RWC 49: Curious About Magic

11 0 0
                                    

Mound's POV

Sir.. Sir.. Gising na po...

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang malakas na tapik ng isang kamay sa akin. Unti unti kong minulat ang aking mga mata at nakita ko na isa itong pulis.

Bigla kong naalala ang lahat. Nandito ako dahil hinabol ko si Gravity, ngunit itinatanggi naman nito na hindi sya si Gravity at tila hindi nya ako matandaan.

Tumayo ako ng dahan dahan habang inaalalayan ng pulis.

Ako nga pala si SPO2 Martin Resureksyon at naririto ako upang usisain ang mga pangyayari
Maari ko bang malaman ang iyong ngalan ginoo? Tanong ng pulis sa akin.

Mandy ho, Mandy ang aking ngalan. Tugon ko sa kanya. Yun ang aking ibinigay dahil yun talaga ang ginagamit kong pangalan dito sa mundo ng mga tao.

Mandy, ano ang nangyari rito? Nadatnan na lamang namin kayo kasama ng aming dalawang kasamahan na walang malay dito sa lupa. Tanong nito sa akin. Lumingon muna ako sa kinaroroonan ng tatlong pulis at nakita ko na inaalalayan din sila patayo ng kanilang kasama na pulis din.

Ahh sinundan ko ang mga pulis na humabol sa sinasabi ng ginang na  ninakawan sya ng Gravithief. Na curious ako bigla kaya sinundan ko agad sila nang sa gayon ay baka makatulong ako. Ngunit hindi kami nagtagumpay. Pagsasalaysay ko.

Ngunit paano mo sila tinulungan, wala ka namang dalang kahit baril? Hindi ka maglalakas loob na tumulong kung wala kang sandata hindi ba? Patuloy na pag uusisa nito. Kinabahan ako ng bahagya sa tanong nya dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na may mahika ako katulad ng Gravithief. Pero dapat hindi nila ito malaman muna dahil baka pag isipan nila ako ng masama.

Ahh sinubukan ko lang naman ho kung kaya kong lumaban sa Gravithief dahil may taglay naman akong lakas sa pamamagitan ng aking braso at paa. Pagsisinungaling ko. Napailing na lang ang pulis sa sinabi ko.

Matapang ka Mandy ngunit di ka nag iisip, alam mo ba na karamihan sa aming pulis ay hindi sya mahuhuli huli. Kahit pa marami sila at may mga armas sila ngunit di nila ito magamit sapagkat kaya ng Gravithief na kontrolin ang paggalaw nila. Tugon nito.

Maya maya ay may mga pulis pang dumating at kasama nito ang ginanng na aking nakausap kanina. Nang makita kaming dalawa na nag uusap, agad syang humangos papalapit sa pulis.

Sir! Nakuha nyo po ba ang bag ko sa kanya?! Tanong ng hinihingal na ginang. Napayuko muna ito bago sumagot.

Pasensya na po misis, nabigo kaming kunin ito. Humihingi kami ng dispensa. Sagot nito. Napaiyak ang ginang sa sinabi ng pulis.

Naku malaking halaga pa naman ang naroon! Kailangang kailangan ko ang perang iyon! Tumatangis na wika ng ginang.

Wag po kayong mag alala, hindi kami titigil hanggat di nahuhuli ang Gravithief. Babalitaan na lang namin kayo kapag may nasagap na kaming balita. Misis, Mandy, maiwan ko na muna kayo. Paniniguro nito sabay alis nito pati na  ng kanyang mga kasamang pulis. Tanging kami na lamang ng ginang ang narito.

Sorry po misis, pasensya na kung hindi ko nakuha ang inyong bag. Lubos akong humihingi ng tawad. Pagpapaumanhin ko. Nagsisi ako na hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya. Alam kong malakas ang aking kapangyarihan ko ngunit hindi pa rin ito sapat para mahigitan ang lakas nya.

Hindi mo kasalanan iyon, alam ko naman na talagang mahirap syang hulihin. Base sa mga balita at naririnig ko sa kanya, ibang klase talaga ang lakas nya. Mukhang wala na talaga ang aking pera. Sambit nito habang pinapahid ang kanyang mga luha.

Ang pera po bang iyon ay para sa inyong anak na nasa ospital ngayon? Tanong ko sa kanya. Bigla syang nabigla nung narinig iyon

Sandali paano mo nalaman na para doon yun?! Biglang tanong nya. Sinubukan ko lang naman basahin ang isip nya kung ano ang panggagamitan nya ng pera at nabasa ko naman lahat ng aking dapat malaman.

Sabihin na lang ho natin na magaling akong manghula kaya ko ito nalaman. Ngiting tugon ko.

Hayy tama ka, para sa aking anak iyong pera na ninakaw ng Gravithief. Pambayad ko iyon sa ospital para sa heart operation ng aking anak. Ngunit paano ngayon yan? Wala na akong pambayad, saan naman kaya ako maghahagilap ng ganoong kalaking pera? Alalang sabi nito at tila naluluha na naman ito. Agad ko namang pinakalma ang ginang at tinapik ang kanyang likod.

Huwag na po kayong malungkot, may paraan po ako para mapagaling ang inyong anak. Pang aalo ko sa kanya.

Ano naman ang paraan na yan? May alam ka ba kung saan makakakuha ng pera agad? Tanong agad ng ginang. Luminga linga muna ako sa paligid kung may tao ngunit wala naman akong naramdaman. Agad na akong humarap sa kanya upang ipagtapat ang aking paraan.

May aaminin ho ako sa inyo. Hindi po ako pangkaraniwang tao, isa po akong sorcerer o nilalang na may mahika. Pagtapat ko sa kanya ukol sa aking tunay na katauhan. Basa ko sa isip nya ang pagkagulat, pagtataka at pagkamangha.

Sorcerer?? Naririnig ko lamang yan sa mga bata at alam ko na nabubuhay lamang sila sa mga kuwento. Niloloko mo lang ako siguro ano? Sabi ng ginang na tila hindi naniniwala sa akin.

Alam ko pong mahirap paniwalaan pero wala pong imposible sa mundo at papatunayan ko pa iyan sa pamamagitan ng paggamot sa iyong anak bilang pruweba na ako'y isang sorsero at hindi manlilinlang. Matapat kong sabi sa ginang.

Maraming salamat sa inyong pagtitiwala. Kung inyong mamarapatin, papagalingin ko ang inyong anak nang sa gayon ay hindi na sya hahantong sa operasyon. May kakayahan akong manggamot ng sinumang nilalang, mapa karaniwan man ito o malubha. Patuloy ko.

Kung gayon ay kaya mong pagalingin ang aking anak? Tanong nya na tila di makapaniwala. Tumango ako bilang sagot at nakikita na biglang naging seryoso ang kanyang mukha at tila nagiisip. Maya maya pa ay kinausap nyang muli ako.

Hindi ko alam kung totoo lahat ng sinasabi mo pero wala na talaga akong pamimiliian. Kailangang maipagamot ang aking anak sa lalong madaling panahon kaya tinatanggap ko ang iyong alok. Sabi nito at napangiti naman ako ng marinig iyon.

Kung gayon ay halika na at pumunta na tayo sa ospital kung nasaan ang aking anak. Hawak nya sa aking braso na tila inaakay ako ngunit pinigilan ko ang kanyang braso.

May madaling paraan para makapunta tayo agad at tutulungan tayo ng lupa upang makarating tayo doon. Panukala ko sa kanya. Muli ko na namang nakita ang bahid ng pagtataka sa mukha na sinamahan ng pagkunot ng noo.

Anong ibig mong sabihin? Tanong ng ginang ngunit sa halip na sagutin sya ay hinawakan ko ang lupa at kinausap ito.

Kaibigang Lupa, maari mo ba kaming dalhin kung nasaang ospital at silid kumg saan nakahimlay ang anak ng ginang ng ito? Nagsusumamo ako na dalhin mo kami ngayon doon. Pakiusap ko sa lupa at pinakinggan naman nito ang aking hiling dahil agad kaming pinalibutan ng buhangin sa paligid.

Bakit may mga buhangin sa paligid?? Tanong ng ginang na nagugulat sa kanyang nasasaksihan.

Ito ang aking mahika na may kakayahang kontrolin ang lupa at mga uri nito kaya dadalhin tayo ng buhangin kung saan nakaconfine ang iyong anak kaya huwag kayong matakot dahil ito ang makakatulong sa atin. Paliwanag ko sa ginang na tila nakuntento sa aking paliwanag at maya maya pa ay nilukuban kami nito at naglaho na kami.


























Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon