Third Person's POV
Patuloy na naglalakbay ang magkakaibigan patungo sa susunod nilang destinasyon, ang Sirenymph Cove. Isa itong kuweba na may parang maliit na lawa sa labas ng kuweba. Kahit di pa nila ito napupuntahan ay nagkakaroon na ng sapantaha si Cedric na tirahan ito ng mga sirena, ayon na rin sa pangalan ng kanilang tirahan.
Pagkaraan ng ilang minutong paglalakad ay napahinto sila. Namangha sila sa nakita dahil ang kuweba ay napapalibutan ng mga makikinang na bato na parang dyamante. Ang lawa naman ay may mga tila water lilies na nakalutang.
Mukhang ito na nga ang Sirenymph Cove. Mukhang mababaw naman ang lawa, pwede natin syang tawirin. Suhestiyon ni Anne.
Hala ayoko ngang mabasa. Tsaka di rin natin sure kung anong meron dyan. Baka may igat na naman yan or something. Pagtutol ni Xiara na ikinatawa nilang lahat.
Cedric mabuti pa siguro i analyze mo ang lugar na ito para malaman natin kung anong meron dito. Turan ni Bryce.
Tumalima naman agad si Cedric at ginamit ang kanyang gadget upang i analyze ang lawa maging ang kuweba.
Pero di pa nagtatagal ang pagkakahawak ni Cedric sa kanyang gadget ay biglang may isang maliit na alon ng tubig ang kumuha nito at inilubog sa lawa.Hala! Mukhang may mahika ang lawa na ito. O di kaya may gumamit ng kapangyarihan para pigilan ang aking pag analyze. Sabi ni Cedric na tila kinabahan sa nasaksihan. Ang iba naman ay naghanda at nagmasid sa paligid. Nakikiramdam sila kung may ibang nilalang ang naririto.
Guys! Umilag kayo! Nakakita si Dianne ng tila mga galamay na gawa sa tubig at agad silang sinugod. Mabuti at nakaiwas sina Anne, Dianne at Xiara. Pero marahil sa pagkabigla ay tinangay nito ang tatlong binata.
Shocks! Kailangan natin sila iligtas guys! Mag transform na tayo! Agad naman kumilos sila upang magpalit ng anyo pero may mga galamay pa na pumulupot sa mga leeg nila. Sinubukan nila itong pigilan pero tumatagos lamang sa tubig ang kanilang hampas. Di nakayanan ng mga babae ang lakas nito at agad nawalan ng malay.
Mark's POV
Mako!! Sigaw ko nang nakita ko bigla silang natumba pagkatapos nilang mapuluputan sa leeg ng mga galamay na iyon. Sana ay okay lang sya pati na ng iba.
Kailangan nating makaalis dito. Magtransform na tayo! Sabi ko sa kanilang dalawa. Agad naman akong sumigaw.
Magic Wing Arise!
Pero tila walang nangyari. Di nagbago ang aking histura. Sinubukan namin ulit pero di talaga gumagana. Bakit nangyayari ito?
Biglang may tatlong jet ng tubig ang lumabas sa kuweba. Nagpaikot ikot sila sa amin at nakita ko na parang tatlong pigura ito ng babae dahil kita ang kanilang mahahabang buhok. Ilang saglit pa ay nag splash paalis ang jet ng tubig at nakita ko ang mga histura nila.
Tatlong babae ito na magkakamukha pero magkakaiba ang kanilang kulay. Sila ay kulay green, blue at pink. Pare parehas silang mahahaba ang buhok at may kalahating buntot ng isda. Mayroon ding mga seashells at lumot sa buhok at katawan. Mayroon din silang mga tilang starfish bilang pantakip sa kanilang mga dibdib.
Mukhang may mga dayo dito sa ating tirahan mga kapatid. Simula nang nakakulay blue na sirena.
At napakaganda pa ng ating mga bisita. Ngayon lamang ako nakakita ng mga katulad nila. Segunda nung naka kulay pink na sirena.
At kakaiba din ang nararamdaman kong kapangyarihan sa kanila. Sagot naman ng kulay green na sirena. Nagtinginan lamang kaming tatlo dahil iba ang titig nila sa amin. Parang nasasabik sila na may mga katulad namin sa lugar nila.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...