Xiara's POV
May ulo walang buhok
May tiyan walang pusod
Palaka Arise!!
Pagkatapos lumitaw ng mga salitang iyon ay biglang bumuka na dalawang portal at biglang lumabas at nagsitalon ang mga palaka. Jusko bakit palaka pa!
Grabe din ang bugtong na sumpa! Alam na alam kung ano ang kinakatakutan ko! Malakas kong bigkas na may takot at pandidiri.
Mukhang ang bugtong na sumpa ay may sariling pag iisip. Alam nito kung paano sindakin ang bibiktimahin. Pag aalala ni Bryce.
Mga mortal, huwag nyong sabihin na magpapadaig tayo sa mga ubod na maliliit na palakang iyan. Magpakatatag kayo! Malakas na sabi ni Head master. Tama sya, dapat di ako magpatalo. Kaya mo ito Xiara, alam kong kaya mo!
Mga alagad sugurin sila! Utos ni Head master na syang ikinilos agad ng kanyang mga alagad.
Hindi sa pagmamaliit sa kanilang kakayahan ngunit paano nila lalabanan ang mga palakang iyan? Tanong ni Dianne sa Head master.
Maghintay ka Dianne, makikita mo rin ang kanilang gagawin. Pagmasdan mo.. Tanging sagot ni Head master. Hmm ano kaya ang kanilang balak gawin?
Habang papalapit sila ay nakikita ko naman ang mga histura ng palaka. Kulay berde na may itim na mga tuldok sa kanilang katawan. Pero nababalutan ng lila ang kanilang mga mata at tila nag aabang sa gagawin ng mga ito.
Mga kasama, gawin nyo na! Namumuno sa kanila ang whole note at ang quarter at eight notes ay nahati sa dalawa. Bale ang mga quarter notes sa kaliwa at ang mga eight notes sa kanan.
Quarter Note Beam! Nagpakawala silang lahat ng isang beam at nag fusio ang mga beams bilang iisang beam at tinamaan ang ilang kumpol ng mga palaka. Namangha ako dahil napatunayan ko na size does not matter pagdating sa kapangyarihan.
Pero nagulat ako dahil dumoble ang dami ng palaka. Kanina lamang ay benteng palaka ang natamaan nila pero ngayon ay 40 na sila. Shocks! May pa double sila!
Mukhang dumadami ang palaka sa enerhiyang ibinato nila. Naku paano nangyari yun? Mukhang kahit sila ay maliliit ay mahihirapan tayong mapuksa sila. Pag aalala ni Dianne.
Maya maya pa ay biglang umatake ang palaka. Inilabas nila ang kanilang mga dila at mas nagulat ako sa kanilang mahabang mahaba na dila na tila ba isang latigo. Iwinasiwas muna nila ito sa ere kaya iiwas sana ako nang biglang nagsalita ang mga eight notes.
Eight note barrier! Lumikha sila ng isang pader pero gawa sa mga eight notes at sinangga nito ang mala latigong dila ng mga palaka.
Mabuti na lamang ay depensa tayo. Sabi ni Bryce.
Yan talaga ang likas na kapangyarihan ng aking mga nota. Ang quarter notes ang umaatake at ang mga eight notes ang nagsisilbing depensa sa mga atake ng kalaban. Pagapaliwanag ni Head master sa amin. At nakakamangha dahil matatag ito at di agad nasira.
Pero Xiara huwag tayong pakampante. Lalo pa't may kakaibang kapangyarihan ang mga palaka. Ngayon natin sila dapat labanan lalo na ikaw dahil ikaw lang ang makakapuksa sa kanila. Sambit ni Bryce sa akin.
Sang ayon ako sayo Bryce. Laban ko ito kaya Dianne manatili ka muna rito kasama si Head master. Bilin ko kay Dianne. Agad na kaming kumilos ni Bryce at nag transform.
Magic Wing Arise!
Napalitan na ang aming mga kasuotan at nagkaroon na kami ng pakpak.
Head master, hayaan mo kami ang humarap sa kanila. Diin kong pakiusap kay Head master.
Tumango lamang ito at agad na inuutusan ang mga alagad nyang mga nota na umalis at bumalik sa kanilang puwesto.
Kami ang harapin nyo mga palaka! Spring Shower! Kaagad ako nagpakawala ng boltahe at itinama ito sa mga palaka.
Matitikman nyo naman ang bagsik ng apoy! Burning Blow! Malakas na fire energy ang ibinato ni Bryce sa ilang mga palaka.
Pero nagulat kami dahil dumoble pa ang kanilang dami at tila parang walang nangyari sa kanila. Bakit sila dumadami?!!
Bryce dumadami sila. Kailangan pa natin silang mapuksa bago sila dumami ng tuluyan. Suhestiyon ko sa kanya.
Mabuti pa ay pagsanibin natin ang Dragon Flame at Nature powers natin. Para mas malakas ang impact. Turan ni Bryce. Sumang ayon ako sa kanya kaya naghanda na ako.
Lava Storm!
Leaf Blast!
Nagsanib ang aming kapangyarihan at mas maraming palaka ang natamaan. Nag high five kami dahil sa wakas ay napuksa namin ang iba.
Guys lalo lamang sila dumami! Biglang sambit ni Dianne. Nang mapawi ang usok ng aming atake ay nagulat dahil sobrang dami na nila. Nakuuu mas nakakadiri at mas madami na sila ngayon! Akala ko pa naman ay mapupuksa na sila.
Mukhang dumodoble ang kanilang bilang kapag sila ay natatamaan ng mahika. Walang silbi ang direktang atake dahil mas lalo nyo lamang sila pararamihin. Pagbibigay obserbasyon ni Head master. Kung ganoon ay di gumagana ang direct magic sa kanila. At sa tingin ko ang mahika namin ang ginagamit nila para makalikha pa ng maraming palaka. Kakaiba talaga ang lakas ng mga bugtong sa libro ni Riddle.
Nang biglang nag anyong latigo ang kanilang mga dila at akmang ihahampas sa amin. Nagulat ako kaya di agad ako nakakilos. Papalapit na ang mga dila sa akin nang biglang..
Dancing Flames! Nabalutan ako ng shield na gawa sa apoy na kagagawan ni Bryce. Humarang sya sa mga dila na patuloy na hinahampas ang aming shield.
Salamat ng marami Bryce, mabuti at nandyan ka para sa akin. Pasasalamat ko sa kanya.
Handa akong protektahan ka kahit anong mangyari. Di ako papayag na masaktan ang isang tulad mo Xiara. Turan nito sa akin. Bigla akong nagtaka sa sinabi nya dahil tila ba may ibig sabihin. Grabe ang concern sa akin nito.
Tumigil ang palaka sa paglatigo sapagkat may iba silang ginawa...
Groakkkkkk!!!!!!!!!...........
Nagpapakawala silang lahat ng mga Sonic Waves na malakas at nakakabingi. Sinubukang patatagin ni Bryce ang shield ngunit kalaunan ay nasira ito at tumilapon kaming dalawa.
Bryce! Xiara! Okay lang ba kayo?? Nag aalalang tanong ni Dianne.
Ayos lang kami Dianne. Pagtugon ko sa kanya.
Mukhang mahihirapan ka talaga Xiara na mapuksa sila. Dapat ay malaman natin kung ano ang kahinaan ng mga palakang iyan. Panukala ni Bryce.
Hindi ko alam kung paano pero susubukan ko. Dito ka na lamang Bryce at protektahan sila. Ako ang tutuloy ng laban. Bilin ko kay Bryce. Tumalikod na ako para harapin sila pero agad nyang hinawakan kamay ko.
Xiara, hayaan mong tulungan kita.. Pakiusap ni Bryce na tila ba nangungusap ang mga mata nito sa akin. Alam mo hindi ko na alam sa lalakeng toh kung bakit protective toh sa akin.
Hayaan mo na ako Bryce. Ako lang ang makakatalo sa kanila. Kaya hayaan mong ako ang maglutas ng kaguluhang ito. Hawi ko sa kamay nito at ngumiti bilang tanda na magiging okay lang ako.. Sana..
Hinarap ko na uli ang mga palaka upang kilatisin sila. Wala na akong ibang mapansin sa kanila kundi ang kanilang histura, mala latigong dila at naglalabas ng malakas na sonic waves.
Kuwintas, sana tulungan mo akong mahanap ang kanilang kahinaan. Maikili kong sambit habang hawak sa aking kuwintas. Nawa ay matulungan ako ng aking kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...