Bryce's POV
Nag teleport nga kami dito sa Slow River dahil dito daw nakatitiyak si Cedric na ito ang lugar na tinutukoy ni Ruby. Well, di na ako tututol dahil sya ang bright one.
Ngayon ay subukan natin buuin ang mga letra. Panimula ni Cedric. Inilapag na namin ang mga salitang AT, AW, LAK. Hindi ako sigurado kung ito nga ba ang makabubuo sa spell pero naniniwala ako sa aking mga kaibigan.
Pagsanibin natin ang ating mga kapangyarihan tapos subukan nating isa isa na mag isip ng isang spell na bubuo sa mga letrang ito. Suhestiyon ko sa kanila.
Sumang ayon din silang lima at kami ay naghawak hawak kami ng kamay at bawat isa sa amin ay nag rerelease na ng maguc energy.
Atawlak! Unang sambit ni Dianne pero walang nangyari.
Watalak! Sumunod naman na nag try si Mark pero wala ding nangyari.
Lakataw! Sambit ni Anne pero wala ring effect. Feel ko dito yata kami mag iisip ng matagal. Kung bakit kasi walang specific na clue eh.
Watakla! Ito naman ang kakaibang sinabi ni Xiara at medyo natawa pa ako nang sabihin nyo pero hindi halata sa aking mukha. Pero hindi ito ang spell.
Kalataw! Turan naman ni Cedric pero katulad nila ay wala ring namgyari.
Ako na lang ang natitira na hindi nagsasalita kaya kailangan isipin ko itong mabuti. Medyo nangangalay na ako sa kakahawak at pagkontrol ng energy.
Sana gumana itong nasa isip ko..
Klatawa! Ito ang nabuo kong salita na alam kong medyo nakakatawa kaya di ako masyadong nag expect na yun ang tamang spell.
Pero ikinagulat ko ang biglang nag init ang kamay ko at tila nagliliwanag na nagtagal ng ilang segundo. Napatingin din sila sa nangyari at ngumiti sila sa akin. Mukhang magaling din pala ako sa wild guesses hahaha.
Mukhang nakuha na ni Bryce ang tamang word. Ngayon sambitin na natin ang spell nang sabay sabay para magwork ito. Suhestiyon naman ni Xiara. Napangiti naman ako nung sinabi nya yun. Ewan ko, parang kinilig ako doon hehe.
Klatawa!!! Sabay sabay naming sinambit iyon at nag ilaw ang lahat ng aming mga palad at doon biglang may lumabas na energy beam bawat isa sa amin.
Naglabas ako ng orange energy, si Mark naman ay blue, kay Anne naman ay yellow, si Cedric naman ay grey, kay Dianne ay purple, at syempre kay Xiara na aking crush ay kulay green😊.
Nakita ko na nagsasanib ang 6 na energy beams at parang may binubuo sila ng isang arrow. Kalaunan ay nawala na ang mga aura ng energy namin at lumitaw sa aming harapan ang isang lumulutang na arrow. Ang arrow ay binubuo din ng 6 na kulay.
Ngayon ay ituro mo sa amin ang kinaroroonan ng tahanan ni Ruby. Utos ko sa arrow. Hindi naman ako binigo nito at nagsimula na itong kumilos papunta sa isang direksyon.
Sinundan naman namin ito sa pamamagitan ng pagtransform namin at sumunod kaming lumilipad sa arrow. Nasa kaliwa lang namin ang Slow river kaya sa tingin ko ay dumidiretso kami sa mabagal nitong agos.
Bryce.. Malapit na.
Biglang nagsalita si Inner Dragon. Nanlamig ako nang marinig ko ang boses nya.
Malapit nang maganap ang pagtutuos ninyo. Nararamdaman kong hindi sya nag iisa, kaya mag iingat kayo. Pagpapatuloy ni Inner Dragon. Lalo pa akong nanlamig nang marinig ko yun. Ibig sabihin ay may kasama pa si Shadow na mga masamang nilalang din.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasíaNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...