Riddle's POV
Lumitaw kami sa isang kuwarto na may malaking kama na puti at kulay berde ang dingding. Saan kami dinala ng misteryosong nilalang na ito?
Makinis din ang sahig at nang tumingin ako sa paligid ay may kurtinang kayumanggi at may mga katamtamang laki na mga halaman sa paligid na nasa malaking paso. Sa ayos ng kuwarto ay parang nasa isa kang malaking imprastaktura na kung tawagin nila ay condominium. Hindi kaya nandito kami sa isang condominium?
Oo Riddle, nandito tayo sa isang condominium at nandito tayo sa Room 405 na syang aking sariling silid. Biglang sagot nya. Teka, may kakayahan syang magbasa ng isip. Hindi ko alam pero bakit kilala ko sya?
Sino ka ba? Ipakita mo sa amin ang iyong wangis upang makilala namin ang estrangherong tumulong sa amin. Utos ni Mind.
Hindi mo pa ba ako kilala Mind? Nagkita na tayo hindi ba? Tanong nya sabay tanggal ng kanyang hood na nagpalitaw sa mukha nya. Namangha ako sa nakita ko. Sya nga!
Ngunit ikaw si Mandy hindi ba? Ikaw ang tao sa kanilang kuwarto na aking kinausap. Kung gayon ay...
Oo Mind, ako nga, kapwa nyo sorsero, si Mound. Sagot nya sa amin sabay pakawala ng ngiti. Tuwang tuwa naman ako kaya agad akong napayakap.
Mound! Salamat naman at natagpuan ka namin! Sabi na nga ba at ikaw yan! Galak na galak kong sabi. Niyakap din naman ako pabalik ni Mound.
Masaya din ako Riddle, kaya pala kakaiba ang presensya nyong dalawa. Hindi ko kayo nakilala agad dahil nagpalit na kayo ng kasuotan. Sagot nya sa akin.
Matapos naming magyakapan ay si Mind at Mound naman ang nagyakapan. Halatang galak na galak kay Mind ang tuwa at pagka miss nya kay Mound. Etong dalawa kasi ang sobrang close sa isa't isa at talaga namang matalik na kaibigan. Kaya ganun na lang sila katuwa nang magkita uli pagkatapos ng ilang panahon.
Kumusta ka na aking kaibigan? Tanong ni Mind.
Ayun maayos lang naman ako, kayo ang hindi maayos dahil napasabak na naman kayo sa laban dahil kay Shadow. Kaya magpahinga muna kayo at ikukuha ko kayo ng makakain. Sambit nito at iginiya kami papunta sa isang mahabang lamesa at pinaupo kami. Kumuha naman sya sa Refrigerator ng mga prutas.
Heto kainin nyo ito, sariwa pa yan at masustansya para mabawi ang inyong lakas. Alok nya sa amin, hindi na kami tumanggi dahil gutom na rin ako at medyo masakit ang aking katawan.
Kumusta naman ang buhay mo rito sa mundo ng mga tao? Tanong ko sa kanya.
Heto nung una ay nahirapan ako sa pag adjust dito sa mundo ng mga tao dahil kakaiba talaga sya sa ating dimensyon. Maraming kakaibang pagkain, kultura at gusali. Pero may mga mabubuting tao na tumulong sa akin at ipinasok nila ako ng trabaho sa isang komapanya at ngayon ay isa akong empleyado roon. Pagsasalaysay nya na tinging pagmamalaki.
Ngunit bakit naroon ka sa isang hotel at tila may kasama kang babae? Ano naman ang ibig sabihin nun aking kaibigan? Inosenteng tanong ni Mind. Tumawa naman ng malakas si Mound.
Iyon ba?! Syempre dahil sa aking kakisigan at kaguwapuhan ay maraming babae ang nahumaling sa akin dahil nga kakaiba ako sa mga lalake rito. Kaya maraming gustong makisaluha ako at sabihin na lang natin na gusto nilang lumigaya kaya pinagbibigyan ko sila. Lokong sabi nya na may kasamang ngiting nakakaloko. Nagtaka si Mind sa mga sinabi nya pero ako ay naintindihan ko na pero nananatili lang akong tahimik.
Hindi ko alam na may ganoon pala rito. Pasensya na at hindi ko alam ang mga kalakaran dito sa dimensyon na ito hindi tulad mo na matagal na ring nanirahan dito. Sabi ni Mind na tila nahihiya.
Okay lang yun aking kaibigan, hayaan mo kapag natapos na natin ang mga dapat nating gawin ay tuturuan kita sa mga gawain dito mundo ng mga tao. Pang aalo ni Mound. Napangiti naman si Mind at nagpasalamat. Nabanggit nya pala ang mga dapat gawin...
Mound, oo nga pala, nasa yo ba ang aking libro? Tanong ko.
Oo naman Riddle, heto ibibigay ko na sayo. Inangat ni Mound ang kamay at lumitaw si Mesa ang Bugtong Bugtong at natuwa naman ako dahil ligtas ako. Nakakamangha talaga ang kapangyarihan nito ni Mound.
Alam mo naman na ako ang sorsero ng Lupa hindi ba? Kaya hindi ko hahayaan na makuha yan ni Shadow at hindi ko rin hahayaan na magapi kayo ni Shadow. Oo nga pala, si Mound ay ang sorsero ng Lupa na kung tawagin sya ng kanyang mga nasasakupan sa aming mundo ay Earth Master dahil sa pagkadalubhasa nya sa kalupaan.
Maraming salamat dahil iningatan mo ang aking libro at iniligtas mo kami, kung hindi dahil sayo baka matunton nya ang Riddle World. Sabi ko sa kanya.
Hmmm Panigurado na ang mga codex ang motibo nya, dapat ay makuha na ito sa Riddle World bago ito makuha ni Shadow, tumungo tayo roon Riddle. Makapangyarihan ang mga codex at kapag napunta ito kay Shadow ay magkakaroon ng kaguluhan. Sabi ni Mound.
Hindi na kailangan Mound, may mga mortal na syang ipinadala para kunin ang dalawang codex. Pag imporma ni Mind. Nagtaka naman si Mound sa tinuran nito.
Mga mortal? Sino ang mga mortal na ito at bakit mo sila pinahintulutan na pumasok sa Riddle world? Takang taka na tanong nya. Ikinuwento ko kay Mound ang lahat lahat tungkol sa sumpa ng aking libro hanggang sa mga mortal na aming nakilala.
Kung ganoon ay atin na lamang na asahan na matupad ang kanilang misyon at matalo ang sumpa ng iyong libro. Sambit ni Mound. Sa di inaasahan ay napahikab ako.
Oh Riddle, inaantok ka na at pagod ka na. Mukhang kailangan nya ng pahinga. Alalang Sambit ni Mind habang nakaakbay sa akin. Hindi ko na napigilan ang antok kaya napasandal ako sa kanya.
Hmmmm Mind ah, ang sweet mo. Sabi ni Mound. Mukhang alam ko na ang magiging reaksyon ni Mind dahil hindi nya alam ang salitang sweet.
Sweet? Ano yun Mound? Takang tanong ni Mind.
Ang ibig sabihin nun ay maalaga at mapag alala. Nakakakilig ganun hahaha. Sambit ni Mound habang humahagikgik. Napatango na lang sya kahit nababasa ko sa isip nya na hindi nya alam ang salitang kilig.
Iginiya ako ni Mind sa malaking puting kama at inihiga ako ni Mind.
Matulog ka na Riddle ah, huwag mo na kaming alalahanin ni Mound. Ang mahalaga makabawi ka ng lakas ah. Sambit nya sabay hawi sa buhok ko. Hindi ko alam pero bakit medyo uminit ang pisngi ko. At dahil talagang inaantok na ako ay nakatulog na ako agad. Bukas ko na lang sasabihin ang iba pang impormasyon.
BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...