Mark's POV
Kami ay lumilipad na patungo sa punong sinasabi na nakakapag tanggal ng kahit anong sumpa, ang Eternitree. Nakakagulat kung iisipin na may punong nabubuhay na may ganoong klaseng kapangyarihan pero walang imposible sa mundo ng mahika.
Cedric malapit na ba tayo? Tanong ni Anne kay Cedric na kasalukuyang may hawak ng phone at lumulutang mula roon ang tila navigator upang matunton ang Eternitree.
Konting lipad pa Anne, makakarating na tayo sa Slow river. Tugon ni Cedric kay Anne. Pagkatapos syang sagutin ni Cedric ay napatingin sa akin si Anne na parang may ibig ipahiwatig. Lumapit naman ako ng kaunti sa kanya habang nalipad upang tanungin.
Bakit ganyan ka makatingin sa akin Mako? May kailangan ka ba? Tanong ko sa kanya. Napangiti lang sya at tila humahagikgik pa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
Tinitignan kita kasi baka nagseselos ka na naman dahil tinanong ko si Cedric pero mukhang hindi naman na eh. Ngiting tugon ni Anne sa akin. Nang marinig ko iyon ay napatawa na rin ako ng kaunti.
Hindi na ako nagseselos alam ko naman na hindi mo ako ipagpapalit sa kaibigan ko. Patuloy kong salita sa kanya.
Syempre naman why would I ever think na palitan ka? Para ko na sinabi na hindi na kita mahal noh. Sambit nya na para bang gustong pakiligin ako at nagtagumpay naman sya dahil medyo namula ako sa sinabi nya.
Isa pa mas guwapo ka kay Cedric, cute cute mo kaya. Dagdag pa nya na lalong nagpakilig sa akin. Hindi na ako nakatiis at inismack ko na sya sa labi. Nagulat sya ng ginawa ko iyon pero gumanti na lamang din sya ng halik but this time mas matagal at gumanti syempre ako ng halik kaya nagstop kami ng bahagya sa ere.
I love you Mako. Sabi ni Anne
I love you too Mako. You will always be the one to me at hindi ako papayag na maagaw ka sa akin ng iba because you are magically mine. Pagtugon ko sa sinabi nya at this time sya naman ngayon ang kinilig. Niyakap ko naman sya ng mahigpit after nun.
All right lovebirds, baka gusto nyong magmadali dahil kailangan na natin ang bunga. Sambit ni Cedric na ikinagulat naming dalawa. Nakalutang habang kumakampay ang kanyang pakpak sa ere at nakatigilid ang ulo ng tumingin sa amin. Napatawa na lamang kami sa ayos ni Cedric at pinagpatuloy ang paglipad.
Pagkatapos ng kaunting saglit ay nakarating din kami sa tinatawag na Slow River. Agad na naming napansin ang sobrang bagal ng usad ng ilog. Katulad lamang sya ng ilog sa Mortal World pero ang ipinagkaiba ay mas clear at hindi polluted. At isa pa, kapansin pansin talaga ang sobrang bagal ng usad sa di malamang kadahilanan.
Lalapit sana ako pero pinigilan ako ni Cedric.
Huwag ka munang lumapit, kailangan ko munang magsagawa ng quick analysis sa Slow River kung anong meron dito. Mula sa kanyang kamay ay meron syang phone na kung saan may keypad ngunit walang screen. Sa halip may space doon sa gitna na hugis oblong at may nakalagay ditong isang insekto na ladybug pero hindi sya red kundi kulay grey at bakal ito.
Pumindot sya ng isang button sa phone at lumipad ang ladybug patungo sa tubig at sa ilalim ng katawang ito ay nagliwanag ang isang ilaw at tila iniiscan ang ilog. Pagkatapos ay bumalik din ito sa phone ni Cedric.
Anong ginawa mo Cedric? Tanong ni Anne kay Cedric.
Nakaisip ako ng isang device na kung saan gumagamit ng mga robotics para mag scan ng mga bagay at makakuha ng impormasyon. Ngayon ay aalamin ko na kung ano nga ba ang Slow River na ito. Napahanga na lang ako sa taglay nitong kaalaman sa kapangyarihan ni Cedric. Tama talaga ang desisyon ni Riddle na ibigay ang kapangyarihan ng Technology sa kanya dahil bihasang bihasa sya rito.
Pumindot na sya sa kanyang phone at nagpakita ito ng isang hologram screen ngunit maliit na lamang ito at si Cedric lamang ang nakakabasa.
Ang Slow River daw ay isang ilog na kung saan ay ginagamit ng mga nilalang dito upang magtagal ang kanilang buhay dahil pinababagal nito ang pag agos ng buhay kaya matagal bago sila tumanda. Impormasyon ni Cedric sa amin.
Kung ganun ay wala naman palang dalang panganib ito. Kayang kaya nating lagpasan ang ilog sa pamamagitan ng ating paglipad. Sabi ko sa kanya pero umiling sya.
Hindi Mark, wag ka munang pakasiguro. Sinabi sa akin dito na may mga nagbabantay na mga nilalang sa ilog na iyan na kung tawagin ay Fast Piranhas. Pagdagdag ni Cedric. Napahinga ako ng malalim. Mukhang may makakalaban na naman kami.
Ang mga Fast Piranhas ang mga isdang naninirahan sa ilog. Nanatili silang bata dahil sa ilog. At kung anong ibinagal ng ilog ay kabaligtaran naman sa mga isdang ito dahil sila ay ubod ng bilis. Patuloy ni Cedric.
Ngunit lilipad naman tayo Cedric kaya hindi nila tayo maaabutan. Sabi ni Anne.
Ngunit katulad natin ay may mga kakayahan din sila, may kakayahan sila na makahinga kahit wala sa tubig at meron din silang kakayahang makalipad kaya maari pa rin nila tayong masaktan. At ayon din dito, ang kanilang kagat ay may kakayahang makapagparalyze ng tao as in na hindi magagalaw kahit anong parte ng katawan. Dagdag pa ni Cedric. Kinabahan ako sa mga sinabi nya. Nakakakaba na ang mga nilalang dito sa Riddle World. Mas tumitindi ang mga panganib at maaring mangyari sa amin dito sa kabila ng kariktan ng lugar na ito.
Kung gayon ano ang dapat nating gawin para hindi natin maengkwentro ang mga Fast Piranhas? Tanong ko kay Cedric.
Kailangan kapag lumilipad na tayo ay walang maglilikha ng kahit anong malakas na ingay dahil nagiging agresibo sila kapag nakakarinig ng ingay at aatakihin kung sino ang makita nito. Plano nito. Bago sya lumipad ay ipinatong nya ang kanyang daliri sa labi bilang senyales na walang maingay bago tuluyang lumipad. Lumipad naman kami ni Anne at hawak hawak ko ang kanyang kamay.
Maingat kaming lumipad upang tawirin ang maliit at mabagal na ilog. Dahan dahan kaming lumilipad upang makarating sa kabila.
Third Person's POV
Ngunit ang hindi nila alam ay meron palang nagmamasid sa kanila at pinapanood sila sa pagtawid sa Slow River. Nasa estado ito ng paglalaho kaya hindi sya makita nito. Isang makahulugang ngiti ang kanyang pinakawalan.
Ngayon ay tignan natin kung talagang karapat dapat kayo sa mga kuwintas na iyan. Sambit sabay labas ng isang mahabang laso sa kanyang pulseras at inihampas ito ng ubod lakas.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasíaNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...