo'y pumasok na pero Riddle, alalayan mo si Mind dahil hindi rin biro ang lugar na ito baka mapahamak si Mind. Paalala ni Mound. Tama sya doon, hindi sanay si Mind sa mga lugar na ito kaya baka matakot lamang ito pero nababasa ko sa kanyang isipan na parang natutuwa sya. Dahil ba sa sasamahan ko sya?




Pumasok na kami sa pangunguna ni Mound at pumasok na kami sa madilim ngunit mailaw na lugar na kung saan maraming mga lalakeng nag iinuman, mga babaeng naglalandian at nagsasayawan na syang nag eentertain sa mga lalake, mga tao na nakaupo lang at nanonood sa mga babae at mga taong trip lang pumunta doon. Basa ko sa isip nila na trip lang nila eh.



Napagmamasdan ko rin na nakatitig sila sa amin tuwing napapadaan kami. Naiisip ko na dahil sa iba ang kasuotan ni Mound pero pag lingon ko sa kanya ay naka pantalon at T shirt na puti ito, tulad ng una naming pagkakakita sa kanya. Wow ang bilis naman nyang magpalit.



Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon