RWC 46: Double Trouble

25 0 0
                                    

Mark's POV

Hinabol namin ang direksyon kung saan nagtungo ang buhawi. Mabilis ang aming lipad, we can't lose it again. Kailangan na nyang makabalik sa kanyang pamilya at maibalik na rin ang aming mapa.

Ayun nakikita ko ang batang buhawi. Turo ni Xiara sa buhawi na kung saan kumakaripas din ng ihip.

Buhawi! Nais lang naming makipag usap sayo, huwag mo na kaming takasan. Wala kaming masamang hangarin sa iyo! Sigaw ko sa kanya pero di sya nag abalang tumigil o sumagot man lamang.

Hanggang sa bigla syang napatigil sa pagihip at napagtanto ko na lang na may malaking harang na dingding ng bundok kaya hindi sigurado akong wala na syang takas. Lumapag kami sa baba at nakipag usap nang mahinahon.

Buhawi, hindi namin ibig na saktan ka. Nais lamang naming makipag usap sa iyo. Ukol sa iyong magulang na hinahanap ka. Pagkarinig nyang iyon ay agad naman syang sumagot.

At ano naman ang pakialam niyo sa aking mga magulang? Hayaan niyo na lang ako na mamuhay ng mag isa at hayaan kong gamitin ang mahiwagang mapang ito upang hanapin ang aking buhay. Pagkasabi nyang iyon ay agad syang nagpakawala ng air wave at napatalsik nya kaming tatlo pero mabuti na lang hindi ito kasing lakas tulad nang dati.

Mukhang kailangan na natin syang gamitan ng kapangyarihan. Xiara, nais kong huliin mo sya upang makausap natin sya ng maayos. Utos ko kay Xiara. Agad naman syang kumilos upang gumawa ng spell.

Magical Vine Wrap! Lumikha sya ng isang bilog na net na gawa sa mga baging at ito'y ibinato nya sa buhawi. Nagtagumpay naman kaming ikulong ito.

Mark, maiiging palakasin ninyo ang vine wrap. Maaring sirain nya ito agad ng walang kahirap hirap tulad ng ginawa nya sa digital web. Palakasin nyo na ito ngayon din. Paalala ni Xiara sa aming dalawa. Di na kami nagpa tumpik tumpik at dinagdagan namin ng Aqua Lazer at Sunburst upang magbigay ng lakas sa trap na ginawa ni Xiara.

Ahhh! Bakit di ako makawala?! Hindi umeepekto ang aking kapangyarihan Ahh!!! Sigaw nito habang pinipilit na gawin kung ano ang ginawa nya sa Digital web ni Cedric. Mukhang ito na ang pagkakataon upang kausapin syang muli.

Buhawi, paumanhin kung kinakailangan naming hulihin ka ngunit ito lang ang tanging paraan para magkausap tayo. Mahinahon kong sabi. Pero hindi pa rin ito mapakali sa kanyang posisyon.

Kahit anong gawin ninyo, hinding hindi nyo makukuha ang mapa at lalo na hindi nyo ako mapapabalik sa aking mga magulang dahil kinaiinisan ko sila. Matapang na banggit nito. Di hamak talaga na mas matapang ito kaysa sa mga batang matitigas ang ulo. Kung ibang tao siguro kumausap dito baka nasapak na sya.

Ngunit bakit mo naman kinaiinisan ang iyong mga magulang? Tanong ni Anne sa kanya.

Eh paano masyado silang mahigpit sa akin, ayaw nila akong pagalain sa Riddle World. Limitado lang aking dapat puntahan, kaunti lang din ang alam kong lugar dahil ayaw naman nila akong payagan. Bata pa raw ako at wala pang masyadong alam kaya naman nang makakuha ako ng pagkakataon tumakas ako sa kanila. Pagsasalaysay nito. Parang biglang lumambot ang puso ko sa kanyang isinalaysay. Yan din kasi ang pakiramdam ko nung bata pa ako, lagi akong binabantayan ng mga maids at bodyguards, hindi rin ako pinapayagan na maglaro sa ibang bata sa labas at nakakalabas lang ako kapag papasok ng paaralan pero may bantay pa ako nun kahit na high school ako. Feeling ko tuloy na para akong sanggol nung mga panahon na iyon na kailangan pang asikasuhin ng matindi.

Ngunit kung ang intensyon mo lang ay lumayo sa kanila, bakit mo kinuha ang aming mapa? Tanong ni Xiara.

Napadaan kasi ako sa Emerald cave at may nakita akong makinang na mapa. Nagulat nga ako sa inyo dahil mga mortal kayo ngunit may taglay na kapangyarihan kaya inisip ko na baka may mahika itong mapa ninyo kaya kinuha ko ito upang malaman ang mga lugar dito pero kahit anong utos ko naman rito ay wala namang pinapakita. Pagpapatuloy nito. Ngayon ay maliwanag na sa akin ito. Tinangka nyang kunin ang aming mapa upang magkaroon pa ng kaalaman sa Riddle World.

Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon